Chapter 25: you are my sunshine

753 25 9
                                    

J U N E       0 7      2 0 1 8
comment naman kayo ng ibang
feedbacks huwag puro
ud na po, isa pa or ud pls.
-------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

Limang araw na kami dito sa ospital. Umuwi lang ako kahapon para asikasuhin ang nalalapit na pasukan. Sana nga ay gumising na si Inna para makahabol siya kahit malate siya ng ilang linggo sa pagpasok. Pareho na kasi kami ng school na papasukan. Kinuha akong scholar ng Mommy at Daddy niya. Gusto ko pa nga tumanggi dahil nakakahiya kaso pinilit nila para daw makasama ko si Inna at para na rin daw iyon sa lahat ng ginawa at pagmamahal ko sa anak nila.

"Bibili lang kami ng food, may request ba kayo?" Tanong ni Tita Magui. Wala yatang balak sumagot sa kanya kaya ako na ang nagsalita.

"Kahit ano na lang basta masarap." Nakangiting sabi ko. Ngumiti din siya at lumabas na kasama si Tita Analain at Tita Lelay.

"Anghel, aalis na rin muna kami para kumuha ng gamit sa bahay. Maiwan ka muna namin dito ha?" Paalam ni Tita Kath saakin. Inayos ko naman ang pagkakatayo ko tsaka siyang nginitian.

"Oo naman po, Tita. Ingat po kayo." Sagot ko. Tinapik lang ako sa balikat ni Tito DJ at sabay na silang umalis. At ayun nga, naiwan nanaman kaming dalawa ni Inna dito sa room niya.

Naupo ako sa gilid ng kama niya tsaka hinawakan ang kamay niya.

"Inna ng mga magiging anak ko, sabi ko magising ka na dyan eh. Malapit na kaya ang pasukan, bahala ka uulit ka ng first year college kapag hindi ka pa nagising. Mauuna pa ako gagraduate sayo sige ka." Natawa ako dahil hindi man lang sumasagot ang inaasar ko. Mukha lang akong tanga.

"Mukha na akong tanga dito. Pero okay lang din naman, handa ako magpakatanga para sayo." Banat ko tsaka ko pa siya kinindatan.

"Tangina mo, Anghel, tigilan mo ako sa mga banat mo. Ang korni!" Panggagaya ko sa boses niya. Wala kasing sumasagot saakin kaya ako na din ang sumagot sa sarili ko. Kaso lalo lang akong nagmukhang tanga kaya tinigil ko na.

"Alam ko na, ipagkakanta na lang kita. Dinala ko talaga yung gitara ko para hindi lang ako puro putak dito. Teka kukunin ko, wait mo lang ako dito at huwag ka muna kikiligin." Marahan kong binitawan ang kamay niya tsaka tumayo para kunin ang gitara ko.

Pagkakuha ko ay bumalik din ako sa inuupuan ko kanina at tinitigan muna si Inna.

"Ang kantang ito ay dedicated para sayo, Inna ng mga magiging anak ko." Maingat kong inangat ang kamay niya tsaka marahan na hinakan ito.

Nang mailapag ko na ang kamay niya ay sinimulan ko ng tumugtog sa gitara ko.

"The other night, dear, as I lay sleeping. I dreamed I held you in my arms. When I awoke, dear, I was mistaken. So I hung my head and I cried." Habang tumutugtog ako ay pinagmamasdan ko ang natutulog na mukha ni Inna.

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You'll never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away." Sana gumising ka na, Inna. Namimiss ko na ang mga ngiti mo.

"I'll always love you and make you happy. And nothing else could come between. But if you leave me to love another. You'll have shattered all of my dreams." Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko.

Ang sabi ng doktor niya kahapon, kapag hindi pa siya nagising within this week, kailangan na namin magdecide kung itutuloy pa ba ang life support niya o hindi na. Nahihirapan na rin daw kasi ang katawan ni Inna. Kaya mas maganda kung i-give up na lang namin at hayaan na siyang magpahinga.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon