Chapter 18: Breath

243 8 5
                                    

Ang sa media ay si Kamahalan. hihihihihihi... panindigan ng si V siya. hahaha. ang galing dahil parang olive green ang eyes niya dito. hahahaha. I'm so happy!

Gella POV

" My Goshhhh‼ Gella! May girlfriend na pala si Ghrenrex!" una kong narinig mula sa bibig ni Colleen at talagang pinigilan niya ang pagsubo ko ng halo halo. (=____=) Pwede naman siyang magsalita ng hindi iniistorbo ang pagkain ko eh. tsss... Hindi naman ako interesado dahil alam ko na yan.

" Ang sabi.. kaedad lang daw natin.. " Sambit ni Colleen.

" Ah..... " walang gana kong sambit at hindi ako masyadong nakikinig.

" Ang sabi she's a funnt person daw at napapatawa niya si Ghenrex. She's also sweet and caring... and beautiful daw!" pagkwekento pa ni Collen.

Tumango tango na lang ako kahit hindi ko naman talaga binibigyang attensyon ang sinasabi niya. Enjoy na enjoy ako sa special halo-halo eh.

" ang sabi pa niya ay yung girlfriend niya ay Wala daw dibdib na hihimasin" Dagdag ni Colleen.

Dahil sa nasabi niya, naibuga ko yung kakainin kong saging na nasa halo halo.

A-ano daw? Bat nasama yun sa pagde-describe sa girlfriend niya? Ang laswa eh! tsk! Kahit kailan talaga ang lalaking iyon! Kamanyakan lang ang lumalabas sa bibig. Nakakayanan kaya ni Bianca ang kamanyakan ni Kamahalan? Sabagay na-alala kong supportive si Bianca sa mga ganoon. (=____=) siya pa kasi nagdedemand ng kiss na hard. Ewan ko kung paano yun gawin at ayaw kong malaman! Gosh! Baka magkulay green ang pink kong utak!

" Boring daw yung size ng dibdib ng girlfriend niya.. pero cute naman daw ang fashion sense. Mahilig sa panda na panty." Patay malisyang sambit ni Colleen.

Panda panty? Mahilig ba si Bianca magsuot nun? Pero sa na aalala ko, mahilig yun sa see through at labas kaluluwa o kulang sa tela na damit eh .

" It starts with letter A daw ang both names! " sambit ni Colleen at nagisip ng malalim.

Huh? Bianca ang pangalan ng fiance niya ah? Paano naging A? tapos medyo biyaya sa dibdib si Bianca eh....kaya mageenjoy siyang himasin...(>o<) waaahhh! No! Erase erase! Kalaswaan na ang naiisip ko! Huhuhuhu....

" Alam mo gella, may na se-sense ako na ikaw eh... kasi wala ka namang dibdib... mahilig ka sa panda at starts with A pa ang name mo.... Pero pag titignan kita, hindi sa iniinsulto kita ah, pero parang hindi rin ikaw eh." sambit ni Colleen.

(=____=) Hindi sa gusto kong ako yun ah... pero bakit parang tunog lait yung sabi ni Colleen?

" Bestieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee‼" nakadinig ako ng tili ng isang maarteng babae. Masyadong mainipis na halos napatakip ako ng tenga ko. Para bang pinaglihi siya sa makinis na kaldero... Ewan yun lang naisip ko. Hehehehhe

napaangat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses at biglang kuminang ang buong pintuan dahil nakakasilaw sa kagandahan ni Bianca... nakakasilaw ang lutang na lutang at kitang kitang makinis at maputi nitong balat.

Oo si Bianca nga. Nakasuot siya ng uniform namin..... pero yung sexy version. Super sexy version o mas kilalang : the labas kaluluwa version. (=____=)

Hindi ko alam kung nagkamali ba sa pagsukat ang mananahi o nagkaruon ng scarcity ng pinagkukunan ng tela para sa uniform. Yung damit niya kasi ay pang pre-school na size pero ipinilit na ipasuot sa kanya.

Labas na nga yung chan niyang flat na flat. bukas ang hanggang sa ikadalawang butones ng uniform niya kaya yung cleavage niya ay kitang kita. May tie pa dapat pero wala siyang suot na tie. tapos yung palda naman ay mid-thigh length lang na kapag siya'y magyuyuko ng katawan ay kita talaga ang malamang see through niya na panty. Malaki rin ang pakiramdam ko na hindi siya pamilyar sa short.... Mas master niya ang Super duper short short. Naka super high heels pa siya at may sosyal at mukhang mamahalin......o talagang mamahaling bag na nakasabit sa kanyang isang braso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say I Love You and You are DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon