HSLT 67

57 1 0
                                    

•Narrative•

Lumipas ang oras at nanawa na kami sa kakapicture ni Tenecius. Tiningnan ko ang aking relo at nakita na 6:15 PM na pala. 45 minutes na lang ang nalalabi naming oras dito sa Star Kingdom.


"Psst. Tenecius. " tawag pansin ko sa kasama kong busy kumain ng ice cream habang nagc-cellphone. Kanina pa kami kain nang kain, ang takaw namin at saka ang dami naming pera, 'no? Joke, si Ten lang pala ang yayamanin dito. Lagi lang naman niya akong nililibre kahit hindi ako nagpapalibre, e.

"Hmm, ano 'yon? " sagot niya habang hindi hinihiwalay ang tingin sa phone.

"Ano bang tinitingnan mo riyan sa phone mo? Interesadong-interesado ka, ah. Kanina mo pa tinititigan 'yan, pangiti-ngiti ka pa. "

"Wala 'to, ano ka ba. " aniya at itinago na ang phone sa kanyang bulsa. "So... saan ang last ride natin? "

"Ah... Last ride? "

"Oo. Malapit na tayong bumalik sa bus, tapos bibili pa tayo ng souvenirs. Sumakay pa tayo sa isang ride para masulit natin ang binayaran nating ticket dito. "

Napaisip ako. Hmm... gusto ko 'yong masaya sakyan.

Nilibot ko ang tingin ko at nahagip ng aking mata ang pinakamalapit na ride sa aming pwesto.

Aha!

"Ten, do'n tayo sa Rollercoaster! " ani ko with matching turo pa sa RC.

"Baka mahilo lang tayo riyan. Magsuka na naman tayo. "

Tiningnan ko siya ng masama—pero pabiro lang. "Hmmp. KJ. Sige na, Tenecius. Please? "

"Hmm... sige. Pero pilitin mo muna ako na sumakay diyan. Bigyan mo ako ng dahilan para sumakay sa Rollercoaster."

Napatango ako at ngumiti. "Alam mo ba na ang Rollercoaster ay ang 'Ride to Love' ? "

Napaharap siya sa akin dahil sa sinabi ko. Good! Alam ko namang makukuha ko ang atensyon niya.

"Nasabi ko na ang Rollercoaster ay parang Ride to Love kasi katulad ito ng buhay pag-ibig ng isang tao. Sa lovelife, or sa any relationship, hindi mawawala na may pagdadaanan kang ups and downs, highs and lows, paikot-ikot. Makakaramdam ka ng saya, lungkot, excitement, takot. Kumbaga... mixed emotions... " I just continued talking habang naglalakad kami papunta sa pila ng ride habang hindi niya namamalayan. Haha.

"...saka sa pag-ibig, katulad ng pagsakay sa Rollercoaster 'yan. Kasi kahit na nakakatakot man sa una at hindi mo alam kung anong mangyayari sa'yo sa buong ride, gugustuhin mo pa ring sumubok dahil you don't want to miss the chance to experience that kind of feeling—'yong pakiramdam na hindi mo nararamdaman kapag walang Rollercoaster... kapag wala 'yong taong mahal mo. Saka alam mo ba kung ano ang pinakahighlight ng Rollercoaster ride?"

Napatigil siya sa paglalakad at nagtanong. "Ano naman 'yon? "

"Ayon ay ang Rollercoaster ay katulad ng mga taong may malalim na pag-ibig at destined for each other talaga. Na kahit ano man ang mapagdaanan nila, basta kung saan sila nagsimula... doon din ang patutunguhan nila sa dulo, doon din ito magtatapos. " tumigil muna ako pansamandali para huminga. Nakakahingal kaya! "At saka kahit anong mangyari, babalik pa rin sila sa isa't isa. "

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon