8

3K 72 0
                                    

"Thank you," nangingiting sabi niya. Siguro kaya uli niyang sumubo ng gulay, basta ba si Kiefer uli ang magsusubo sa kanya. "Kaya siguro fit na fit ang katawan mo kasi hindi ka gaanong kumakain ng pork." Mabuti na lang at madalas ay isda at gulay ang niluluto niya para dito, naisip kasi niyang mas healthy ang mga 'yon para sa isang athelete tulad nito.

"Yeah, twice a week." He smiled, saka nito itinungga ang juice nito. "What do you wanna do after this?"

Biglang nanlaki ang mga mata niya. "You still want to be with me, after this dinner?" gulat na tanong niya.

"Why not?" he smiled. "How about we go to a music bar? I'd never been there." Anito.

"Ako din, so okay lang sa 'yo?" nagtataka pa ring sabi niya.

"Oo naman, finish your food para maaga tayong makapunta doon."

"Sure, sure." Nakangiting sabi niya.

Kung sinu-suwerte nga naman siya, may date na siya—makakasama pa niya ito nang matagal. Ito na talaga ang kabayaran nang isang taong niyang paghahabol dito.

Tawanan at kuwentuhan tungkol sa pagkakapareho nila ng gusto nito, katulad ng; basketball, music, singers, movies and stuffs. Hindi niya inaasahan na magkakasundo sila. He was really fun to be with, he was nice and a true gentleman.

Paano pa siya makaka-move on nito kung sakali? Kung habang tumatagal ay mas lalong palalim nang palalim ang nararamdaman niya dito?

"ANY VOLUNTEER from the audience?" nakangiting tanong ng gay host sa Music bar na pinuntahan nila, para sa audience na kakanta sa harapan.

"Ikaw na, Amorphina. Ang ganda ng boses mo e." bulong sa kanya ni Kiefer. Halos magtaasan ang mga balahibo niya sa katawanan nang maramdaman niya ang mainit at mabangong hininga nito na pumaypay sa kanyang pisngi.

"Lagi mo nang naririnig ang boses ko, kaya baka pwedeng ikaw naman ang magpakitang-gilas ngayon?" aniya, saka niya hinawakan ang kamay nito at itinaas.

Nagulat si Kiefer na napangitin sa kanya. "Bakit ako?"

"Okay, mukhang may nag-volunteer na." nakangiting anunsyo ng host, saka ito lumapit sa kanila ni Kiefer. "My gosh, isang guwapong nilalang!" tili nito.

Patay! Mukha yatang nagkamali siya nang ginawa, dahil baka madagdagan pa lalo ang mga karibal niya sa binata dahil sa ginawa niya!

"Amorphina..." tila nahihiya ito at humihingi ng tulong sa kanya. "I-I don't sing."

Napakagat siya sa ibabang labi niya. "Kaya mo 'yan!" pagtsi-cheer na lang niya, saka siya ngumiti dito. Gusto rin kasi niyang mapakinggan itong kumanta, 'di bale guguwardiyahan na lang niya itong mabuti mula sa mga magbabalak na karibalin siya.

"What song are you going to sing, Mr. Pogi?" tanong ng gay host kay Kiefer.

Napatulis ito ng nguso and he looks so adorable! Saka ito napakamot ng ulo. "I don't really sing."

"Okay lang, sige na, what song?" pangungulit ng bading.

Pinatulis uli ni Kiefer ang nguso nito, saka napakamot sa baba nito, and kaloka dahil napaka-cute nito tingnan. Para itong bata na hindi alam kung gaano ka-cute sa hitsura nito.

"Can I just dance? I really don't sing well." Tila nahihiyang sabi nito.

Naaaliw habang nakatitig ang bading na host kay Kiefer na animo anytime ay susunggaban na nito ang binata, mabuti na lang at alerto siya beinte kuwartro oras. Mayamaya ay ngumiti at tumango na ang host.

"Dahil guwapo ka at kinikilig ako at ang mga kababaihan dito sa Bar," nangingiting pauna nito, naghiyawan naman ang mga kababaihang naroon. "pagbibigyan namin ang munting kahilingan mo na sumayaw." Saka nito kinurot ang pisngi ni Kiefer, muntik na siyang mapatayo para hilain ang binata, para tuloy siyang guwardiya civil ng binata. "Okay, music please!"

Nagsimula nang pumailanlang ang kantang 'Teach me how to dougie' na ini-request din ni Kiefer. Itinuon niya lalo ang kanyang mga mata kay sa binata, unang beses niya itong mapapanood na sumayaw—hindi na niya ito ivi-video dahil ayaw niyang magambala ang konsentrasyon niya sa panonood dito.

Una ay nahihiya-hiya pa si Kiefer, hanggang sa pagdating sa chorus ay saka ito bumira ng sayaw—she was dazed! Hindi kasi niya ini-expect na mahusay rin pala itong sumayaw nang ganoon, ang lambot ng katawan nitong sumasabay sa tugtugin habang nakangiti itong nakatingin sa audience—nang mapadako ang paningin nito sa kanya ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya—pakiramdam niya ay sila na lang dalawa ang naroon sa bar na 'yon habang sinasayawan siya nito.

Nang matapos ito ay halos mapuno ang bar nang hiyawan mula sa mga babaeng audience na naroon at pinapaulit pa itong sumayaw, pero humingi ito ng tawad saka na siya hinila palabas ng lugar.

Nang makalabas sila sa Bar ay umuulan na pala sa labas, malayo pa naman sila sa parking lot at wala silang dalang payong.

"Paano 'yan, wala akong dalang payong? Paano kung dito muna tayo habang hindi pa tumitigil ang ulan?" anito.

"Pwede rin naman, balik na lang uli tayo sa loob." Nakangiting sabi niya.

Pero mabilis itong umiling. "Ayoko, baka pakantahin na ako sa susunod," natatawang sabi nito. "Ganito na lang, pagbilang ko ng tatlo, sabay tayong tatakbo papunta sa sasakyan ko, okay lang ba sa 'yo?"

Ngumiti at tumango siya. "Exciting!" nakangiting sabi niya. "Parang 'yong mga napapanood kong eksena sa mga pelikula."

"Okay, ready... one... two... three... takbo!"

Nagulat siya nang bigla na lang nito hawakan ang kamay niya at magkasabay silang tumakbo sa ulanan. Napangiti siya at tila hindi alintana ang mga butil ng ulan na nahuhulog sa mukha niya. This is one of the best scenes she has with Kiefer. Ang sweet!

Patawid na sila across the street nang bigla itong parang naging hesitant, napatingin siya sa binata na noon ay namumutla ang mukha nito at tila kinakabahan, ilang minuto din silang nakatayo sa ulanan, bago siya hinila nito para tumawid sa kabilang daan—hindi tuloy nito napansin na may nahulog itong maliit na bagay, nakatawid na sila noon nang bumitiw siya sa kamay nito para kunin ang nahulog nitong bagay, palibhasa ayaw pa kasi niyang bumitiw sa pagkakahawak nito kanina.

"Why?" nagtatakang tanong nito.

"May nahulog ka yatang maliit na gamit, kukunin ko lang." Aniya. Saka niya binalikan ang nahulog nitong maliit na bagay.

Mabilis niyang nabalikan at nakuha ang nahulog na gamit nito—it was a cute rosary, marahil ay lucky charm nito 'yon. Kinuha agad niya ang rosary saka agad na bumalik sa kinaroroonan ng binata.

"'Yong rosary mo." Sabay abot niya ng rosary dito.

"Oh God! Thank you, Morphine. Thank you." sabi nito, sa magkahalong relief and happiness.

"Y-You called me Morphine..." nagtatakang sabi niya.

Agad na bumaling uli ang atensyon nito sa kanya. "Why? You don't like it—"

"No!" sansala niya. "Mas komportable kasi akong pakinggang ang Morphine, pero okay lang din namang tawagin mo ako sa totoong pangalan ko, kahit ano, basta kilala mo ako." nakangiting sabi niya.

Nang makarating sila sa sasakyan nito ay mabilis siyang pinagbuksan ng pintuan.

The perks of being in love; being contented and delighted.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon