"Eherm..." tikhim ni Batchi habang nakamasid kay Althea na abala sa kaka pindot ng cellphone. Linggo, kaya closed ang flower shop nila ngayon. "Busy ah." wika nito sabay upo sa gilid ng kama ni Althea kung saan nakahiga ang dalaga.
Tinitigan niya ito ng masama. "Seryuso Batch? Guguluhin mo ako?" patuyang sagot niya. Sabay balik sa atensyon niya sa cellphone.
"Di naman. Naku-curious lang ako kung sino katext mo."
Napabuntong hininga siya sabay bangon at kinuha ang jacket na nakasabit sa dingding. Agad niya ding sinuot ang itim na converse na sapatos. "Lalabas lang ako saglit."
"Saan ka pupunta?" tanong ni Batchi sabay tayo na rin.
"Sa Regal." maikli niyang sagot sabay bukas sa pinto ng kwarto niya.
"Si Kathleen ba pupuntahan mo?" pigil nito sa kanya.
Hindi siya sumagot. Pero alam niyang alam na nito ang isasagot niya.
"Althea tapatin mo nga ako."
"Batchi--"
"Hindi Tsong eh. Yung kinikilos mo. Yung ginagawa mo para kay Kathleen anong ibig sabihin niyan?" naka kunot noong tanong nito.
"Magkaibigan lang kami ni Kathleen, Batch. Sana huwag niyong bigyan ng ibang kahulugan ni Wila, yung pagiging malapit ko kay Kath." sagot niya.
"Alam niya ba yan?"
Natigilan siya.
"Alam niya bang kaibigan lang turing mo sa kanya?" muli ay tanong nito.
Matagal bago siya sumagot. "Alam niya." pagkuway sagot niya sabay talikod at nagtungo sa shop na karugtong lang din ng mga kwarto nila. Kumuha siya ng bulaklak. Agad niya din kinuha ang susi ng motorbike niya sa may counter at helmet. At makalipas nga lang ng ilang minuto ay tinatahak niya na ang daan patungo sa Regal Hotel.
***
'Closed'
Napakagat labi si Jade ng mabasa ang nakasulat sa pintuan ng flower shop nila Althea. Ang tanga niya din naman para hindi maisip na baka sarado sila ngayon. Linggo nga naman. Kinuha niya ang cellphone niya pero napahinto din siya agad. Naalala niya. Wala nga pala siyang no. Ni Althea. Akmang tatalikod na siya para sana umalis ng bigla nalang bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae. Yes babae. Kahit na naka panglalakeng gupit ito at pananamit alam niyang babae parin ito. At nakikilala niya ito. Dahil isa ito sa mga kasamahan ni Althea. Na marahil ay may ari din ng flower shop na ito.
"Hello." bati nito sa kanya.
Ngumiti siya. "Hi... Uhm sorry, di ko kasi alam na closed pala kayo ngayon."
Ngumiti din ito. Sabay tango. "Diba ikaw yung kaibigan ni Maam Sally?" naaalalang tanong ni Batchi sa kanya. "Ikaw din yung kausap ni Althea sa labas habang busy sa kakapili ng bulaklak sila maam Sally and Sir Paul. Tama ba?"
Napaawang ang bibig niya. "Uhm yeah." tugon niya sabay lahad ng kamay dito. "I'm Jade." pag kuway pakilala niya sa sarili.
Tinanggap naman nito ang kamay niya. "I'm Batchi."
"Nice to meet you Batchi." nakangiti niyang tugon. Sabay bitaw sa kamay nito.
"May kailangan ka ba? Pwede kitang e assist ngayon kahit naka sarado kami. May bibilhin ka bang bulaklak?"
YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fanfiction"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.