Tahimik lang siya nang bumaba ako. Wala siyang kibo at wala din ni isang salitang sinabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado ako na walang dahilan para magalit siya sa akin.“Susunduin mo ba ako mamaya?” Tanong ko na mukhang ikinagulat pa niya. Tahimik siya, tulala, at parang may malalim na iniisip.
Matagal-tagal din bago siya sumagot. “Uhm, oo,” sabi niya. Matagal pinag-isipan yung sagot pero mukhang hindi sigurado kaya nagpaalam na ako.
“Sige, hintayin kita, a.”
Habang naglalakad, napa-isip ako. Ano kaya ang dahilan at nagkakaganon si Joachim. 'Di naman siya ganyan kanina, e.
Wait, hindi kaya nakita din niya yung nakita ko?
Nakita ko yung lalaking nasa birthday party ng pamangkin ni Lana. Siya yung binugbog ni Joachim.
“And speaking of that g-guy,” sabi ko na lang dahil sa pagkagulat ko. “Anong ginagawa no’n dito?!” Tanong ko nang makita ko siya na naglalakad din papasok sa bar.
I didn’t waste any time. Agad ko siyang nilapitan, of course, to say sorry. Oo, nakahingi na kami ng dispensa sa kanila pero sa tingin ko hindi sapat ‘yon.
Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung mapapatawad pa niya kami dahil sa sa sinapit niya, e.
About naman sa nangyari noon, nakapag-explain na siya. Nadulas ako sa hagdan so, he tried to pull me para hindi ako mahulog pero huli na nang gawin niya iyon kaya parang nahawakan na lang niya ang pinakababang parte ng likod ko or yung p’wet ko.
“Evie?” Sambit niya. Nakangiti siya na parang natatawa na hindi ko maipaliwanag. Nag-aadik yata ‘to, e. “Natuloy ka pala talaga dito?”
I nodded. “Saan mo nalaman?” Tanong ko pa. Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso at kitang-kita ko pa rin sa mukha niya yung mga pasa. Lalo tuloy akong nahiya.
“Kay Lana,” he answered right away. Napa-isip ako bigla. Nung unang gabi ko dito, hindi nabanggit ni Lana yung pinsan niya daw na dito nagtratrabaho.
Hindi kaya siya ‘yon? “Tungkol sa inyo ni Lana, ikaw ba yung pinsan niya daw na nagtratrabaho din dito?” Napalingon naman ako sa identity card niya na naka-pin sa upper left part ng polo niya.
“Enzo?”
“Lorenzo Castillo.”
“Uhm, sige.”
Nagpaalam na ‘ko at dumiretso sa kitchen. Sa stock room yata siya nagpunta, aba, malay ko ba.
Maya-maya pa at dumagsa na ang mga customers.
Parang bumilis ang oras nung gabing ‘yon. Hindi ko alam. Eleven na ng gabai nang mamalayan ko. Hindi gaanong karami ang tao dahil umuulan.
Iniisip ko na nga kung paano ako mamaya kung hindi ako sunduin ni Joachim, e. Siguro dito na ako uumagahin, haha!
Tulala ako sa kawalan ng biglang may sumigaw sa bandang kanan ko. “Miss, isang bucket ng beer.” Pasigaw ‘yon kaya agad napukaw ang atensyon ko.
Agad naman akong pumasok sa kitchen at kumuha ng hinihingi nila. Sa table na nila ako dumiretso at doon ko na siya nakita. Kapatid pala ni Vin.
Quietly, I placed the bucket of beer in their table and walked away. Baka mamaya magugulat na lang ako may Joachim na susulpot dito at gagawa na naman ng gulo.
Sawa na ako sa mga ganyan-ganyang gulo na dala ni Joachim.
Mabilis ang naging pag-usad ng oras dahil tila ilang sandali lang at alas dose na ng hatinggabi.
Ubos na ang tao at wala pa ring tigil ang ulan. Hindi ito kagaya ng normal na araw na umaabot ng madaling araw ang mga tao. Siguro ay dala na rin lang ng panahon.
Kahit naman ako, hindi ako aalis ng bahay kapag ganyang umuulan.
It’s exactly 12:43, palabas na ako ng bar dahil tapos na ang trabaho ko. Wala na akong problema. Este, yung sasakyan pauwi na lang pala.
Sa isang waiting shed ako nahinto ng paglalakad, ilang metro lang ang layo mula sa entrance ng bar. Siguro dito na lang ako maghihintay.
Hinugot ko ang phone ko mula sa bag at mabilis akong nag-type ng text message para kay Joachim.
Ako:
Nasan na na?Five minutes before one nang mai-send ko ang text message. Wala pa ring reply or kahit ano.
“Nasa’n ka na ba?” Tanong ko sa kawalan. Umupo na lang ako dahil sa sobrang pagka-inip. Sakto naman sa pag-upo ko nang may maaninag akong lalaki na papalapit sa direksyon ko.
Matangkad siya, naka-jacket, at—si Enzo pala.
Tanong agad ang binungad niya sa akin. “Wala bang susundo sa’yo?” Lumapit pa siya at umupo aa tabi ko and I was like, “are we close?” S’yempre, joke lang.
Wala akong maisagot sa kanya kaya nasabi ko na lang na “Baka papunta na ‘yon.” Tinukoy ko si Joachim na inaasahan ko nga na susundo sa akin.
Nakukuha kong ngumiti sa kanya pero deep inside, I was already losing hope. Baka hindi na nga dumating si Joachim.
“Ikaw ba, saan ka sasakay pauwi?”
“D’yan lang ako, may apartment akong nirerentahan, walking distance lang.”
Kaya pala nakita ko siyang naglalakad lang kanina. I was about to ask another question, itatanong ko sana kung bakit hinihintay niya pa ako, but my phone suddenly rang. Tumatawag si Joachim.
“Hello?” Sabi niya sa kabilang linya. Para siyang lasing.
“Lasing ka ba?” Bigla akong nag-alala. Baka nagd-drive siya ng lasing. “Nasa’n ka?”
Sumagot naman siya agad. “Papunta na.” Doon na ako lalong kinabahan. Kaskasero la naman ang loko.
“Sige, sige, mag-iingat ka.”
I dropped the call. Ayokong maging abala pa ako sa pagmamaneho niya, nakainom yata siya. Baka mamaya maaksidente pa iyon or what.
“Was that your boyfriend? Joachim, right?”
Shit! I forgot! Nandito nga pala si Enzo. Hindi tuloy ako makasagot. “O-Oo,” nag-aalinlangang sagot ko.
“Bakit nga pala hinihintay mo pa ako? Sige na, umuwi ka na para makapagpahinga ka na. Ako na lang maghihintay sa kanya.”
“Hindi, samahan na muna kita. Baka kasi mapa’no ka. Saka malapit lang naman ang inuuwian ko.”
“Sure ka?”
Sasagot na sana siya nang may biglang humarurot na sasakyan sa di kalayuan at huminto sa harap ng waiting shed kung saan kami nandoon—yung sasakyan ni Joachim.
“Bakit mo siya kasama?” Galit na tanong ni Joachim habang pababa ng sasakyan.
Gulat na gulat naman ako. Hindi ko alam ang gagawin kaya sinabihan ko si Enzo na umalis na saka ko nilapitan si Joachim kahit umuulan.
Pumasok na agad ako sa kotse.
“Joachim, tara na,” yaya ko sa kanya. “Sinamahan niya lang akong maghintay sa’yo.”
Mabilis namang nawala sa paningi ko si Enzo at sumakay na rin si Joachim. Hay, buti naman. Akala ko gulo na naman ‘to.
“Ba’t kasama mo yung lalaki na ‘yon?” Tanong niya bago i-start ng sasakyan at iharurot paalis.
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
Narrativa generale[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...