Oo mahal kita
Pero tama pa bang ipaglaban kita?
Tama pa bang ibuhos ko lahat para lang ika'y mapasaya?
Tama pa bang habang buhay akong magpaka tanga?
At umasa na magiging akin kaOo, mahal kita
Pero tandaan mong may sarili din naman akong mundo
Na hindi lang ikaw ang iniikutan nito
Na hindi lang ikaw ang tanging nakakapagpasaya dito
May kaibigan, pamilya parin naman ako
Kaya wag mo sana akong angkinin na parang binuhay lang ako para maging sunod sunuran sayoOo mahal kita
Kaya eto ako nagiintay parin
Na akoy iyong mapansin at mahalin
At ikay masabing pag mamay ari at AKINPero, siguro tama na
Masyado na akong nalunod sa pagmamahal sayo
Kaya sarili'y hindi na napansin at nagmuka na palang despirado
Sa kapiranggot na atensyon at pagmamahal mo
Na hanggang ngayun ay hindi ko pa rin natatamoTama ba na nagtyaga at nag antay ako ng kaytagal
Kahit alam kong may iba ka nang minamahal
Kahit na alam kong ang atensyon mo'y kaylan man ay hindi ko makakamtam
Kahit na alam kong kahit isang libong beses akong magtapat
Ay hinding hindi parin magiging sapat
Kahit na alam kong ikay hindi magiging akin
At akoy hindi magiging sayo
Ang buhay koy hindi magiging buhay mo
At ang puso mo'y hindi para sa isang katulad koPero sana kahit nasa taas ka ay lumingon ka
Para magkaroon ako ng inspirasyong ipaglaban ka
Baka sakaling hanggang ngayon ako'y para sayo
At ikay mananatiling pangarap ko
Ikaw ang buhay ko
At akoy simpleng taong nangangarap sayo
Nag iintay na baka sa labang ito
Ay ika'y sumuporta at handang samahan akoPero, hindi
Mag isa kong pinaglaban
Ang pag ibig na sabi mo'y walang hanggan
Mag isa kong tinaguyod
Ang pagmamahalang sa umpisa'y pareho tayong lunod na lunod
Mag isa kong pinagtibay
Ang pagmamahalang sinabi mo'y pang habang buhayTama, sumusuko na ako
Sumusuko na ako kase hindi ko na kaya
Di ko na kaya na nakikita kang masaya
Masaya, pero sa piling ng iba
Masaya habang ako'y narito at nahihirapan kase ipinaglalaban kitaSawa na ako
Sawa na akong maghabol sayo
Sawa na akong pagtiisan ang isang tulad mo
Tandaan mo mahal kita
Kaya nakaya kong magintay ng ganito katagal
Pero dahil sa labang ito
Ako lang ang nadidihado
Marapat lamang na akoy lumayo
At maghanda para sa aking PAGSUKO
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan