The Ride

117 5 2
                                    

Sadie

6:30 na ng gabi, para pa rin akong uod na sinisilihan. Di ako mapakali, nakatitig lang ako sa damit na pinadala sa akin ni Isaac.

As far as I remember, sabi nya wear something formal. Then all of a sudden, by nearly 6pm biglang may delivery from the devil, isang black dress na may flower lace design ang likod. Infairness, may taste ang tukmol. Sa takip ng box ay may nakalakip na note,

'I know you don't own one, but I need you to wear this tonight. See you at 7 sharp.'

Di ko mawari kung iniinsulto ba nya ako o ano. Pano naman ako magkakaroon ng ganitong damit, eh di ko naman to mapapakinabangan sa araw araw, at isa pa, di ako mahilig sa sosyalan na party, pang fiesta lang na baranggayan ang keri ng budget ko.

Kuu! Kabwisit talaga ang lalaking yun! Humanda sya sa akin mamaya.

At sa huli, napagdesisyunan ko na lang na isuot ito. Iniisip ko na lang na after this night, di ko na sya makikita. Kahit ako ang may idea ng proposal, syempre may ibang team na hahawak non.

Pagkatapos ko maligo, nag-ayos ako ng konti. Di naman kasi kailangan ng bongga dahil natural na yung ganda ko, kaya light make up na lang to emphasize it more.

5 minutes to 7 ay may narinig na akong sasakyan sa labas ng apartment. Syempre, dahil dalagang pilipina ako, di ko pinagbuksan. Baka mamaya dugu-dugo gang pala o kaya yung nangcha-chop chop ng mga magagandang babae, sayang lahi ko, di ko man lang maparami.

Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng message galing kay Isaac.

'Are you done? I'm already outside your apartment.'

'Di pa. Bakit?'

Makapag-english sa text, kala mo naman may lahi. Ay oo nga pala, half sya, half german, half shepherd.

Ilang saglit pa ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at buksan ang pinto.

Medyo napatigil pa ako ng slight nang makita ko s'ya, dahil aminin ko man at sa hindi mukha syang tao ngayon.

Di ko mapigilan ang hangaan ang itsura nya. Yung mga mata nya, yung mukha nya. Ang gwapong tsonggo, bwisit. Sarap lapirutin ng mukha, bwisit talaga.

Nang mapagtanto kong masyado ng nawiwili ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya ay ako na rin mismo ang umiwas dahil baka mamaya san pa kami mapunta. Baka atakihin na ako sa puso sa bilis ng tibok nito at di ko malaman kung bakit.

"K-kukunin ko lang ang bag ko..", sabi ko bago ko sya tinalikuran.

Kalerkz ka heart! Tumigil ka! Lipas na ang panahon nyo. Tapos na yun, dapat di ka na tumitibok ng ganyan. Mukhang tao lang sya, yun lang yun.

Wengya! Baliw na ata talaga ako.

Kinuha ko na ang clutch bag ko, tapos ay lumabas na ako, nilock ang pinto at nilagpasan sya.

Kelangan kong makalayo sa kanya, he's not good for my heart.

"Hey! Wait up!", tawag pa nito. Pero nagdire-diretso lang ako hanggang sa napahinto ako sa tapat ng tingin ko'y sasakyan nya.

Nagpaka-gentleman naman sya, na di ko alam san nya natutunan, kasi, panigurado akong bumagsak sya dati sa Good Manners and Right Conduct na subject. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang makapasok at makaupo ng maayos sa loob ng sasakyan.

"Thank you.", sabi ko pa bago nya maisara ang pinto.

Yung puso ko grabe ang tibok. Lalo na nung napakalapit nya sa akin at nung hinawakan nya ako para lang alalayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only One of YOU Where stories live. Discover now