C-6

58 4 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

Written By Quille

Chapter 6

" Boyfriend ko?" mabilis na sagot nito.

" Oo, boyfriend..” ani ni Daniel. 

"Mayroon,…ewan ko… siguro? " malabong sagot ng dalaga.

" Ano? ang gulo mo ah...anu ba talaga ang sagot mo?" usisa ng binata na mukhang interesadong malaman ang tungkol sa boyfriend nito.

" Ha?...hmmm…hindi ko rin alam kung anu na katayuan ng realsyon ko....”

“May boyfriend ako….iniwan ko sa Maynila…bago ako umalis doon ay 

nagkatampuhan kami…kaya nga ng nagpasya ako magbakasyon dito… hindi na ako nakapagpaalam sa kanya”

“Noong pagdating ko dito…sinubukan kong tawagan..kaso ayaw naman sagutin ang tawag ko…kaya siguro mabuti pang huwag ng umasa pang pagbalik ko doon eh kami pa din....bahala na....."

"Pero mahal mo?"

"Oo naman…mahal na mahal....5 months na kami nun... matagal narin diba?"

Napangiti na lamang ang binata sa huling sinabi ng dalaga. Marahil para sa kanya ay napakaigsi pa ng relasyon nila kumpara sa kanilang dalawa ni Janice..

" Oh, bakit? anong nakakatawa sa sinasabi ko?" nakasimangot na tanong ng dalaga kay Daniel dahil nakita niya ito na nakangiti habang nagkukweto,

" Wala naman…natutuwa lang ako sayo Ineng,. bata ka pa nga,..wala ka pang alam tungkol sa tunay na pag ibig.

" Hindi totoo iyon ah!” nagpoprotestang sagot nito.

" Eh ikaw? bakit ka nandito?.. Siguro iniwan ka ng Girlfriend mo or may nabuntis na tinakasan mo noh?" pag aasar na tanong niya sa binata. 

" Nabuntis? heheh grabe ka naman ineng, Ano naman akala mo sa akin?” 

“Iniwan? Siguro nga ganoon na nga…nasa Singgapore kasi ako noon ng malaman ko na umalis ang girlfriend ko patungo sa London.”

“Hindi man lang niya ako sinabihan na aalis pala siya… ni hindi ko nga alam kung ano ang nagawa kong kasalan kung bakit ganoon nalang ang ginawa nya." Kwento ng binata.

" Baka naman nalaman niya na may iba ka ng babae kaya nilayasan ka ng hindi nagpaalam...masakit iyon diba.?"

Hindi malaman ni Daniel kung maasar or matutuwa siya sa kausap niya.

" Ibang babae? kanina nakabuntis...baka naman susunod diyan eh may na rape na ako!”

"Bakit mayroon naba? Kung sakali man siguro…ako na iyon…pinaghahalikan mo kaya ako noong nakaraang araw” taas kilay na sambit ng dalaga

"Hala! Sobra ka naman….. alam mo….seriously speaking…Mahal na mahal ko ang girlfriend ko…at kahit kalian.. hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon namin.."

" Ang sweet mo naman....ang lungkot din pala ang kuwento ng pag ibig mo.”

“ Ang swerte naman ng GF mo…may boyfriend siyang tulad mo.” Seryosong sagot ni Christine.

" Bakit? kayo ng boyfriend mo? Ano nga pla ang pangalan ng boyfriend mo?"

" Tyron," mabilis tungon niya.

" Alam mo kasi simula palang ay tutol na ang mommy niya sa relasyon naming. Ayaw niya kasi sa babaeng may “broken family” na kagaya ko... mahal niya ako pero sobrang takot niya sa mommy nya.”

“Sa tuwing lalabas nga kami para magdate ay lagi ito nagmamadali dahil baka raw malaman ng mommy niya na ako ang kasama nya…nakakatuwa nuh?" halos nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata habang nagkukuwento..

" Mamas boy pala ang Boyfriend mo eh!”

“ Bata ka pa naman ah, marami pang lalaki ang darating para sayo..." sagot ng binata na nakaramdam ng awa sa dalaga. 

Waring naubusan na ng maipapayo dahil siya na rin mismo ay may pinagdadaan patungkol sa relasyon.

" Eh ano naman ang sabi ng tatay mo tungkol sa boyfriend mo?"

" Papa ko? Wala…wala naman siyang pakialam sa akin eh... ni hindi man lang ako 

matanong o makamusta man lang dahil masyado siyang abala sa bago nyang 

asawa.."

“Mukhang ang daming pinagdadaanan ng babaeng ito ah…. mas higit pa ata sa problemang nararanasan ko." Pakiwari ng binata.

" Ano ba ang trabaho ng papa mo?" tanong nito.

" Sa city hall dati... tauhan sa City Engineer's office."

" Dati? Eh ngayon anong trabaho niya?"

" Ngayon?....may kaya ang bagong asawa ng papa ko…. may business silang 

pagawaan ng sapatos at mayroon din silang mini- Grocery…. tulad ng ibang mayayaman na saksakan ng yabang!”

ITUTULOY

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon