PROLOGUE

15 1 3
                                    

Minsan kailangan mo nang magparaya sa mga taong hindi na mapapasayo ulit. Sabi nga nila, huwag daw gagawing mundo ang taong alam mong walang napala sa'yo. Alam ko naman na wala na siya sa mundo, pero narito pa siya sa puso ko, buhay na buhay pa ang pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong baliw na 'ko. Sabihin niyo na lahat pero siya parin talaga ang mahal ko.

Meron tayong sinasabing "DESTINY". Sabi nila, ang destiny raw ay makakabangga mo. Na kita mo na, o kaya kilala mo na. Pero ba't ako, nahanap ko na siya pero nawala rin agad? Ito ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko.

Paano na lang kung malapit na mawala ang mahal mo? Kung ako sa'yo huwag mo na sayangin ang oras mo na makasama mo siya. Sa huling pagkikita niyo gawin mo na lahat — pumunta kayo sa mga lugar na naging parte ng love story niyo; magpasalamat na kayo sa mga taong naging parte ng story niyo. At higit sa lahat sabihin mo na sa kaniya kung gaano mo siya kamahal.

'Yan ang mga naisip ko. Tinatanong ko sa sarili ko bakit 'di ko man lang na sabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya, at nandito lang ako palagi para sakaniya. Noong mga panahong kasama ko siya sa aming huling pagkikita.

Sabi nga sa akin ng bestfriend kong si Kurt De Guzman na magparaya na ako. Kung puwede lang talaga. Haist.

But one day, may nakasalubong si Nathan na babae. He doesn't know her name, pero noong una pa lamang niya siyang makita, parang may iba. Never pa niya ulit 'to naramdaman pagkatapos mawala si Kimberly.

PS: NEXT CHAPTER NA GUYS. HOPE YOU WILL FINISH THIS STORY. THANKS 💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TO LET GO Where stories live. Discover now