TINEXT ko kaagad si kuya Nigel ng makauwi si ate sa bahay. Ilang araw na rin kasing hindi yun umuuwi. Magtetext lang samin kada isnag araw ng “OK lang po ako. Ingat kayo. God bless,” na mukhang naka-save na sa cellphone nya at gm pa ang format.
Malungkot ang naging paghihiwalay nila, lahat naman yata ng hiwalayan malungkot e lalo na’t mahal na mahal mo yung tao. Ilang araw kong nakitang nakatunganga si ate sa cellphone nya, minsan pag may naririnig itong ingay sa labas agad tong tumitingin sa pintuan. Hanggang isang araw habang inaayos ang research papers ko sinabihan nya ko na i-block ko sa lahat ng account nya sa social media si kuya, kung di ko raw alam pano magblock, i-deactivate ko na lang daw lahat ng account nya. Inilapag nya sa harapan ko ang isang pilas ng papel kung saan nakasulat ang email account at passwords nya.
“Sigurado ka?” hindi ko alam kung naiiyak ba ko o ano basta alam ko muntik na kong pumiyok noon.
Tiningnan nya lang ako habang tinatanggal sa cellphone nya yung simcard.
“Hala? Pati ba cellphone number mo papalitan mo? Pano kung bigla ka nyang itext o tawagan?”
“Dapat matagal na nyang ginawa yun,” bumuntong hininga sya.
Sa bagay, tatlong araw na rin ang dumaan pero wala pa ring text si kuya kay ate. “Ayaw mo na ba sa kanya ate?”
“Pahinga lang Vince, yun lang gusto ko. Di ko naman alam na isusuko nya ko agad ng ganito kung alam ko lang sana pala nagtiis na lang ako. Ang hirap kasi e,” umiyak sya ulit.
Hindi ko alam kung pano pa nagagawang pumasok sa trabaho ni ate noon na araw araw pag uwi nya umiiyak sya. Yun yung mga panahong gusto kong sapakin si kuya, gusto ko syang ipabugbog kasi kung mahal nya talaga si ate dapat sana naisipan man lang nyang suyuin.
Nung araw na tinanggal, pinutul-putol at di pa talaga nakuntento, sinunog pa ni ate yung sim card nya, nag umpisa na si kuya na itext ako. Hindi raw nagrereply si ate tapos laging out of coverage area yung number nya. Noong una hindi ko pinapansin yung mga text nya hanggang sa isnag beses naiisipan ko na syang tanungin kung ano bang nangyari, kung bakit ang hindi man lang nya pinigilan si ate. Isa sa mga hindi ko makakalimutan na sinagot nya sakin, hindi ko talaga makakalimutan kasi hindi ko binura yung text na yun.
“Sabi kasi ng ate mo napapagod sya kaya hinayaan ko muna syang magpahinga, tsaka hindi ko pa sya mapapagbigyan sa gusto nyang mangyari e, hindi pa pwede ngayon pero kapag naging OK na lahat, babalik ako, sa ngayon pakibantayan muna sya para sakin, please wag kang papayag na may manligaw sa kanya.”
Kaya ito ako ngayon tagapagbawal ni ate, laging binabantayan kung may mga manliligaw ba sa kanya. Lagi ko pa ngang hinaharangan si kuya Franz kaya lang nakakalusot talaga. Hanga din talaga ko sa isang yun kasi ang tagal na nyang nagpaparamdam kay ate pero kahit wala syang nakukuha di sya sumusuko.
Minsan naihahambing ko rin si kuya sa kanya, iniisip ko kung pagsuko ba ang gianwa ni kuya kay ate, pagsuko man o hindi, alam kong mahal sya ni ate at mahal nya talaga yun, tsaka favorite love team ko sila e.
---------
Noong araw na makikipag date si ate kay kuya Franz, tinext agad ako ni kuya para kumpirmahin ang mangyayaring date.
KUYA: Makikipagdate ba ate mo?
AKO: Opo. Kay kuya Franz daw.
KUYA: Pigilan mo.
AKO: Ayaw po e.
KUYA: Pano yan pag na-inlove sa kanya ate mo?
Ilang minuto rin bago ako nakapagreply ulit, umiyak ng pagkatagal-tagal si ate.
KUYA: Umalis na ba sya? Napigilan mo ba?
AKO: Hindi po e. Kuya, tumawag ka nga.
Tumawag sya kaagad pagkasend na pagkasend ko ng text. Sinagot ko yun agad.
“Bakit?”
“Umiyak si ate kasi ikakasal ka na pala. Akala ko ba mahal mo si ate? Bakit magpapakasal ka sa iba?”
“Sya yun, sya yung pakakasalan ko. Hindi ko lang sinabi sa kanya, surprise yun e. Galit ba sya? Ayaw na ba nya sakin?”
“Gusto ka nya, kaya nga umiyak e.”
“May pag-asa ako diba?”
“Basta bilisan mo, baka magkagusto yun kay kuya Franz.”
Noong mismong gabing iyon pumunta si kuya sa bahay, pagkatapos ng gabing iyon, hindi na lang ako ang kasabwat sa loob ng bahay, kasabwat na ang buong pamilya. Pero nagulat kami na makalipas ang tatlong araw pagkatapos nyang hingian ang kamay ni ate kela papa at mama bigla na lang nagtext si kuya na baka hindi na sya tumuloy sa mga plano nya.
Ilang taon ng pinlano yun ni kuya tapos bigla na lang syang humindi, bigla na lang syang umayaw. Dapat after 1 month magpo-propose na si kuya pero biglang umurong, nakailang sorry sya sakin, sabi nya pupunta daw sya agad sa bahay para magsorry kela mama.
Yun yung araw na umiiyak si ate habang nanunuod kami ng isang sitcom. Iyak sya nang iyak, e kung totoo man na ibang babae ang pakakasalan ni kuya diba dapat masaya sya na hindi na tuloy yung kasal?
Pumunta sya sa bahay habang nasa trabaho si ate, sinabi nya na bukas na bukas magpo-propose na raw sya. Um-oo man o hindi si ate. Nagulat kaming lahat at naguluhan pero kung ako ang tatanungin, oo si ate.
Nakaayos si ate ngayong araw. Ngayon ko na lang sya ulit nakita na ganito kaganda. Maganda rin sya nong date nila ni kuya Franz pero iba ang ganda nya ngayong araw, gano kaya sya kaganda kung malalaman nyang para sa kanya yung proposal?
BINABASA MO ANG
Stars in the Sky
RomanceNakipaghiwalay si Vega sa halos apat na taon na nyang seaman boyfriend na si Nigel. Tatlong taon din ang lumipas ng muli silang magkita, wedding coordinator na si Vega at sya ang mag-aasikaso ng kasal ng dating nobyo. Nasasaktan sya pero ginagawa ny...