Rough Skies: Fourteen

671 29 10
                                    

"Julie, stop crying please. Mahahanap din natin siya." Pag-aalo ni Elmo sa katabing si Julie. As soon as she said na nawawala si Soleil ay dumiretso na agad si Elmo sa bahay nito at sinundo siya. Ngayon ay nasa kotse sila habang hinahanap ang anak sa loob ng village kung saan nakatira sina Julie.

"I can't. Sobrang nag-aalala ako sa kanya." Humihikbing sabi ni Julie.

"Ano ba kasi ang nangyari?"

"I... I told her something about her father. I think she misunderstood it. Pag-uwi namin sa bahay sabi niya aakyat lang siya ng kwarto niya. Akala ko nagtatampo lang siya sa akin so hinayaan ko siya. After thirty minutes, pumasok ako sa kwarto niya at nakitang wala na siya."

"Kung ganun, kailangan na natin siyang mahanap agad. It's getting late at baka mapano siya."

Tinuloy nga nila ang paghahanap sa bata. Nang madaanan nila ang playground ng village ay agad na pinatigil ni Julie ang kotse at saka bumaba para hanapin ang anak. Pinatay muna ni Elmo ang makina bago bumaba rin ng sasakyan.

"Soleil! Soleil, anak! Mommy's here. Please, magpakita ka na. Nag-aalala na ako!" Sigaw ni Julie sa paligid ngunit mukhang wala doon ang anak. Tumingin tingin rin sa paligid si Elmo para maghanap.

Lumayo nang kaunti si Julie kay Elmo para maghanap sa dulong side ng playground nang may marinig na humihikbing bata si Elmo sa likod ng halaman.

"Soleil? Soleil?!" Nagmamadaling nilapitan ni Elmo ang bata at natantong si Soleil nga ito.

"Soleil! You got us worried sick!" Niyakap niya ito nang mahigpit at hikbi lang ang naisagot ng bata. Kinarga na niya ito at tinawag si Julie.

"Julie!" Lumingon si Julie sa kanya at nagmamadaling tumakbo para matignan ang anak.

"Soleil!" Kulang nalang ay himatayin si Julie sa pag-aalala. Binalak niya sanang kargahin ito ngunit isinubsob nito ang mukha sa leeg ni Elmo at yumakap nang mahigpit sa lalaki.

"Soleil, please don't be mad at mommy." Paki-usap ni Julie.

"I'm sorry, Nanay. But I want to be with Tatay Elmo for now." Soleil said between her sobs. Hindi nakikita ni Julie ang mukha ng anak dahil nakasubsob ito.

"It's okay, Julie. Ako na muna ang bahala sa kanya, okay? Here's the car keys. Aaluin ko muna si Soleil." Bulong ni Elmo kay Julie at inabot ang susi ng kotse niya.

Kahit ayaw ni Julie ay tumango nalang ito at iniwan na sina Elmo at Soleil.

Habang karga si Soleil ay tinahak ni Elmo ang daan patungong dagat na nasa likuran lang rin ng playground. Kasalukuyan siyang nakatayo sa wooden bridge while swaying Soleil back and forth.

"You know what, Soleil? Your Nanay loves you very much, more than anything else." Elmo said as he rubbed the kid's back.

"If she really loves me, she wouldn't lie to me." Sagot naman ng bata habang nakapikit ang mga mata.

Sinubukan ni Elmo na ibaba sa pagkakakarga ang bata ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang yakap kaya hinayaan niya nalang ito.

"Pwede mo bang i-kwento kay Tatay Elmo kung anong nangyari kanina?" Tanong niya, ngunit naramdaman niya ang pag-iling ng bata.

Hindi na niya pinilit pa si Soleil at inugoy nalang ito. Malalim na rin ang gabi at marami na ring bituwin ang nasa langit.

"Sometimes, you tend to do the wrong things for the right reasons. Maybe your Nanay lied to you because of your own sake. Kung ano man ang nangyari, sana 'wag kang magtanim ng galit sa kanya. You're all she has."

Rough Skies (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon