Friend Request [one-shot]

1.2K 42 30
                                    

A Short Story, from a Girl's POV. Hehe. Experimenting. Yung una ko kasing short story ay from a Guy's POV. At madrama yun. Title niya ay "The BUS". Eto naman ay light lang, may konting drama. Pero more on kilig something. :)

Dedicated nga pala kay Ate Ella a.k.a. modernongmariaclara. Astig po ng mga stories niyo. Ka-abang lagi. Lalo na ang HPS/HPW. :)

Read on. My second short story on wattpad: Friend Request.

---

Friend Request

February 2008.

Jeff Marco Sandoval. Add as Friend. Send Message.

Nakatunganaga ako ngayon sa tapat ng PC ko at nag-iisip kung i-a-add ko ba o hindi si Jeff.

Matagal na akong may gusto kay Jeff.

Nagsimula ang lahat noong Grade 4 kami. Niligtas niya ako sa mga batang nang-aaway sa akin. Simula noon ay naging crush ko na siya.

Second Year High School. Doon ko na-realize na mahal ko nga si Jeff. Kaya lang ayokong masira ang pagkakaibigang nabuo sa amin mula noong Grade 4.

Fourth Year High School. Siya ang last dance ko sa prom namin. Doon ko napagtanto na dapat ko na ngang iwasan si Jeff. Dahil ayoko ng masaktan. Napabalita sa school na GF na daw niya yung isa naming classmate. Ano nga naman ang panama ng isang ordinaryong 'bestfriend' sa 'muse' at 'Ms. Intrams'?

First Year College. Sumikat ang Facebook. Napag-iwanan na ang Friendster. Halos isang taon na akong walang communication kay Jeff. Hanggang sa nakita ko nga ang profile niya sa isa sa mga classmate ko noong HS.

At ngayon nga ay nasa dilemma ako kung i-a-add ko siya o hindi.

Kung iniisip niyong bitter ako, SIGURO. Kasi alam kong mahal ko pa rin siya. At ayoko na talagang masaktan.

Pero wala naming masama kung i-a-add ko diba? Tutal FRIENDS naman kami.

Add as Friend. Click.

Jeff Marco Sandoval accepted your friend request.

Ang bilis naman. Ibig sabihin Online siya.

Biglang nag-pop ang chat box.

Jeff Marco Sandoval: Kamusta na?

Hindi ko alam kung anong i-re-reply ko. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

Andrea Marie Santos: Ok nmn aq. Ikw?

Jeff Marco Sandoval: Aus lng. San k nag-aaral ngaun?

Andrea Marie Santos: PNU.

Jeff Marco Sandoval: Tlga? TUP lng aq.

Anak ng. Magkatapat pa ang school namin.

Andrea Marie Santos: Oo. TUP k pla. Nu course mo?

Jeff Marco Sandoval: Civil Eng. Kaw? Nu course mo s PNU?

Andrea Marie Santos: BSCT.

Jeff Marco Sandoval: Nu un?

Andrea Marie Santos: BS Chem for Tchrs.

Jeff Marco Sandoval: Ah. Nyc. Best in Chem tlaga.

Andrea Marie Santos: Hehe. W8 lng ah. CR lng aq.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend Request [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon