Emerald

113 3 1
                                    

"Good Morning Sir! What's your order?" Masayang tanong ko sa customer.

"As always." Walang kabuhay-buhay n'yang sagot. Shems! Ang ganda talaga ng boses n'ya, deep and masculine.

"One Frappuccino, coming up!" sabi ko with matching smile from ears to ears. Tapos umalis na 'ko.

Ang saya- saya ko na naman. Naka-usap ko na naman kasi s'ya eh.

"One Frappuccino daw sa Table 10!" Sabi ko kay Anne. S'ya ang napakaganda at napakatalented na barista ng Cafe Olivarez. Actually, isa s'ya sa dahilan kung bakit binabalik-balikan 'tong Cafe. Yung ginagawa n'ya kasing kape masasabi mo talagang kakaiba. Yung parang hahanap-hanapin mo lagi at saktong-sakto lang sa panlasa.

"Si Mr. Chinitong Tambay na naman ba? Lagi na lang s'yang natambay dito" sabi ni Anne. Tignan mo 'tong babaeng 'to. Pinuri nga, nilaglag naman. 

"Oo! Shems! Ang gwapo n'ya talaga!" kinikilig kong banggit habang nakatingin 'dun sa lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. 

Lagi kasing nakatambay yung lalaking yun dito sa Cafe, kasama yung laptop n'ya. Paulit-ulit lang din naman yung order n'ya. Kahit ganun nga, hindi pa rin maitatanggi na sobrang lakas ng dating n'ya tapos ang gwapo gwapo pa n'ya. Chinito, sexy thin lips, perfect teeth, brown eyes, matangkad, maskulado, mestiso...ohhh...isang salita lang ang madederive mo pag-natitigan mo s'ya, ang salitang PERFECT. Haaayy!

"Asus! Inatake ka na naman ng kaharutan mong babae ka! Ba't di mo kasi bigyan ng mga damoves mo?" sabi n'ya habang ginagawa yung order ni Pogi.

"Babae kaya ako! Nakakahiya naman siguro kung ako yung gagawa ng first move." reklamo ko.

Major Turn Off kaya yun pag babae ang nagfirst move. Nakakahiya yun. 

"Ano ka ba?! Tapos na ang panahon ni Maria Clara no?! 'Di na uso ang mga masyadong pakipot ngayon dai! Babae na ang nanliligaw ngayon, 'di mo ba alam?" Sermon naman ng magaling.

Pero sa bagay, may point s'ya 'dun ah? Kaso, nakakahiya talaga eh! Ano ba yan? Hanggang tingin na lang ba talaga 'ko sa kanya. Sabi nga, "So near and yet so far". Ano kaya? Tae naman eh! Kahit nga pangalan, 'di ko alam. Saan ko kaya sisimulan? Bahala na! Basta pag may sign akong nakuha, gora bells!

Nakatitig ako sa aking dearest prince charming. Ang gwa--

"Hoy! Babae! Tama na daydreaming! Bigay mo na order n'ya. Umpisahan mo na kasi." sabi n'ya.

Nag-eenjoy pa 'kong halayin s'ya sa utak ko eh. Naman 'to si Anne. Panira eh.

Sinimangutan ko na lang s'ya tapos kinuha ko na yung order tapos lumapit na 'ko sa customer.

"Excuse me sir. Your frappuccino sir. Thanks for waiting. Enjoy your drink sir!" with matching wide smile and beautiful eyes. 

"Ah thanks!" sabay smile.

Teka? Tama ba 'tong nakikita ko? Shems! Nag-smile s'ya sa 'kin! For the first time in forever! There'll be Music, there'll be Light! Napa-frozen pa tuloy ako. Ang gwapo n'ya! Tae! Tao ba talaga 'to? Siguro 'eto yung nawawalang anak ni Aphrodite o kaya alien din, galing sa planeta nila Matteo Do. Kinikilig na naman ako deep deep inside. Siguro 'eto na yung sign na hinihintay ko. Ang bilis naman! Nakakatuwa!

"Ahmmm...Excuse me? May dumi ba sa mukha 'ko?" sabi n'ya with matching his sexy smile. That queued me to stop staring at him. Hindi ko kasi napansin eh!

"Ah wala po sir, sorry po!" with matching wave ng hands to assure him.

"Ah okay lang yun...Seerah?" sabi n'ya.

Shattered CrystalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon