Chapter 17

2.1K 109 52
                                    

Chapter 17: Spoken Poetry

Cali's POV

Habang nagsasalita si Natasha sa harap namin, parang wala lang, kasi tangina wala namang siyang saysay e. Hindi kaya spoken 'yung sinabi niya! Tsaka ang layo layo sa topic! Gagawa na nga lang ng spoken, 'yung malayo pa sa dapat! Naiirita ako habang tinitignan si Natasha na nagsasalita. Ewan ko ba! May time talaga na inis na inis ako sa kanya eh!

"Thank you, Ms. Natasha! And now for our second contestant! Ms. Carmela Alcantara!" sabi ni Ma'am Ayi. Maraming pumalakpak, kasama na kami doon maliban kay Nash na diretsong nakatingin kay Carmela. Napangisi kami nina Kyle nangininguso ko si Nash.

"Hoy! Baka matunaw!" Sita ni Jasper pero hindi siya pinansin ni Nash.

Nakita ko si Carmela na papunta sa gitna. Naababa 'yung hood niya at nakapalda, uniform namin 'yon e, pero nag-hood lang siya. Maski si Nash ay naka-sweater lang at pants ng XA pero naka-uniform din sa loob. 'Yung totoo, malamig ba o sadyang malamig lang pakikitungo nila sa lahat ng tao ngayon? I mean simula kahapon, ganyan na si Carmela. It's my fault, ni hindi nga siya sumabay kagabi kumain! Nakita ko nalang siya nagsandok nang akalain niyang tulog na kami ni Mama.

Bigla akong kinabahan nung hinawakan niya 'yung microphone samatalang si Nash kanina pa tutok na tutok kay Carmela. Shit! Kinakabahan talaga ako. Alam kong may kinalaman kahapon ang gagamitin niyang inspirasyon para sa poetry niya. O 'di kaya 'yung patungkol sa kanila ni Nash. Pero 'di rin imposible na pareho ang gamitin niya.

Magkakatabi kasi kami ngayon sa pinakalikod at nakaupo sa pinakamataas na upuan, kaya kita namin lahat. Mukha nga kaming kulto e. Tsaka mga hari kasi nakaupo kami sa pinagpatong-patong na extrang upuan para makita namin ang buong view. Nakita ko ring tumingin sa'min si Carmela at umirap bago magsalita.

"So ngayon, masasaktan na naman ako uli. Pero bakit ko pa kailangan magpaalam? Kung araw araw ay naguguluha't nasasaktan din ako ng paulit-ulit?" panimula niya. Shit, this is what I'm talking about! Hindi malayong gamitin niya talaga 'yung nangyari kahapon!

"OOHHH!" sabay sabay na sabi ng mga manonood.

"Ngayon, magsasabi lang ako ng mga kaunting paksa o mga detalye about sa ating paksa: Friendly Love."

"Oo, masarap magmahal. Masarap makasama ang tao na mamahalin mo buong puso mo. Gagawin mo lahat para sa kanya kahit ang mahihirap na desisyon. Pero pagmamahal pa rin ba kung yung taong 'yon ay isang ilusyon?"

"Sorry ha. Hindi ako 'yung babaeng pinangarap mo. Hindi ako 'yung babaeng ginusto mong makasama habang buhay na ilalagi mo dito sa mundo. Hindi ako 'yung babaeng magpapaligaya sayo buong buhay mo."

"Baby, you're all I want." Rinig naming bulong ni Nash. Nagkatinginan kaming apat at ngumiti nang nakakaloko at pinanood na uli si Carmela. I wanna shout "That's my sister!" Pero baka ma-out of focus siya.

"Bakit? Kasi mahal mo pa siya. Kasi importante pa ang nakaraan sayo. Siguro nga nagmahal ako ng sobra sobra nang hindi ko na nakita na ikaw ay isa ko lamang na pantasya na biglang naglaho."

Natamaan ako doon. Natamaan si Nash, alam ko. Nakakuyom na 'yung kamay niya at alam kong pinipigilan niyang mangilid ang mga luha. Masakit magmahal at the same time, masarap magmahal. Kaya nga nangako ako kay Trixy na papakasalan ko siya. That's why I ask her to marry me in the first place. When everything's settled, I can tie the knot with her.

Naglakad papunta sa harap si Carmela kaya mas lalong nagtayuan ang mga balahibo ko. Bida bida ka kasi, Cali. Sarili mong kapatid nasaktan mo. Napangiti ako ng mapait nang marinig ko ang konsensya ko na sinesermonan ako. Well it's true, sarili kong kapatid ginago ko. I admit my fault. And I swear that I won't do it again. Sa susunod na masasaktan siya, kakaunti lang, ako na ang sasalo ng mga kapahamakan na dadating sa kanya. That's the reason why I came back, kasi nag-aalala ako sa kanila ni Mama.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now