Chapter 11
"Kobbie akin na nga yaaaaan!!!" sigaw ko. Walangyang Kobbie. Kinuha ang phone ko. Ayaw ko kasing ibigay yun kasi titignan nya lang mga photos ko and I don't want him to find out how vain I am.
"Ano baaaaa!"
"Hahaha! Titignan ko lang naman eh, tsaka manghihingi na rin ako ng pic mo pang wallpaper! haha", nakataas pa rin yung kamay nya with my phone.
Grabe ang adik nya talaga!
Kahit anong abot ko sa kamay nya di ko maabot-abot kasi sobrang tangkad nya..
"Pag di mo binalik sakin yan, di mo na ako makakausap pa!"
"To naman, wag mo ngang seryosohin. Oh ito na."
Finally binalik nya na sakin ang phone ko. Bumalik na ako sa pagkakaupo dito sa may bermuda grass. Umupo na rin sya sa tabi ko.
"Hayst. Sabi ko manliigaw ako, pero aside from giving you flowers ano pa ba dapat kong gawin?"
He's seriously asking me that question?
"Aba ewan ko sayo! Ano tingin mo sakin lalaki? Tsaka wag ka ngang pa as if na di ka pa nakakaligaw ng babae."
"Would you believe if I say Ikaw pa lang ang niligawan ko?"
"Hindi."
"Well, sa maniwala ka't sa hindi, First time ko pang mangligaw. hahaha"
"Alam mo anong ayaw ko sa isang lalaki? Yung nagsisinungaling.."
"Eh kung ganun pala, edi gusto mo na ako?"
ANO??!
"Paano naman kita ma-"
"Kasi hindi naman ako nagsisinungaling. Kung ayaw mo sa nagsisinungaling, at hindi naman ako nagsinungaling edi gusto mo ako? ^_^"
Ano daw???
"Ewan ko sayo. Ang gulo mo!"
"Ikaw talaga ang unang babaeng niligawan ko buong buhay ko. Kahit itanong mo pa sa mga friends ko."
Psh. Alam ko na mga linyang yan noh.
"Edi bias. Magkaibigan kayo eh."
"Edi itanong mo dun sa mga Ex ko."
"Nah! Wala akong planong mag investigate sayo. Alam mo kung sinungaling ka, babaero, playboy, casanova, malandi o kung ano pa.. Wala akong pakialam. Wala naman akong mapapala kung magpapaka-Stress pa ako dahil lang sayo."