Chapter 13
'Hello?! Oy, di kita marinig. Ang ingay dito eh!'
'askndwf..san ka?'sabi nung nasakabilang linya. Parang sounds like nasan daw ako.
'Nasa C.A ako, game nila Sky ngayon. Tawag ka nalang mamaya. Byeee!'
then I hung up.
Si Kobbie yung tumawag, I dunno why. Mamaya ko na sya iisipin..kasi ngayon busy ako sa pagchi-cheer sa bestfriend ko.
"KYAAAAAA! HOY SKY! GALINGAN MOOOOO!", sigaw ko sa kanya habang tinataas yung Banner nyang may nakalagay na 'GO SKY! #15. I LOVE YOU!' Wag kayong kumontra. Siya lang naman may pakana nyan. Sinundo nya pa ako kaninang umaga sa bahay para i-sure na dalhin ko yung BANNER NIYA. Kapal talaga.
Nakita ko syang nag thumbs up sa loob ng court tsaka balik ulit sa game.
"Grabe talaga si Sky noh. Naririnig ka talaga niya kahit sobrang ingay na.", Trish
Magkasama kaming 5 ngayon. Alam nyo kung sino. haha
"Matalas lang talaga pandinig niyan", sagot ko naman.
"Oo. Lalo na pag ikaw"
"HA?!"
"Wala!"
Psh. Ewan ko sa kanila.
Nasa may likod lang ng Team CHS kami nakaupo, kaya sobrang lapit lang namin sa players.. Kasalukuyang nag 30 second break yung kabilang team. Lumapit naman si Sky samin pero may harag parin na hanggang beywang ko. Ewan kong anong tawag dito.
Pawis na pawis sya at mukhang pagod na pagod.
"Star, tubig."
Jusko san ba ang supply ng CHS sa sports team. Kahit tubig para sa players wala. My God.
Tumayo ako tsaka inabot yung Mineral Water dala ko sa kanya.
"Pagod na pagod ka na, magpa sub ka kaya muna?"
"Di pwede, konti nalang matatapos na rin to.", binuksan nya ang bottle tsaka uminom.
Oh. Mukha nga. 1:37 sec nlang para mag end ang quarter.
"Lamang naman na kayo ng 12 points. Panalo na kayo. Pahinga ka na."
"Star, di nga pwede. Tatapusin ko na to.", pinunasan nya yung pawis sa noo gamit lang ng likod ng wrist nya. Pati towel wala. Ang dukha talaga ng college namin. Tsk.