HERSHEY
"Cola Lauxton. Speaking of." Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng cafeteria at muli na naman itong nagluwa ng gwapong nilalang. Pero this time, tinodo na yata ang kagwapuhan niya.
Iba rin level ng kagwapuhan ng lalaking to. Mahahalata mo agad sa mukha niya ang pagiging cold. Ang cliché lang kasi. Cold-coldan lang naman yata to eh! Pero sa loob malambot naman! Hays! Hindi ko tuloy maalis yung mata ko sa kanya.
Sinundan ko ito ng tingin at napansin kong white bread lang binili niya atsaka tubig. As in plain. Ayaw niya yata ang malasang pagkain,siguro ay iyon yung sekreto niya sa taglay niyang kagwapuhan. Teka nga, naaakailang puri na ba ako sa kanya? Baka mamaya patay na yon dahil sa kakapuri ko sa kanya.
"Kaya naman pala. Magtataka lang ako kung 85% ng babae ay nasaktan dahil sa pagmumukha nitong si Twill. Hindi ka-tanggap-tanggap." Pambibiro ko. Binato ako ng popcorn ni Twill at nagtawanan naman ang iba kong kasama.
Habang nag ki-kwentuhan kami ay may lumapit sa amin na isang babae. "Hershey right? Pinapatawag ka ni Ma'am Victoria sa faculty." Agad itong umalis ng sabihin kong susunod na ako.
Tumayo na ako at nagsabing saglit lang ako pupunta sa Faculty.
"Baka mawala ka na naman! Sasamahan na kita" Tatayo na sana si Twill pero pinigilan ko siya. Hindi na ako maliligaw for sure, nadaan namin yon kanina nung papunta kami dito sa cafeteria.
"Hindi ako bobo Twill. Ako na lang, kumain na lang kayo diyan. Ryu! Hanapin ninyo ako pag hindi ako naka balik agad." Lumakad na ako palabas ng cafeteria at nagtungo papuntang faculty. Hindi naman ito gano'ng kalayo pero syempre may chance pa ring malogaw kung makakalimutin ka. Masyadong malaki itong Blafore Hill.
Madalang akong makakita ng mga pixies dito dahil hindi naman open ang hallway sa ground floor. Karamihan din ng mga estudyante dito ay gumagamit na ng airboards. Bawal sa hallway ang airboard pero wala naman yatang sumasaway. Nakakamiss tuloy sa Altheria. Kamusta na kaya yung mga dating kaibigan ko doon? Nakakamiss sila.
Pagkapasok ko sa loob ng faculty ay nadatnan ko na agad si Tita Ria.
"Oh Hershey! It's been a long time. Ang laki mo na pala. How's Blafore?" Masiglang salubong niya sa akin.
"Okay naman po. Napakaganda nga po as expected. Kayo po ba kamusta kayo?" Pagbabalik tanong ko.
"Ayos lang naman heto todo asikaso sa darating na Welcome Party pero mukhang magiging triple ang trabaho namin dahil baka isabay na rin doon ang pagbibigay ng kanya-kanyang promise ring para sa mga Lormia Students na katulad mo."
Pagpapaliwanag niya.Ang Lormia Students ay parang rank or stage kung saan dito muna matatanggap at makukuha ang buong kakayahan ng nakatadhanang mahika para sa'yo. Kukuhanan ka ng kaunting dugo at ilalagay iyon sa singsing. Iyon ang mas magpapalakas ng kapangyarihan mo at magpapatibay na ikaw lang ang maaaring makagamit ng mahika mo dahil may magic line na iyon na nagmula sa dugo mo. Ang astig di'ba?
Nagkwentuhan pa kami ni Tita Victoria at nasabi niya rin sa akin na magkakaroon daw ng isang event kung saan lalabas ang lahat ng Lormia Students ng Blafore upang sumabak sa tinatawag nilang "Section's Special Mission" Dito daw mahahasa at magagamit ang taglay naming kapangyarihan kung saan madami kaming makakasagupa na mababangis at matatapang na creatures. Syempre sobrang taas ng grade na ibibigay aa mag wa-waging section. Pero sabi niya matagal pa naman daw iyon.
Pabalik na sana ako ng cafeteria ng makarinig ako ng pagbagsak ng kung ano. Hindi ko alam kung saan nanggaling yon pero sigurado akong nasa malapit lang iyon. Agad akong lumingap sa paligid para makita kung saan nanggaling iyon,pero nang matagpuan ko ito ay halos mabato ako sa aking kinatatayuan.
Isang lalaki ang sugatan. Sugatan paba tawag dito? Puro siya dugo maging ang binagsakan niya ay puro dugo rin. Tumingin muna ako sa malapit baka sakaling merong dumaan pero mukhang oras na yata ng klase namin.
"A-ayos ka lang ba?" Tinapik ko siya pero wala akong nakuhang sagot.
"Saglit lang ha? Tatawag lang ako ng tulong." Patayo na sana ako pero halos mapatili ako ng maramdaman ko ang pagkapit ng kamay sa paa ko. May ibinulong ito at kaya muli akong umupo para pakinggan ito.
"Wag na... Tulungan mo na lang akong makapunta ng infirmary." Nanghihina na ito pero buo parin ang boses niya ng sabihin niya ang mga salitang iyon.
***
"Masyado lang siya nagalusan at mukhang nasobrahan lang ang paggamit niya sa kanyang magus. Pagkagising niya ay ipainom mo sa kanya ito. Hindi maganda sa isang hybrid ang nagpapalipas ng gutom." Ibinigay niya sa akin ang dalawang potion at naglakad na palabas.
Energos Potion
Plenus Bluot Potion
Isang potion para pampasigla at isa naman para mapalitan ang nawalang dugo sa katawan. Base sa observation na ginawa ni Nurse Dennis ay isa siyang hybrid.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng infirmary at halos lahat ng shelves dito ay punong-puno ng iba't ibang uri ng potion. Meron para sa masakit ang ulo,may sugat,naubusan ng dugo,nalason at iba pa. And speaking of potion, may assignment nga pala kami! Buti na lang at alam ko na ang tamang pag si-synthesize.
Napalingon ako sa kinaroroonan ng lalaki ng marinig ko ang pagdaing niya sa sakit ng katawan niya.
Lumapit agad ako sa kanya dala ang dalawang potion. Tumayo ito mula sa pagkaka-higa at nagsimulang hilutin ang katawan niya. Napagaling na ni Nurse Dennis ang mga sugat niya pero ang panlabas lang nito dahil sabi niya hindi niya tatanggalin ang sakit at hapdi nito para matuto siya. Nang idilat niya ang mata niya ay agad kong iniabot sa kanya ang dalawang potion.
Saglit siyang natigilan at ini-angat ang tingin sa akin. "Don't tell me..."
Pinutol ko ang sinabi niya at agad itong dinugtungan. "Don't worry hindi ako nagsumbong. Sinabi ko rin doon sa nurse na huwag niya sabihin ang nangyari pero kapalot daw noon ay hindi niya tatanggalin ang sakit ng sugat mo." Inilahad ko ulit ang dalawang potion pero hindi niya pa rin ito kinukuha.
"Sasabihin kong nakipag-away ka kapag hindi mo ito ininom." Tinapunan niya ako ng masamang tingin at agad itong ininom. Saglit itong napapikit at bumuga ng hangin.
"So nakipag away ka nga?" Bumaba na ito sa kama at isinuot ang suot niyang varsity jacket. Malinis ito kumpara kaninang halos puno na ng dugo.
"I owe you one. See ya around Ms. Hershey." Kumindat muna ito sa akin bago isarado ang pinto ng infirmary. Kinilig yung laman ko doon kahit papaano. Pero paano niya ako nakilala?
Is he one of my stalkers? Ang hot naman pala niyang uri ng stalker. Wait, I'm just stating okay?
BINABASA MO ANG
Blafore Hill: School of Fantasy
FantasiIsang uri ng skwelahan na hindi mo aakalain na meron sa mundong ito. Kung wala kang kakaibang kakayahan,hindi mo ito matatagpuan. Pili ang mga mag-aaral at may iba't ibang taglay na kapangyarihan na hindi mo basta-basta matatagpuan. Samahan ang mga...