"Should I enroll here? Or here?" Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga listahan ng school na maaari kong pasukan.
Parang maganda ang Raven Eye ah? Lagi ko yon naririnig kaso nga lang karamihan ng nag-aaral do'n ay witches at vampires. Literal.
"Bakit hindi na lang sa Blafore Hill ka mag enroll? Nandon ang pinsan mong si Twill kaya mababantayan ka talaga doon. No more mean girls na aaligid sa'yo." Napatingin naman ako kay papa na nagtitimpla ng kape. He's a sorcerer. Pero ngayon ay hindi na dahil binigay niya na sa Archimage ang promise ring niya. Gusto niya daw kasi subukan ang mamuhay ng normal na walang magic at kikilos ng sariling sikap. Dati rin siyang part ng committee sa school namin dahil kilala si papa at mama bilang isa 20 tao na nakatalo sa higit 4000 na Harpies and I find it super amazing.
"Should I?" Kumagat ako sa toasted bread na niluto ni mama.
"Why not? Isa pa, almost 3 years din kayong hindi nagkita ni Twill. Isa rin ang Tita Victoria mo sa mga professors doon. And you know what's the best? It's a Nopiton School." Nakaramdam ako ng excitement dahil sa mga sinabi ni mama. Nopiton is just like an international school sa mundo ng mga normal na tao. Open ito sa lahat— Vampires,Witches,Wizards, Sorcerers, Manipulators, Werewolves, etc... at higit sa lahat, sa mga summoner na katulad ko. Madalang sa mga school ang tumatanggap ng summoner students dahil masyado daw kaming delikado para sa ibang students.
Buo na ang desisyon ko.
"Maybe Blafore Hill is my destiny then."
BINABASA MO ANG
Blafore Hill: School of Fantasy
FantezieIsang uri ng skwelahan na hindi mo aakalain na meron sa mundong ito. Kung wala kang kakaibang kakayahan,hindi mo ito matatagpuan. Pili ang mga mag-aaral at may iba't ibang taglay na kapangyarihan na hindi mo basta-basta matatagpuan. Samahan ang mga...