•Narrative•
Pagkaandar ng bus at pagkakain ko ng aking Dinner na baon ko (oo, ganoon ako katakaw), kinuha ko na sa aking bag ang plastic na naglalaman ng ibinigay sa akin ni Tenecius. Bago tingnan, kinapa-kapa ko muna ito.
Teka ano 'to, tao ba 'to? Hayop? Bagay? Charot. Malamang bagay!
Base sa aking nararamdaman (nararamdaman HAHAHA), o sige, nakakapa na lang, para itong... headphones? Wait hindi... headband?!
At dahil ayoko nang manghula nang manghula na parang contestant sa Pinoy Henyo, inilabas ko na sa supot ang bagay na nasa loob. At tama nga ako, isa itong headband na may cat ears.
Cute!
"Uy Kiya, ang ganda ng headband mo ha? Magkano bili mo? " tanong ng katabi ko na si Andre Marie—na isang girl, at kaklase ko ngayon. Isa siyang STEM student na maganda, matalino, mabait. E 'di siya na perfect! Mahaba ang hair nito, dalawa ang nagkakagusto!
"Ah... a-ahm ano, 80 pesos... yata? "
"Bakit parang 'di ka pa sigurado? " aniya sabay tawa ng mahinhin. Jusq, hindi makabasag pinggan! E ako ilang decibels ang boses ko!
Gusto ko sana sabihin na hindi naman ako ang bumili nito, e. Si Tenecius! Kaso a part of me is telling that I should keep that as a secret. O para bang gusto ko na lang na ipagkait sa iba ang impormasyon na 'yon at kaming dalawa lang ni Ten ang maaaring makaalam ng moment namin kanina. Ay, ewan!
"A-ah e... bili lang kasi ako ng bili kanina. Hindi ko na tinanong sa tindera kung magkano, nagmamadali na rin kasi, e. " sagot ko sabay kamot ng noo.
Mukhang nagtataka pa si Andre Marie sa sagot ko pero hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin na punahin. Buti naman.
Lahat halos ng nasa bus ay natutulog na dahil sa pagod. After 5 minutes, bagsak na rin itong katabi ko habang ako e... hindi inaantok at gising na gising ang diwa. Ang taas pa ng energy ko!
Nagdesisyon na lang ako na tingnan ang mga videos and photos na nakuhanan kanina. Pasimula sa museum, sa zoo, at pati ang pagkain ko ng libreng sliced bread na ibinigay sa amin kanina sa Factory ng tinapay.
Nang makarating naman ako sa mga pics sa Amusement park, hindi ko maiwasang mapangiti. Parang kahit ilang oras na ang nakalipas at nakikita ko na lang ang mga pangyayari sa screen ng cellphone ko, parang buhay na buhay pa rin ito sa akin.
Ipinlay ko ang video kanina sa Vikings Away. Sa kalagitnaan, bigla ko itong pinause at tinitigan ang itsura namin ni Tenecius. Mukha akong takot na takot dito—nakanganga at nakapikit pa dahil sa pagsigaw habang si Ten naman ay nakatingin lang sa akin at malapad ang ngiti. Feeling ko... gandang-ganda talaga siya sa akin base sa ngiti niya. Haha chos!
Bigla ko namang naramdaman na parang lumukso ang puso ko. Para akong tumatakbo ngayon sa sobrang bilis ng pagpintig nito, to the point na napahawak na ako sa dibdib ko at kinatok-katok ko pa ito. Jusq! Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Baka naman... baka hanggang ngayon kinakabahan at natatakot pa rin ako sa ride na sinakyan namin. Grabe, nakakatrauma pala 'yong Vikings Away na 'yon!
Dahil nga natuwa ako sa itsura namin ni Tenecius sa paused video na iyon, iniscreenshot ko ito.
Nang wala na akong magawa at na-view ko na ang lahat ng pics, binuksan ko naman ang data at Messenger ko para ma-send-an ko ng pics si Arrow. Iinggitin ko siya! Ha! Ha!
Pinilian ko lang ang mga pics na sinend ko. Syempre, dapat 'yong mga pinakamaganda ako para hindi naman nakakahiya sa kagwapuhan ng pagsesendan ko 'no.
Nang ma-seen na ni Arrow at nagreply siya, sabi niya gandang gandang gandang gandang ganda at tuwang-tuwa daw siya sa sinend ko. Ha sabi ko na e, ang ganda ko talaga! Ako ba naman ang tipo niya raw na babae e. Hahahaha kapal ng mukha ko tatapyasan ko nga muna.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...