TWENTY ONE - The Ball (Part 2)

15 1 0
                                    


"Where have you been?" bungad na tanong sa akin ni mushroom pagbalik ko sa table namin. Hindi ko agad napansin na nandito na pala siya o mas tamang sabihin kong sila. Nakaupo sa tabi niya iyong babaeng kasayaw niya kanina. Sobrang nagandahan ako sa kanya noong nasa malayo siya at hindi ko akalain na mas maganda pala siya sa malapitan.


"Nagpunta lang ako saglit sa washroom." Walang ganang sagot ko saka uminom ng tubig sa baso ko pero bigla akong nasamid dahil ang inakala kong tubig e wine pala. Nagkamali ako ng basong nadampot. Ang pait!


"Hey! Are you alright?" nilapitan ako ni mushroom at saka hinimas-himas ang likod ko. Inabutan naman ako noong babaeng katabi niya ng tissue na agad kong kinuha para punasan ang labi ko. Bakit kasi hindi ko napansin na wine pala ang laman ng basong nadampot ko? Ang tanga ko talaga.


"Okay na ako. Salamat." Saad ko matapos makabawi mula sa pagkakasamid.


"Bakit mo kasi ininom 'yong wine?" umupo siya sa tabi ko saka ako inabutan ng tubig.


"Hindi ko kasi napansin na mali pala iyong basong dinampot ko. Pero okay na ako." Inilapag na niya iyong baso ng tubig sa lamesa. Hindi na siya umalis sa tabi ko para lumipat ng upuan kaya ngayon ay napaggigitnaan na namin siya noong babaeng kasayaw niya kanina.


"You sure?" paniniguradong tanong niya na tinanguan ko na lang. "Oh by the way, I want you to meet Valerie, my friend from Canada. She's an exchange student at kahapon lang siya dumating dito." Pakilala niya sa babaeng kasayaw niya kanina. Kaya naman pala parang close na close sila dahil kaibigan niya ang babaeng ito. Kung ganun siya pala iyong kapalit ni Jerome na kaklase ni Vin na siya namang ipinadala sa Canada.


"Hi, I'm Valerie. Nice to meet you." Nakangiti niyang bati sa akin. Magkaparehong magkapareho sila ni mushroom ng accent. Iyon nga lang mukhang hindi siya marunong mag-tagalog kagaya ni mushroom.


Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. "Hello, I'm Faith. Nice to meet you too." Napatingin ako kay mushroom at nakita kong ngumiti siya. Alam ko ang ibig sabihin nang ngiti niyang iyon. Ngayon alam na niya ang pangalan ko.


Nakaupo lang kaming tatlo doon habang iyong iba ay nagsasayaw pa rin. Naiinip na ako dahil wala man lang akong makausap. Busy kasi sa pagku-kwentuhan si mushroom at si Valerie. Mukhang na-miss nila ang isa't-isa. Uminom ulit ako ng tubig sa pang-sampung pagkakataon. Isang litrong tubig na yata ang naubos ko dahil sa sobrang pagka-bored ko. Tumingin ako sa bracelet watch ko, well, five minutes na lang pala at last dance na. Salamat naman at makakauwi na ako.


"Okay, I'll get going. See you around Ad." Narinig kong sabi ni Valerie kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo na siya at mukhang aalis na. "Byebye Faith." Pahabol pa niya bago siya tuluyang umalis. Mukhang napagod na sila sa pagkakamustahan.


"Bakit nakasimangot ka Faith?" tanong ni mushroom habang nakatingin sa akin. Nakakapanibago dahil ngayon ko lang siya narinig na banggitin ang pangalan ko. Nakakailang pala kapag siya ang bumabanggit ng pangalan ko.


"Wala. Bored lang ako. Gusto ko na rin kasi umuwi." Wala sa mood na sagot ko. Alam kong last dance ang pinakamahalaga sa event na ito pero wala na akong balak sumayaw ulit. Isa pa, wala namang mag-aaya sa akin na sumayaw ulit. Naisayaw na rin ako kanina nang ilan sa mga kaklase ko at bukod sa kanila wala na akong naiisip na ibang pwedeng maging last dance ko.

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon