Chapter 19

1.9K 103 52
                                    

Chapter 19: Percentage

Malia's POV

Gulong-gulo. Wasak na wasak. Kakaayos palang ng tropa namin, biglang bubungad sa amin ang ganitong problema? Carmela didn't do anything. It was just Natasha's jealousy that lead all into this. Ewan ko ba kung anong sapak ang meron 'yung babaeng 'yon! Mabuti nga't nagtigil-tigil na rin si Cassandra e! Kaso hindi nga lang kami nakatanggap ng sorry. But it's okay, hangga't hindi siya nagiging masahol katulad ng kapatid niya, okay na 'yon.

Hayop ka talaga, Natasha. Pagbabayaran mo 'to.

Nakatulog na kami sa sobrang pagod at siguro 'di kami makakapasok na anim bukas sa campus. Walang kwenta kasi 'yung mga teacher dun. Minsan na nga lang kami pumasok, 'yung ibang teacher, hindi rin naman nagtuturo. Ta's magbibigay ng exam na hindi naman itinuro. Ewan ko ba, alam ko namang responsibilidad din naming mga estudyante ang mag-advance reading pero paano kung mali pagkakaintindi namin sa lesson na 'yon.

Nagising nalang ako at nilibot ang mata ko nang makita kong gising pa rin si Kuya Jaeden. Hays, 'di talaga siya napapagod mag-alala kay Carmela. Sana ako nalang. Napaka-solid magkagusto, ang swerte nung ex niyang si ate Cara, bakit siya pumayag nung nagparaya si Jaeden? If I were her, ipaglalaban ko relasyon namin.

Pumasok 'yung doctor at nagising na kaming lahat. Lumapit si Jaeden sa doctor na hindi talaga mapinta-pinta ang mukha kahit anong gawin. Fuck! Ano 'to? Bigla kaming kinabahan nang tumikhim siya. Halos lahat naalimpungatan nang paluin sila isa-isa ni Jasper para magising ang iba. Halos matawa ako. Kanina 'kala mo kung sinong mga santo nung nandito si Tita Ayra e! Lalo na si Nash! 'Kala mo 'di hinahatid si Carmela tuwing umaga sa harap ng room namin!

"Doc? Kakayanin po ba niya? Makikita pa po namin siyang tumawa't ngumiti diba? I can still see her just the way it was, right?" sigaw ni Nash na nakaupo na sa kama niya. Lumapit si Cali para pakalmahin si Nash. Pumikit ng mariin at kinuyom ni Nash ang kamay niya. He looked at the doctor like he was asking if Carmela did survive but the doctor avoided his gaze. Shit.

"I-I'm really sorry. Nagawa na namin ang lahat. Kaso 5% nalang talaga ang chance na mabubuhay pa siya uli ng normal. Pero kung sa ibang bansa siya magpapagamot, the percentage is 60% na mabubuhay siya dahil mas kompleto ang gamit dun. Makikita niyo siyang nakakapit nalang  sa life machine natin kung dito pa rin. At once na tinanggal 'yon, paalam, habang maaga pa, agapan niyo na maabot 'yung 60% na 'yon. Makikita niyo pa siyang tumawa. 'Wag kayong mag-alala." malungkot na sabi ni Doc. Gerio.

"What? No! Magiging pa si Carmela! Hindi pwede! What kind if doctor are you? You can't even save her! What the fuck?" sigaw ni Nash na kanina pa nagwawala sa loob ng room.

"Nash, calm down. We did everything. Don't lecture me about my expertise dahil ako lang ang nakakaalam ng ganito versus sa inyong lahat." Seryosong sabi ni doc. Napairap nalang si Nash at kinuha ang cellphone niya. Ewan ko ba, basta si Carmela ang pinag-uusapan, nag-aalburuto sa kilig, saya, lungkot, at galit 'yang si Nash!

"Pwede po ba namin siyang mabisita?" tanong ni kuya Cali. Tumango 'yung doctor kaya inalalayan na nila Kuya Jasper si Nash sa wheelchair. Dali-dali kong kinuha 'yung bag ko at gamit ko. Nag-text na rin ako kay tita. Ngayon ko lang napansin na naka-uniform pa ako! Sina Josh ay pinauwi ko na para naman kapag nakapasok sila bukas ay may kokopyahan pa rin kami ng notes ni Carmela. Ayaw ko ring bumagsak pero mas importante ang bestfriend ko! Kaya ko naman 'yang ipasa, hahabulin ko!

Nang makarating kami sa room ni Carmela, laking gulat namin nang madatnan namin siyang nagce-cellphone at nagwa-wattpad. Napairap ako at binato sa kanya 'yung unan na nasa sofa. Sinamaan niya ako ng tingin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Napangisi siya at ngumiti sa'min. "Yow, what's up, guys! I lived!"

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now