HERSHEY
"Bukas, sa Gymnasium na tayo magkikita dahil hahasain na natin ang physical abilities niyo. Till our next meeting class. You make take your break." Agad nag pulasan ang mga kaklase ko papunta sa cafeteria. Saglit akong nanatili sa loob ng room namin para hintayin si Twill pero wala pa rin siya. Gosh! Ihi pa ba ang ginawa niya? Iniinip niya ako masyado!
Nakapag decide na ako. Akala na lang mag-isa ang pupunta sa cafeteria. Kinuha ko na ang gamit ko sa bag ko. Ki-nollect na nga pala yung mga gadgets namin. Pagkalabas ko ng room ay nanghula na lang ako ng daan. Bwisit kasing si Twill! Bakit ba ang tagal niya?! Hindi ako makapag tanong dahil wala namang nag da-daan na estudyante sa parteng ito. God! Napalayo na yata ako! Pabalik na sana ako ng maaninag ko ang isang lalaki na may kausap na babae.
Yung lalaking yon...kaklase ko siya sa pagka-katanda ko. Agad akong tmakbo sa kinaroroonan nila kaya sabay silang napalingon sakin. Napansin ko ang bakas ng luha sa mata ng babae kaya nung makita niya ako ay agad itong naglaho. Teleportation.
Nang muling lumingon ang lalaki sakin ay agad na akong nagsalita.
"Ah. Pwedeng magtanong? Naliligaw kasi ako e. Maaari mo bang ituro sakin ang daan papunta sa cafeteria?" Nagsimula na siyang humakbang hanggang sa malagpasan niya ako...teka...malagpasan?! NILAGPASAN NIYA LANG AKO!?!
WOW HA! Minsan lang ako i-ignore gwapo pa. Sinundan ko siya ng tingin pero agad ko rin nabawi ang tingin at salita ko ng magsalita ito.
"Tatayo ka na lang ba dyan?" Agad akong humabol sa paglalakad niya. Binabawi ko na yung sinasabi ko. Don't judge by the first action nga pala.
"Uhm... By the way, di ba kaklase kita?" Pilit akong humahabol ng lakad sa kanya pero masyado yatang mahaba ang biyas ng lalaking ito kaya hindi ko magawang makasabay.
Ilang minuto pa akong naghintay at hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Habang naglalakad kami ay sinubukan ko ulit mag open ng topic. Baka sakali lang naman na sumagot siya. Baka lang naman.
"Napansin kong umiiyak yung babaeng kausap mo kanina. Kaano-ano mo ba siya? Jowa mo? Pinaiyak mo ba siya?" Sunod-sunod kong tanong.
Agad akong napa-atras ng bigla siyang huminto at hinarap ako. Finally!
"Pumayag akong ituro sa'yo ang daan papunta sa cafeteria. Pero hindi ibig sabihin no'n kakausapin na kita." Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad at tahimik lang akong sumunod sa kanya.
Gwapo ka pa naman. Masyado ka nga lang suplado!
Nakakainis itong lalaking to! Kinakausap lang naman! Hays stress! Nang makarating kami sa cafeteria ay doon ko lang napansin ang nakakapasong tingin ng mga kababaihang nasa paligid namin. Hindi naman iyon yung titig na halos patayin ka na pero makikita mo pa rin sa mata nila iyon. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung bakit gano'n na lang sila makatingin. Seriously lahat ba ng lalaki dito gusto nila?
Papasok na sana ako ng cafeteria nang makita ko si Twill na alalang-alala. Pero nang makita niya ako ay itong si... Ano nga ba pangalan nito? Ah basta, iyon yung tiningnan niya.
"Saan ka galing? Bakit kasama mo yan?" Halata sa boses ni Twill na hindi niya gusto ang pagtatagpo namin ng lalaking ito. Wag niya sabihing may issue na naman silang dalawa? Lahat yata kaaway ng pinsan ko eh.
"Baka nakakalimutan mong ikaw ang umiwan sakin? Kaya ako lang mag-isa ang humanap ng daan papuntang cafeteria." Medyo pasigaw kong sagot sa kanya. Hindi pa rin mawala-wala ang matalim niyang tingin dito sa nag hatid sakin. Oo nga pala, hindi ko pa siya napapasalamatan.
Agad akong lumingon sa kanya at nag thank you. Bago siya umalis ay nagtapon muna siya ng tingin kay Twill. Okay.... Mukhang malala ang LQ ng dalawang ito.
Tiningnan ko si Twill at tinanong kung bakit pero hinila niya lang ako papasok sa loob. Pinaupo niya ako sa may bandang dulo at sinabing hintayin ko siya.
"Ano bang problema ng lalaking yon? May sayad na rin ata." Inilabas ko na lang ang paborito kong libro. The Truth About Forever by Sarah Dessen.
Makaraan ang ilang minuto ay bumalik na si Twill dala-dala ang mga pagkain. Cheesecake, Red Velvet glazed sliced cake at dalawang grape juice?!
"Twill! Papatayin mo ba ako?!" Pasigaw kong sabi sa kanya saka siya sinamaan ng tingin.
"Oo nga pala. Maarte ka nga pala kaya ka allergic sa grape juice. How about Ice coffee?" Dinampot niya ang isang grape juice at hinigupan ito.
"Ice tea." Bumalik ulit siya sa counter para umorder ng panibago. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng panlibre itong si Twill at hindi man lang nanghihinayang sa pagkain. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa pagbabasa ng libro pero hindi pa ako nakakatapos ng apat na sentence ay may umistorbo na naman sakin.
"Cafeteria is the place where you eat,not where you study." Nakarinig ako ng nagsalita sa unahan ko. Binaba ko ang binabasa kong libro at hindi nga ako nagkakamali. Isang lalaki ang nakaupo sa unahan ko. With his food. Nakingiti ito na mas lalong nagpaangat ng kanyang kagwapuhan.
"But I guess your not studying. As expected sa isang dating Altherian. Hindi ka pa rin nagbabago Duchess."
He looks so...familiar
BINABASA MO ANG
Blafore Hill: School of Fantasy
FantasyIsang uri ng skwelahan na hindi mo aakalain na meron sa mundong ito. Kung wala kang kakaibang kakayahan,hindi mo ito matatagpuan. Pili ang mga mag-aaral at may iba't ibang taglay na kapangyarihan na hindi mo basta-basta matatagpuan. Samahan ang mga...