•Narrative•
Hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang sa makuha ko ang phone ko gamit ang isa pang kamay ko at na-picture-an na siya. Ang cute cute niya nga do'n sa picture! May pink na cotton candy sa may pisngi niya tapos naniningkit 'yong mata niya while pursing his lips.
Pagkatapos noon ay kinuha ko na ang panyo mula sa kamay niya at ako na ang nagpunas ng pisngi niya. Duh! Ayoko lang talaga siyang mahirapan na mangapa-ngapa pa sa mukha niya kung nasaan, at saka kung sakaling ginawa niya 'yon e mas kumalat pa ang cotton candy sa mukha niya. Mukhang bata, ang dungis. Batang cute.
My gash, Kiya! Anong pinagsasasabi mo?
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng cotton candy ko habang ini-interrogate siya. "Nasaan nga pala ang mga kasama mo? "
"Napahiwalay kasi ako sa kanila no'ng bumili ako ng tubig. E alam mo naman... wala akong sense of direction. "
That makes sense. Tanda ko no'ng pumunta siya ng bahay. Napunta siya sa ibang bahay at naligaw ng landas kaya pinuntahan ko pa siya. Haha ano ba 'to!
"Gusto mo ba... habang hinahanap natin ang mga kasama mo, tayo na lang munang dalawa? " I suggested. Hello, ang lungkot kaya na mag-isa at ayoko nang maging alone.
Napatingin siya bigla sa akin na para bang gulat na gulat. "T-tayo na lang? "
Pinaningkitan ko naman siya ng tingin. Ano bang problema nito at parang sobrang nakakashock ang sinabi ko? Or baka naman... ah! Ayaw niya lang talaga ako makasama!
"Sabi ko, tayo muna ang magsamang maglibot. Kaysa naman maging alone tayo at maghiwalay pa ng landas. Single na nga, mas pagmumukhain pang single?! "
"Bakit, ayaw mo na bang maging single? " tanong niya sa akin at mukhang seryoso siya, ha.
"Wala naman akong pakialam kung NLSB pa rin ako hanggang ngayon, 'no. Ang mahalaga, masaya naman ako kahit ganito. "
Kumunot ang noo niya. "NLSB? "
"No Lovelife Since Birth. "
Napangisi siya. "Sira ka talaga. "
E 'di ako nang sira, siya na ang buo.
La la la. Corny ko talaga.
"Oh ano, tara na? " paga-aya niya.
"Huh?"
"Sakay na tayong rides."
Pagkarinig ko ng mga salitang 'yon, nagningning bigla ang mga mata ko. "Talaga? Tara, sige! "
Una naming nadaanan ang Catterpillar ride. Inaya ko si Ten pero noong makita ko ang facial expression niya, para siyang natatae na ewan.
"H-huwag diyan! " pasigaw niyang sabi habang umiiling na kulang na lang ay matanggal ang ulo niya.
Napa-face palm ako. "My gash, ano bang problema mo? Hindi naman extreme 'yong ride na 'yan. Pambata! "

BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
JugendliteraturPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...