💫20

114 2 0
                                    

MFW💫20

Lumipas ang mga araw at nagawa ko nang makagaangan nang loob ang babaeng ito.
Nasanay na rin akong tinatawag syang Cristine o Tin
Masipag at mabait naman sya.
May mga bagay nga lang na hindi nya kayang gawin.
Tulad nang pagluluto at paglalaba,
Kaya nyang maglaba pero hindi ganon kalinis.
Mabilis rin magsugat ang mga kamay nya,
Anak mayaman nga siguro talaga,
Hindi sanay sa gawaing bahay.

Isang araw habang nag aalmusal kami
"Alam mo Gabriel nakwento sakin ni Lily kahapon na sobrang pilyo at babae daw pala ni Buboy noon--"
Sabi nito habang nagtitimpla nang kape
"--palagi daw syang niloloko, ilang beses nya na daw yan nahuling may ibang babae eh"

Natawa naman ako nang maalala ko ang mga kalokohan ni Buboy,
May minsan pa ngang sinama nya ako at may kinita nyang babae nya.
Biglang dumating si Lily at sinabi ba naman nya kay Lily na ako ang nakikipagkita sa babaeng kinita namin,

Madami pang ibang kalokohan si Buboy hindi lang sa pambababae.
Natigil ako sa pag ngisi nang mapansin kong seryosong nakatingin sakin si Cristine,

"Bakit ngumingiti ngiti ka dyan?"
Sabi nya.

"Wala lang"

"Wala daw, ikaw ba kagaya ka ni Buboy?"

"Na ano?"

"Na manloloko rin"
Bigla naman nawala ang mga ngiti sa mukha ko,
Hindi ko alam kung bakit parang biglang kumirot ang puso ko.
Hindi ako nakasagot.

"Kumaen ka na nga"
Sabi ko,

"Bakit hindi mo sinagot yung tanong ko?.totoo ba?"

"Pano kung oo?.pano kung manloloko ako?.hihiwalayan mo ba ko?"

"Bakit?.niloloko mo ba ako?."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya.
Nakatingin lang ako sa mga mata nya at ganun rin sya sa akin,
Pano kung sabihin nyang hihiwalayan nga nya ko?.
Teka ano ba tong nasa isip ko,
Dapat marunong akong lumugar.
Alam ko naman una pa lang na hindi ko sya pag aari,
May pamilya ako.

"Papatawarin kita"
Biglang sabi nya.

Muli hindi na naman ako nakasagot,
Nakatingin lang ako sa maganda nyang mukha.

"Pilit kitang iintindihin, dahil ganun naman ang ginagawa nang mag asawa hindi ba?.
Ang intindihin at unawain ang pagkakamali nang isat isa"
-Tin.

Napabuntong hininga na lang ako, at nag iwas nang tingin.
Hinawakan naman nya ang kamay ko nang napatingin ako sakanya ay nginitian nya ako.

"Kumain na tayo"
Sabi na naman nya
Parehas kaming tahimik na kumain.

Matapos kumain ay nag asikaso na ako para pumasok sa trabaho.
Bago ako umalis ay naalala kong nakapangako nga pala kami ni Pareng Buboy sa isa naming katrabaho na pupunta sa kanyang bahay dahil binyag ngayon nang kanyang anak.

"Tin mamaya mauna ka nang kumain ha, hwag mo na akong hintayin"

"Bakit?"

"May dadaanan kasi kaming binyagan ni Buboy , nakapangako kami sa katrabaho namin na susunod kami"

"N-nagpapaalam ka sakin?"
Tanong nya.

Oo nga pala,
Bakit ba ako nagpapaalam.
Noon naman kahit hindi ako umuwe nang ilang araw
Hindi ko iniisip kung kailangan ko bang magpaalam o hindi.

"Hindi, sinasabi ko lang--"
Palusot ko,
Kinuha ko ang bag ko
"--sige na, alis na ko"

Bago ako tuluyang umalis ay hinawakan nya ang leeg ko at muling ibinaling ito sakanya.
Nagulat na lang ako nang halikan nya ang pisngi ko.

( Fast forward )
Sa Trabaho

"Gabriel, bilisan mo. Baka wala na tayong abutan kila Lito nyan"

Madaling madali si Buboy ,
Papunta na kasi kami sa katrabaho namin.
Gaya nang sabi ko nangako na kasi kami na hahabol,

"Hay naku Buboy, buhay na buhay ka talaga pagdating sa handaan"
Biro ko sakanya.

"Sympre, madidiligan na naman yung bahay alak ko hahaha"
Tawang tawa naman nyang sabi.

"Ikaw ba nagpaalam ka sa asawa mo"
Tanung ko sakanya.

"Uo, ikaw ba nagpaalam ka sa asawa mo?"
Natigilan naman ako sa sinabi nya.

"Kay tintin"
Muling dugtong nya.

"Bakit naman ako magpapaalam"
Sabi ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay nang katrabaho namin,
Kumain kami sandali at nauwe sa inuman.
Maya't maya ang tingin ko sa relo ko.
Dahil naiisip ko na gabe na at walang kasama si Cristine sa bahay.

"Gabriel, oh--"
Inabot nya sakin ang cellphone nya.
"--si Tintin yan, dumaan daw yung mag ina ko sainyo"
Kinuha ko naman agad ang cellphone at agad na tumayo.
Lumayo ako nang konti dahil maingay sa pwesto namin.

"Hello?"

[Gabriel?.Nasan na kayo?]

"Andito pa kami sa katrabaho ko eh, kumain ka na ba?"

[Uo, kasabay ko sila Lily. Kaso sumasakit ulo nya kaya pauwe na sila]

"Ganun ba?. Sige tatapusin na lang naman namin to tapos uuwe na rin kami"

[Gabriel baka may madaanan kang nagtitinda nang atsara bumili ka ha, may binigay kasing Tinapa sakin si Lily masarap kasi yon kapag may atsara]

"Haha, sige sige"

Bumalik ako sa inuman at binalik na ang cellphone kay Buboy.
Lumalim ang gabe at tuluyan na nga kaming nagpaalam sa katrabaho namin para umuwe na.

Naghiwalay kami ni Buboy ,
Deretcho akong umuwe sa bahay.
Pagdating ko ay nakalock na ang pinto,
Hindi na ako kumatok dahil alam kong tulog na sya.

Kinuha ko na lang ang kopya nang susi ko para mabuksan ang pinto.
Pagpasok ko ay nakahiga na sya .
Nagising sya nang makarinig nang kaluskos ,

Nakasando sya at suot suot ang boxer short ko.
Fitted yung suot nyang sando at napansin kong wala syang suot na Bra dahil nababakat ang nipple nya sa sando,

Lumapit ako at umupo sa katre,
Nakatalikod ako sakanya,
Nagulat na lang ako nang bigla nya akong yakapin mula sa likod.
Ramdam ko ang pagdikit nang dibdib nya sa likod ko.

---
Oooops ,
No. No. No. No 😂
Babuuuussh 👋

Next Chapter
SPG alert

cayeLoves💜💕
---

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon