Sino ba sa atin ang hindi pa naka-engkuwentro ng mga toxic na tao? Kung meron man ay ang suwerte ng taong 'yon dahil sa tutuo lang ang dami talaga nila at kahit nasaan ka ay nariyan lang sila sa tabi-tabi. O baka naman isa ka sa kanila? Kung toxic kang tao, puwede bang itigil mo na ang ganiyang gawain? Hindi lang ibang tao ang tinotoxic mo kundi pati sarili mo. God forbid!
Here are some hacks para hindi ka ma-toxic sa mga tulad nila. Alalahanin mo rin na may iba-iba rin silang style kaya pwedeng mag-work o hindi ang approach na mga sumusunod. Anyway, sana makatulong sa'yo dahil baka sobrang nababanas ka na sa kanila.1. Relax and calm yourself down. Paano? Simple lang. Hingang malalim at buga nang dahan-dahan. Kapag nakita mo na siyang papalapit sa'yo, simulan mo na ang lung exercise na 'to. Kapag nagawa mo ito, hindi ka na niya basta-basta mabu-bwusit dahil naunahan mo na siyang kampantihin ang sarili mo.
2. Deadmahin mo siya. Huwag mo na siyang ngitian o batiin. Tuloy mo lang ang ginagawa mo, as in parang he or she never existed. Huwag mo lang siyang simangutan. Pag nakipag-ngitian ka pa ay makikipag-plastikan ka pa. Malay mo pag dineadma mo siya ay deadmahin ka rin niya. Mas mabuti na 'yon kesa toxikin ka pa niya ng kung anu-ano.
3. Huwag kang magpapaapekto sa mga sasabihin niya. Positve man yan o negative. Usually, may hidden agenda 'yan. It's either may hihilingin 'yan sa'yo o iniinsulto ka lang niyan. Mag thank you ka kaagad pag pinuri ka. Kapag ininsulto ka, deadma mo na lang. Pustahan tayo, siya ang mato-toxic sa'yo. Sabi ko na nga ba, toxic ka rin!
4. Huwag kang kumagat sa bitag niya. Ang mga toxic na tao ay magaling yan mag maniobra. Magsasabi yan kunyari ng mga sikreto daw niya o ng iba para kunin lang ang sikreto mo. Style nila yan para maitsismis ka rin sa iba. O kaya tutulungan ka kunyari sa ginagawa mo, 'yon pala ay sinasabotahe ka lang niyan. Naku, mag-ingat ka at huwag kang tatanga-tanga, baka ikasira mo pa 'yan.
5. Lawakan mo na lang ang iyong pang-unawa. Ang mga katulad niya ay mga ampalaya yan. Bitter siya sa buhay niya, sa lovelife niya, trabaho, o pamilya kaya gusto niyang ipasa sa iyo ang kaniyang kamalasan sa buhay. Ang tawag diyan sa Psychology ay Displacement. Isa itong defense mechanism. Pag pasensiyahan mo na lang siya. Sometimes these people need your empathy. In other words, put yourself in their shoes.
Whether you like it or not, you have to live with them. Who knows, baka isang araw, magbago din sila. As of now, tanggapin mo na lang muna na ganoon talaga sila.
Actually, there are so many things to say here. Kung gusto mong mag-share ay welcome ka. So, comment na!
BINABASA MO ANG
Psychological and Life Hacks
DiversosMga simple at madaling karunungan na dapat mong malaman. Gamitin sa kabutihan, huwag sa kalokohan lalo na sa kasamaan. ...be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. - Matthew 10:16