chapter 16: Girl in my Dream

999 51 21
                                    

Kyle's POV;

"Ano Kyle kamusta..", tanong ni Phil habang nakasakay kami sa van na di ko alam kung kanino..

Ang nakakatawa e bihis na bihis sya na parang may kung anong pupuntahan.. Ngayon ko lang kasi sya nakitang naka polo jeans and take note matinong pantalon din ang suot nya..

"I'm good.. medyo kinakabahan..", narinig kong sinagot ko sa kanya.

'Okay panaginip lang 'to..', sabi ko sa isip ko nang mapansin kong parang malabo ang scenario..Si Phil nga lang ang malinaw na nakita ko e..at nakikita ko ng malinaw ang sarili ko habang kausap si Phil.

At bihis na bihis din pala ako.. wearing long sleeves white polo, black fitted jeans and white rubber shoes..Medyo maiksi pa ang buhok ko dito..'Ang pogi ko padin kahit sa panaginip..hehe'

"Pinsan.. ready na ang lahat..", singit ni Marco nang pumasok sa van.

"Okay.. let's do this..",si Phil na parang chini-cheer pa ako..

Pag labas naming tatlo..it was all set..Isang outdoor venue ang nakita ko..Para akong nasa gym ng isang school na pamilyar sa'kin..

Ang ganda at ang magical lang ng moment..Puno ng LED lights ang paligid, may mga chandelier din.. May isle din na puno ng petals  ng blue roses at sa dulo noon ay meron ding mini stage na puno  din ng decorations at blue roses..Nagsisiliparan din ang mga paru-paro  sa kabuuhan ng venue..At sa paligid ay may naka set up din na mga tables and chairs na I guess e para sa mga piling bisita..

At maya-maya pa ay nakita ko na ang mga bisitang nagsi-datingan..Puro mga close friends and family ko..

Honestly, pamilyar sa'kin ang scenario na ito.. pakiramdam ko ay hindi nanaman sya basta panaginip lang..It was like my long lost memories na gusto ko na talaga maalala..

Kung anong meron e hindi ako sigurado pero nakikita ko ang sarili ko na kinakabahan sa kung anong dahilan..But at the same time e nakikita ko ang sarili ko na ganito kasaya.. I never see myself as happy as this before.. I should know, ako yan e..

"Anak..", tawag sa'kin ni Mommy na kasama din si Daddy.

'Ang saya, nandito din pala sila', sabi ko sa sarili ko tsaka ako lumapit sa kanila at nag mano.

"Thank you sa support Mom,.Dad.. Mahal ko po kayo..",sabi ko sa parents ko tsaka ako yumakap sa kanila.

"Soos..Ang baby girl ko binata na..",pang aasar ni Daddy tsaka sya tumawa ng malakas.

"Siraulo ka talaga..bu-bully-hin mo nanaman ang anak mo..masasampiga kita e..",pasungit ni Mom kay Dad.

"Nagbibiro lang e alam naman ni Kyle yun.. diba 'nak?.", sagot ni Dad sa kanya at ngumiti lang ako as an answer.

"Hindi ako nagkamali nang palaki sa'yo..dahil naging mabuti kang tao..Sana lang ituloy mo yan bilang pagiging mabuting asawa ha..",si Daddy tsaka ginulo yung buhok ko.

'Asawa?. kasal ko naba 'to?.'

"Dad nama e..yung buhok ko..", angal ko.

"Tigilan mo na yang anak mo Raul..", pasungit nanaman ni Mommy pero this time e napansin ko na syang naiiyak.

"Oh.. Sweetheart.. bakit umiiyak ka?.", tanong ni Dad kay Mom

"Wala.. I am just happy..", sagot ni Mommy tsaka paunti-unti ang pag hikbi.

"Haay nakow Mie..wag kana umiyak at sayang make up mo..", sagot ko tsaka ko niyakap ang unang babae na nagmahal sa'kin ng sobra.

"Ang daya..sila-sila lang.. dapat ako din..Group hug!!..",sigaw ni Dad na parang bata ba nakisali sa amin ni Mom.

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon