Him

6 0 0
                                    

Wala nang prologue prologue pa, umpisahan na agad natin ang kabaliwang to. Tutal dito naman tayo magaling diba? Ang magmadaling umasa kahit wala namang kasiguraduhan ang pinapasok natin. Duuuuuh.

+++++++++++++++

Ako ay ikaw oo ako ay ikaw o kahit na sinong gustuhin mo. Pwede mong isipin na kwento mo to. Ikaw ang bahala kung anong  pangalan at itsura ko. Pero siyempre charot lang yun. Naloko ka diba? Okay lang yan alam ko naman na hindi ako ang unang nang loko sayo! :P

++++++++++++++

“tanga, hindi ka gusto nun."

“hindi kayo bagay."

“sweet talaga siya sa lahat"

“friendly lang talaga siya."

“hindi niya daw kasi naranasang maging special sa ibang tao kaya pinapadama niya sa mga kaibigan niya na special sila para sakanya..."

Mga salitang narinig ko mula sa mga kaibigan ko at mga kakilala niya. Bakit ko nga ba nagustuhan ang taong alam kong kaibigan lang ang tingin sakin? Paano ba to nagsimula? Kailan ko na na- realize na, higit pa sa crush ang nararamdaman ko para sakanya?

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

First day of school, Academic Year 2016-2017...

Ang maingay na tunog mula sa cellphone ko ang gumising sa natutulog kong katawan. Kahit hindi ko man gustuhin ay kailangan kong pumasok sa unang araw ko sa school. Dali dali akong tumayo sa aking hinihigaan. Hinanda ang aking susuotin at naghanda para pumasok sa papasukan kong university.

Isa akong senior highschool student sa isang kilalang university dito sa Makati. Isa akong grade 11 student. Ibig sabihin ito ang unang araw ko sa school na yun. Pihado magmumuka nanaman akong tanga dahil sa bagong environment ang papasukan ko. Nang handa na ako ay lumabas na ako ng bahay para pumunta sa pinaka malapit na terminal ng jeep.

Nang makalabas ako sa eskinita namin ay sinalubong ako ng inga mula sa mga naglalakad na tao, usok mula sa mga dumadaang sasakyan at kung ano ano pang bagay na makikita mo usually sa kalsada.

Makalipas ang ilang Sandaling paglalakad ay narating ko na ang terminal ng jeep. Maswerte ako at walang pila kaya madali akong nakasakay ng jeep papasok ng school. Medyo maluwag pa sa jeep kaya nakaupo pa ako ng maayos pero, Unti unti ay nadagdagan ang sakay ng jeep kaya nagsimula na ring magsi usugan ang mga sakay kaya medyo sumikip. Nadagdagan pa ang inis ko nang marinig ko ang konduktor na

“dalawa pa, dalawa pa sa kanan!"

Dalawa pa. Seryoso? Eh halos nagtatampo na sakin yung kalahati ng pwet ko dahil hindi ako makaupo nang maayos tapos kulang pa daw ng dalawa?!

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa school. Ang aga aga ay tagaktak na agad ang pawis ko dahil sa sikip at init sa loob ng jeep. Alam mo yung feeling na kararating mo palang pero muka ka nang pauwi? Saklap diba?

Tinignan ko ang COR ko para malaman ang unang subject na papasukan ko.

Earth and Life Science 7:30-9:00 Bldg. 2 Room 311.

Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 7:13 na pala. Ilang minuto nalang ay mag uumpisa na ang klase na iyon kaya nagmadali akong pumasok sa subject na yun. Pero teka saan ba ang building two?

Inabot siguro ako ng ten minutes bago ko mahanap ang room na yun.  Nang makarating ako sa room na yon ay binungad ako ng mga estudyanteng sa loob nun. May nagme-make up, may mga loner at merong squad na agad. Sino kaya sa mga ito ang magiging kaibigan ko?

Napag desisyunan kong umupo sa bandang dulo ng kwartong iyon. Wala akong katabi pero may babae sa unahan ko. Medyo chubby siya at wala rin siyang katabi tulad ko.

“Excuse me miss"

Sabi ko sakanya. Humarap siya sakin. Mahaba ang buhok niya at chinita siya. Nakasuot siya ng gray na tshirt at itim na legging. Tinggal niya ang suot niyang earphones at humarap saakin.

“bakit po?"

Tanong niya.

“uhm, pwede po bang patingin ng COR niyo, may iche-check lang po ako."

“ah okay" pag sang ayon niya. Kinuha niya ang kulay green niyang bag at nilabas mula doon ang isang papel, yung COR niya. Kinuha ko yun at tinignan ang profile niya at kung tama ba ang pinasukan kong room at section.

Name: Karen Rios
Age: 18
Address: (bahala ka na, wala akong maisip)
Grade and Section: 11-26

Ibig sabihin tama ang room na pinasukan ko. Salamat naman.

Binalik ko sakanya ang COR niya at nagpasalamat.

Dahil wala pa namang professor at wala pa naman akong kakilala dito ay napag pasyahan ko manood nalang muna ng nakasave na movie sa phone ko.

Habang nanonood ako ay panay ang tingin ko sa mga pumapasok sa room dahil baka mamaya ay prof na pala namin yun pero mga estudyanteng late lang pala ang pumapasok.

Xmen: Apocalypse ang pinapanood ko, at nandito na ko sa part na ia-unleash na ni Jean Grey yung Phoenix power niya. Ang ganda ng part na to na kahit ilang beses kong panoorin ay nakaka ramdam pa rin ako ng goosebumps. Pero may isang pumasok sa room ang nakapukaw ng atensyon ko.

Naka black siyang jacket, bukas ang gitna nun kaya kita ang kulay puti niyang vneck shirt. Kulot ang buhok niya na medyo magulo, naka puti siyang headset at hindi ko maitatanggi na ang.... Ang... Pogi? No. Gwapo? No again ewan ko ba pero those words are not enough to describe how gorgeous he is. He's like an angel sent from above. At lahat ng tao sa room ay nakatingin sakanya.

An OH SO GORGEOUS GREEK GOD naglalakad papunta sa direksyon ng kinauupuan ko...

Tumingin siya sakin, pero baka hindi sakin kaya tinignan ko kung may tao sa likod ko.
Pero wala bes! Walaaaa so ibig sabihin nakatingin nga siya sakin and damn... He smiled at me...

Yung ngiting yun tangina... Pamatay...

End of chapter one...

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Humanga is okay.
Ngumiti nang pamatay is okay.
Pero ang nakawin ang puso gamit ang ngiting yun ay.... Tangina kaaaaa!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3/26Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon