🚼Chapter 7🚼

112 4 0
                                    

Dedicated to sheal_tiel
'Sometimes the littlest things take up the most room in your heart'
- Winnie the Pooh
=====

"Talaga ?" hindi makapaniwalang tanong ni Carla na parang iiyak na.

Tumango si Kyla bilang sagot.

"Awwww andaya naman.... Huhuuu magiging malungkot ako rito?"saad ni Carla at hindi na napigilang maiyak.

"Naku naman itong si Carla oh....Wa'g kang mag-alala hindi kita kakalimutan ikaw parin naman kasi iyong bestfriend kong maganda at mabait" sabi ni Kyla at hinagod ang likod ni Carla upang patahanin.

"Bibisita ako saiyo ha " sabi ni Carla.

"Sige kahit kailan mo gusto" sabi ni Kyla at hi-nug si Carla.

Nang kumalas ay nginitian ni Kyla si Carla.

"Una na ako ah pupunta na ko sa dorm ko" sabi ni Kyla at tumayo na bago siya lumabas ay nagyakapan ang dalawa hindi narin napigilan ni Kyla ang nararamdaman at naiyak na din.

"Mag-iingat ka doon ha" sabi ni Carla.

"Pag may umaway saiyo sus! ako ang makakalaban nila" sabi ni Carla at nag fighting stance. Natawa si Kyla sa sinabi ni Carla.

"Takot lang sila saakin no" sabi pa ni Kyla.

"Paalam na..... bibisitahin kita doon ha" sabi ni Carla.

"Sige ba" sabi ni Kyla.at naglakad na papuntang dorm.

*

Kinakabahan si Kyla sa kung ano ang nasa loob. Huminga siya ng malalim at pinihit ang knob tapos pumasok. Pagpasok niya marangyang pamamahay ang sumalubong sakanya

Malaking chandelier, Fireplace , puting sahig, red carpet at iba pa.

Nasa kanan ang kusina at pati narin ang dining area habang sa kanan naman ay naroon ang 10 mga rooms.

"Maligayang pagdating sa Supreme Dorm Miss Dela Fuerto let me show you your room" sabi ng isang maid na sumalubong sakanya.

"Kyla nalang ho" sabi ni Kyla.

" Okay sige Miss Kyla." sabi ng maid.

"Naku! alisin niyo na rin po ang Miss, Kyla nalang talaga" sabi pa ni Kyla.

"Kung iyan ang gusto mo Kyla" sabi maid.

"Ikaw sino ka?" tanong pabalik ni Kyla.

"Ako po si Charmaine pero tawagin niyo na rin po akong Charm" sabi ni Charm.

"Sige Charm dalhin mo na ako sa kwarto ko ang init na kasi ng katawan ko" sabi ni Kyla.

*

"Ito na po ang magiging kwarto niyo Kyla" sabi ni Charm at binigay kay Kyla ang susi ng kwarto niya.

"Salamat Charm" sabi ni Kyla. Aalis na sana si Charm ng magsalita si Kyla.

" Nag-aaral ka ba Charm?' tanong ni Kyla.

"Ahmm.... hindi po eh" sagot ni Charm at yumuko.

" Bakit naman hindi?" naguguluhang tanong ni Kyla.

"Ayaw po kasi ng mga magulang ko na matulad ako ng lola kong namatay dahil sa kapangyarihan" sabi niya at nakayuko parin.

" Nasaan ba ang magulang mo?" sabi ni Kyla

" Nasa Western District po sila pero kapag nalaman nilang nag-aaral ko dito ay paaalisin ako." sabi ni Charm.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon