Kennedy
"K-kennedy, K-kennedy"
Napaupo ako dahil sa sobrang panghihina, tinignan ko siya. Umiiyak sya ngayon sa aking harapan at nanlalaki ang matang tinignan ako.
"A-azul" nakangiting sabi ko. Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. At walang tigil sa pag-iyak.
"S-sorry, s-sorry" aniya. "S-sorry, wala akong nagawa, s-sorry."
Hinaplos ko ang kanyang likod. "Tahan na, a-ayos lang ako."
"K-kasalanan k-ko i-ito" pinaharap ko sya sa akin at magkalebel na ang aking mga mukha.
"W-wala kang kasalanan, okay?" nakangiting sabi ko. Pinaglandas ko ang aking kamay sa kanyang pisngi. "T-tahan na"
Ngumiti sya, at hinagkan ang aking noo.
"K-kennedy m-- ARGGGGGH!" napahiyaw sya ng bigla siyang higitin ni Satanas!
"Akala nyo tapos na? Hindi! Hindi ako makakapayag na magiging masaya kayo matapos nyong sirain ang lahat ng ito!"
"E-eros, p-pabayaan mo na kami" pagmamakaawa ni Azul.
'Kingama, Eros pangalan ng Satanas na ito?!'
Ngumisi naman ito sa kanya. "Hindi Azul, hindi ko kayo titigilan. Walang maiiwang masaya sa ating dalawa, kung nagdurusa ako--magdurusa ka rin!" napaluhod si Azul dahil bigla nalang siya nitong binitawan.
"TAMA NA!" nanggagalaiting sabi ko. "BAKIT BA SYA ANG LAGI MONG SINASAKTAN HA? BAKIT HINDI AKO?!"
Binalingan naman ako ng tingin nito. Nag-iba ang kanyang anyo, bakit mas naging demonyo pa ito ngayon sa harapan ko? Bakit mas mukhang nakakatakot sya ngayon?
"Gusto mong ikaw naman ang saktan ko, ganoon ba?" tanong nito. "Pagbibigyan naman kita, ngunit hindi ata ako pagbibigyan ni Azul" dinilaan niya ito sa pisngi. "Papayag kaba Azul? Ako nalang ang papatay sa kanya tutal hindi mo magawang sundin ang utos ko" sabay hagod nito sa buhok ni Azul.
Nanlilisik na tinignan sya ni Azul. "Tigilan mo sya Eros, ako. A-ako ang pahirapan mo wag sya!"
Humalakhak naman ito na syang nagpataas ng balahibo ko. "Pag-ibig. Isang lason na kumakalat sa katawan ng taong nagmamahal, nagiging sanhi ng katangahan at kaduwagan. Masyado nyong mahal ang isat-isa, pero hindi naman kayo maaring magsama" naiiling na sabi nito. "Bakit hindi nalang kaya... pareho ko kayong saktan at pahirapan. Matirang matibay?" binigyan nya kami ng nakakalokong ngiti.
"T-tama na E-eros, wag na si Kennedy. A-ako, A-ako nalang" pagsusumamo ni Azul.
"HINDI! AKO NALANG ANG SAKTAN MO WAG SI AZUL!" sigaw ko.
"MAGSIPAGTAHIMIK KAYO! PAREHO KO NALANG KAYONG PAHIHIRAPAN!"
At sa isang iglap, pareho na kaming nakatali ni Azul at parehong kaharap ang Eros na ito.
"Papahirapan sa magkaibang paraan. Sabi nga nila, ang magandang paraan para saktang ang isang tao ay sa pamamagitan ng taong mahal nya.. Ngayon, sino sa inyong dalawa ang uunahin ko? Hmmm?"
Itinagilid ko ang aking mukha ng akma niyang didilaan ako.
"Ikaw!" sigaw nya sa akin. "Ikaw ang mauuna, tignan natin kung hanggang saan ka makakayang tignan ni Azul" nakangiting sabi nito.
Napaiyak si Azul at yumuko. "Eros wag na sya, a-ako nalang. Maawa ka, nagmamakaawa na ako"
'Azul'
"Bakit Azul, nung makiusap ako sayo. Naawa kaba? Hindi diba? Kaya bakit ko naman pakikinggan ang pagmamakaawa mo?" anito. "Masaya akong makita kang nasasaktan at nahihirapan. Pero mas sasaya ako kung sa mismong harapan ko iyon makikita!"
Napadaig ako ng bigla nya akong hampasin ng latigo sa aking likod. Kingama! Kelan pa yan nagkaroon ng ganyan?!
"KENNEDY!" napahiyaw si Azul ng muli akong latiguhin ni Eros.
"GANYAN NGA AZUL, MASAKTAN KA! UMIYAK KA! DAHIL WALA KA DING MAGAGAWA PARA ILIGTAS ANG LALAKING MAHAL MO KAGAYA NIYA!" sabag latigo nitong muli.
"T-TAMA NA!" sigaw nya. Pero hindi siya pinakinggan ni Eros, bagkus ipinagpatuloy nito ang ginagawa.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko ito napapahiga at hindi ka umiiyak ng dugo. Hindi ako titigil hanggat humihinga pa ito!"
Marahan kong ipinikit ang aking mata at tanging nasa isipan ko lamang ay ang maamong mukha ni Azul, ang kanyang mga ngiti na nakapagpapawi ng aking kalungkutan at sakit na tinatamo. She's really beautiful, inside and outside.
Napahiyaw ako ng tumama ang latigo sa bandang ulo ko. Hindi ko na maitatago ang sakit dahil talagang masakit iyon. Iminulat ko ang aking mga mata at nalungkot ako sa aking nakita.
Hindi ko na makitang nakangiti si Azul, panay ang iyak at hagulgol nya. Bakit? 'Bakit kailangan mong masaktan at magdusa ng ganito. Bakit hindi ka na ngumingiti? Hindi ko na makita ang matamis mong ngiti, ayokong umiiyak ka pero anong magagawa ko? Ako ang dahilan ng pagluha mo'
Nginitian ko sya kahit ang sakit sakit na ng mga mata ko. Nararamdaman ko na ang pagod at bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Gusto ko ng pumikit pero muli ko syang nasilayan, humagulgol at tinatawag ang aking ngalan.
"N-no! You c-cant die! You c-cant leave me here!" sigaw nya. "K-kennedy!"
Muli akong ngumiti. Bakit ba pag sya ang bumabanggit ng pangalan ko parang kakaiba? Bakit?
"K-kennedy, d-don't leave me"
'I-I w-wont,but I-I can't pr-romise, Azul'
"Nagmamakaawa ako, w-wag"
'Still, I-Im Y-your Kennedy'
At bigla nalang nagdilim ang lahat.
Dedicated To:
My Little Thunders! SaranghaeyoA/N
May pangalan na po si Satanas kaya po mahalin natin sya. Dejoke! Enjoy reading!#malapitnaangpagtatapos
YOU ARE READING
Kennedy's Dream (COMPLETED)
FantasyHe thought that it's real but it's just a dream. A dream who broke his heart unintenionally. -- I am going to edit this po. Thank you!