14. Can't You Remember Me?

32 6 12
                                    

Kennedy

Naramdaman ko ang kamay niyang nasa aking leeg na. Unti-unti, sinasakal nya na ako. Sinalubong ko ang titig nya, at hindi ko mapigilang mapaiyak. Dahil wala na si Azul, yung babaeng masiyahin, makulit. Yung babaeng mahal ko.

"A-azul" tawag ko, pero yun din ang nagbigay sa kanya ng dahilan para higpitan pa ang pagkakasakal sa akin. Naipikit ko ang aking mga mata dahil nauubusan na ako ng lakas, ng hininga.

"Kahit anong tawag mo sa kanya, hindi na sya babalik pa sa dating sya. Magsasayang ka lang ng oras"

"A-azu-ul" tawag kong muli, unti-unting umaagos ang aking luha. Di na nya ba talaga ako matandaan? Wala na ba talaga ako sa sistema nya? Wala na ba talaga?

Mas naging asul ang kanyang mga mata. Mas nadagdagan ang itim na nakapaligid sa kanya, at ngayon nasa harapan ko na din ang nag-hahampasang alon.

"H-hindi mo na ba ako m-makilala? W-wala na ba talaga?" tanong ko. Kahit unti-unti ng naninikip ang aking paghinga. "N-nakalimutan mo na ba talaga ako? N-nakalimutan mo na b-ba ang mga a-alaalang pinagsamahan natin?" tanong ko.

"A-azul" tawag kong muli. "Pwede bang humingi ng pabor bago moko patayin?" pinigilan ko ang pumiyok.

Hindi siya kumibo at sumagot pero nasa mga mata niya ang sagot.

"P-pwede bang, hayaan mo akong sambitin ang mga katagang ito na matagal ko ng itinatago? Pwede b-bang hayaan mo m-munang kahit sa huling pagkakataong ito m-masabi ko man lang n-na---"

"TUMIGIL KA!" sigaw iya. "AYOKONG PAKINGGAN ANG MGA SASABIHIN MO AAAAAAAAH!" napahawak sya sa kanyang ulo at sigaw ng sigaw.

"MAHAL NA MAHAL KITA AZUL, M-MAHAL NA M-MAHAL!" pumipiyok na sabi ko. "M-MAMAHALIN KITA HANGGANG SA HULING HI----"

Napapikit ako sa sakit na natamo ko gawa ng paghagis nya sa akin sa bato. Parang unti-unti pinupunit ang balat ko sa hapdi. Napadilat ako ng tumama sa akin ang hampas ng alon, napaubo ako dahil para akong malulunod. Naglakad si Azul sa ibabaw ng tubig at kita ang galit sa kanyang itsura.

'Ano bang ginawa ko para magalit ka ng ganyan?'

May nagawa ba ako?

Minahal lang kita.

Nakakagalit na ba yon?

"Hindi ako binuhay para magmahal, kaya paumanhin mali ka ng babaeng minahal"


Napailing ako. "L-lahat ng ta-ao, binuhay para mag-gmahal. A-at i-isa ka-a doon". sabi ko habang patuloy na hinahampas ng alon ang aking mukha.

"A-azul, alala-ahanin mo ako. A-alam ko-ong meron pa dyan sa p-puso, n-na nandy-yan pa ako. K-kahit papaano."

"Hangal!" ramdam ko ang likidong tumutulo sa aking ulo dahil sa ginawang pagsampal sa akin ng satanas na ito. "KAHIT ANONG PAGPUPUMILIT MO, HINDI KA NYA MAKIKILALA. HINDI KA NYA MAALALA!" sigaw pa nito.

Rinig ko ang malakas na pagsigaw ni Azul. Para syang sinasaksak ng ilang beses, sinasaksak ng ilang patalim. Nilapitan sya ng Satanas na ito at pinagpantay ang kanilang mga mukha.

"HINDI IKAW ANG AZUL NA NAKILALA NYA,KUNDI ANG AZUL NA PAPATAY SA KANYA!" sigaw nya dito. "ALISIN MO ANG LAHAT NG PAGMAMAHAL MO SA KANYA, WALA KANG ITITIRA KAHIT NA ISANG KATITING. GUSTO KONG ANG LAMAN NG PUSO MO AY GALIT AT POOT SA NILALANG NA SUMIRA NG MUNDO MO!"

Pinagmasdan ko si Azul. Pinagmasdan ko kung papaanong naging satanas din sya kagaya ng isang ito, tumagos ang tingin nya sa akin. Mula sa galit ay nakita kong lumamlam ang mga mata nito. Kung paanong naging galit ay naging mapungay ito. Muli syang hinarap ng Satanas na ito at doon muling nagbago ang kanyang mga mata.

Napangiti ako. Hindi pa sya tuluyang nawawala, kinakain lang sya ng kapangyarihan ng Satanas na ito. Dapat ito ang mamatay.

"AAAAAH!" namanhid ata ang aking pisngi ng tumama ang pisngi ni Azul sa akin. At ngayon may dala syang patalim at alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Tama na ang paglalaro Azul, paslangin mo na ang nilalang na iyan!" sigaw nito sa kanya. Pinagmasdan kong maigi si Azul.

Alam kong nandyan pa din yung totoong sya, alam kong kilala nya pa rin ako. Hindi dapat ako sumuko.

Iniangat nya ako at mahigpit na sinakal. Hawak-hawak na nya ang punyal at marahang hinahaplos sa aking dibdib.

Napapikit ako. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon paba kung kelan nya ako kailangan?

"Bakit hindi mo ako nilalabanan?" malalim na boses ang gamit nito.

Iminulat ko ang aking mata at nginitian sya. "M-mas g-gustuhin ko pang saktan mo ako at patayin k-kesa ang labanan a-at s-saktan kita. M-masyado kitang m-mahal para sak-ktan. Na kahit hawakan ka ng marahas ay hindi ko magagawa. I-isa kang k-kayamanan para sa-akin Azul, hindi mo deserve na saktan ng kahit sino." nakangiting sabi ko.

Biglang nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Unti-unting nalulusaw ang asul na matang ito, napapalitan ito ng dati niyang mata. Napangiti ako, naalala nya pa ako! Naalala nya pa!

"A-azu--" kaagad na naglaho ang aking ngiti ng harapin syang muli ng satanas na ito at bulungan ito.

Muli, nagbalik sya sa dati nyang ayos. Ang galit at nakakatakot na Azul.

Hinigpitan nya ang pagkakasakal sa akin at hinigpitan din ang pagkakahawak sa kanyang punyal.

Ngumiti ako ng malungkot. "Kung ang patayin ako ay ang magiging dahilan ng pagkakaayos muli ng mund-do mo... S-sige Azul, p-patayin mo na ako kung yun ang makapagpapatahimik s-sayo" marahan kong sabi.

Unti-unti niyang inilapit ang punyal at binigyan ito ng pwersa. Napapikit nalang ako, hanggang dito nalang talaga siguro. Hanggang dito nalang ako.

Pero ilang segundo na ang lumilipas wala akong naramdaman na kahit ano sa aking katawan. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

At doon naubos ang lahat ng aking lakas ng banggitin nya ang salitang ito.

"K-kennedy, K-kennedy"

DEDICATED TO:
Glostie WP
Thank you so much for reading KD! I love you!

Kennedy's Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now