XXX - Chosen Bond / The End

3.7K 91 5
                                    


Unti unti ng nagsisilitawan ang mga bituin sa kalangitan kasabay ng paglitaw ng maaliwalas na buwan.

Panay ang awitan ng mga ibon na animo'y nageensayo.

Abala ang lahat ng tao at Laumina na nasa FIU ngayon.

Puno ng ngiti ang kanilang mga labi.

Samantalang sa Alpha ay nagtipon tipon ang Wolf88.

"Naks, Umin mukha kang tao ngayon, ah." Sabi ni Eoun at tinapik sa balikat si Umin.

Kasalukuyan silang nasa silid ni Kevin at naghahanda sa isang espesyal na okasyon. Pare-pareho silang nakasuot ng polo at pants na white.

"Ikaw rin, mukha kang hindi sinto sinto ngayon." balik asar ni Umin.

"Dumali na naman kayong dalawa." Naiiling na sabi ni Aron na nasa phone ang mga mata.

"Naku, nagsalita ang abala sa kamunduhan." Inagaw ni Ethan ang phone nito at tinago sa drawer.

"Basag trip naman, oh!" inis na sabi ni Aron na walang nagawa kung hindi ang lumabas ng kuwarto at maligo.

"Ethan, usap-usapang may chicks ka na raw, ah?" baling ni Zion sa hari ng liwanag.

"Oo nga, kilala ba namin?" interesadong tanong ni Yuan.

"Si Tea, 2007 1st special." Proud na sabi ni Ethan.

"Hanep, first rank!" sabi ni Ken na nakipag-apir pa kay Ethan.

"Big time ka 'tol! Sexy daw 'yun." Sabi ni Aron na bigla na lang ulit sumulpot.

"Bunganga mo pre! Gusto mong lunukin itong kamao ko?" kunwari'y siryosong banta ni Ethan.

"Puwede ba! Lumabas kayo ng kuwarto ko kung magtsitsismisan lang kayo. Ingay niyo aba!" aboridong sabi ni Kevin. Kanina pa ito hindi mapakali at lakad ng lakad.

"Relax lang pare! Hamit na hamit kang makasal kayo ni Earin tapos ngayon praning ka. Baka maihe ka mamaya niyan!" sabi ni Levin na ikinatawa ng lahat.

"Sira ulo!" inis na binato ito ng nadampot na unan ni Kevin.

"Maupo ka kasi pare. Nawawala ang kaguwapuhan mo, parang ikakasal lang, eh." Inalalayan ni Aly na maupo si Kevin na halatang kinakabahan.

"Bakit naranasan mo na bang ikasal?" tanong dito ni Kevin.

"Ano ba iyong kasal?" inosenteng tanong nito. Nabatukan tuloy ng isa ni Kevin

Napatingin silang lahat sa pintuan ng may kumatok roon. Si Eoun ang nagbukas ng pinto.

"Kailangan na po kayo sa beach side, twenty minutes na lang po at mag-start na ang wedding." Anunsyo ng lalaking kumatok.

"Okay guys, this is it!"

"KASALAN NA!!!!" sabay sabay na sigaw ng mga lobo.

Sa Tree house.

Hindi mawala ang ngiti ni Earin habang pinagmamasdan ang kaniyang repleksyon sa malaking salamin.

"Napakaganda mo, Katherin. Kamukhang kamukha ka ng mommy mo." masayang sabi ng Chairman na mahahalata ang kanina pang pag-iyak.

"Lolo, hindi bagay sa iyo ang umiyak." Nilapitan ng dalaga ang matanda at buong pusong niyakap.

"Masaya ka ba ngayon?" tanong ng Chairman.

"Napakasaya ko po. Sobra!" sabi ni Earin at bumitiw sa pagkakayakap. "Lolo, sorry dahil nagkamali ako noon. Sorry at nagdulot ako ng labis na sakit sa iyong kalooban." Naiiyak na sabi ni Earin.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon