Thirdy POV
"uwaaa!uwaaa!"iyak ng sanggol
"Tahan na ohhh sanggol~"kanta ni feather.At tumahan na nga ang sanggol sa pagkanta ni feather o kaya tawagin na lang natin siya sa kanyang palayaw na Feath.At sa pagkakataon nayon ay nilapag nya na ang sanggol sa higaan.
"Feyter!Feyter!"tawag kay Feather ng kapitbahay nya.
"Po?Bakit po?Ano po nangyayare?"tanong ni feather."Ang iyong ama nandoon na naman sa lasingan kasama ang mga basugalero ng ating barangay,naku naku pagsabihan mo iyang ama mo at baka mapano yan ay napaka bait at maalaga pa naman nyan sa inyo ng kapatid mo,atsaka bat bayan nag lalasing may problema nanaman ba kayong pamilya?"tanong ng kapit bahay kay feath.
"Ate,wag ka na po maki alam huh?kase problema ng aming pamilya na yon?Sige na po makaka alis ka na.At salamat po sa impormasyon."sabi ni feath.
Wala kase sa mood si Feath dahil sa kanilang problema kaya nakakapag salita na minsan si Feath ng hindi naaayon,kaya naman napagpasyahan nya na puntahan ang kanyang ama sa lugar kong saan naglalasing.
"Ama!Ama!"tawag nya sa kanyang ama.
"oh?anak nandito ka pala?ano nagsumbong na naman sayo yong tsismosa nating kapitbahay?may sinabi nanaman bayon ng hindi maganda sa ating pamilya?at ng mapuntahan yon at kakausapin ko ulit!"sabi ng kanyang ama."Tara na ama!Baka magising pa si Bunso!Atsaka ama wag ka na naman mag lasing!Gatas ni bunso ang paglaanan mo ng pera,ama naman eh!"sigaw nya sa kanyang ama,kase awang awa na sya sa kanyang ama at sa bunso nyang kapatid.
"Patawad anak hindi ko na talaga kaya eh,kaya pasensya ka na"sabi ng kanyang ama.
"Umuwi na lang tayo"sabi ni feath.At ng makarating sila sa kanilang bahay ay nagulat si Feath at ang ama nya ng makita nila ang nasa kanilang harapan,hindi nila inaasahan na narito ito ngayon kase bigla itong nawala sa bahay nila ng walang paalam at ngayon nandito na sa kanilang pamamahay kaya naman ang kanyang ama ay biglang tumakbo at hindi na nya nalalayan kase nga sa kanyang pagkabigla.Pero may napansin sya na may kasama ang kanyang ina at natulala na lang.
Hindi ito maaari!
