Nasa pool na kami at nag swim na si Jake actually magaling siya kaso ayaw niya sa dagat kasi daw may alon jusko HAHAHAHAHA napakabakla!
Pagkatapos naming magsawa kalalangoy ay umahon na kami at pumunta sa room namin.
Nagpunas ng basang katawan at nag luto ng maraming pagkain.
"Aba't ako lang ang paglulutuin niyo?"sabi ko.
"Alam mo Drake hahaha kung gusto mo makakain ng sunog kami paglutuin mo"patawang sabi ng mokong na si jake.
"Gago talaga kayo!gege na ako na psh!"inis na sabi koMga mokong talaga mga yun! Laki laki na di pa marunong magluto!!!Nakakainis sila grabe! Pati yung si Gelyn di din marunong kababaeng tao!
Anyway,ang niluluto ko ay adobo,humba,lumpiang shanghai,lechong kawali,at as usual kanin din -_- kasi i daw sila marunong magsaing -_-
Kung nagtataka kayo kung bat alam ko ang ganyang gawain is because hindi ako inispoil nila mom and dad.Actually si Manang Celia nag turo sakin ng mga specialty na mga yan...Natapos ko ng lutuin lahat at ang bilis nilanh pumunta sa kusina -_-
"Wow ha?kayo nagluto?magluto kayo ng inyo dun!tsupeeee!!!"pabirong sabi ko.
"Grabe ka naman fafa drake! Pengeee!!"sabi naman ni lawrence
"Drake penge nueba!"sabi ni Lawrence at Gelyn"Biro lang! Nanyoo! Mag aral kayo magluto ha! Kung alam ko lang na di kayo marunong mahluto nako di na ko sumama sa inyo! Balakayo kumain ng hilaw -_-" sabi ko ng may pagkainis pero natatawa.
Pagkatapos naming kumain ay hinugasan na ni Gelyn ang mga pinggan at tinulungan naman sya ni Lawrence.
Nag swimming ulit kami..
Ganon lang ang mga pangyayari samin hanggang sa uuwi na kami.
Nagpaalam muna ako sa kanila na mag lilibot muna ako ulit.At sumang ayon naman sila dahil busy din sila sa paghahanda ng mga gamit namin na ki dami dami.
Sa paglilibot ko naalala ko yung girlfriend ko.Kung kami pa siguro,kasama ko siya ngayon at mas masaya pa ako lalo.
May tumabi naman sakin na babae,kasi nakaupo ako sa bench.Tiningnan niya ako na para bang kilala nya ako.So ako? Na weirduhan sa kanya.Nginitian niya ako and hindi naman ako suplado kaya I smiled back.
Nahpakilala siya
"Hi?I'm Shekinah.Inah for short."nakangiting sabi niya.
Maganda siya,cute,and mabait siguro.
Inabot niya ajg kamay niya senyas ng pakikipag shake hands
"Hello?I'm Lordrake.Drake for short"nakangiting sabi ko naman habang inabot ang kamay niya para makipag shake hands.Maya maya pa'y nagpaaalam na ako sa kanya kasi uuwi na kami.Hindi kami gaanong nag kwentuhan kasi aalis na nga kami.Bumalik na ako sa room namin and ready to go na kami.Nagpunta na kami sa kotse ko at inihatid ko sila sa kani kanilang bahay.