Para akong mababaliw. Hindi ako makapaniwala!
Dumating ako sa bahay ng tulala at wala sa sarili.
Buong akala ko ay napakasarap magmahal. Pero binigyan nila ako ng dahilan para katakutan ang pag-ibig.
Kinapa ko ang susi sa bulsa ng bag ko. Nang matagpuan iyon ay hinugot ko saka isinuksok sa pihitan ng pinto. Itinusuk-tusok ko iyon ngunit hindi ko maipasok. Pumikit-pikit ako. Hilung-hilo na talaga ako pero kailangan kong pigilan ang antok ko.
Muli ko itong isinuksok pero bigla ko iyong nabitawan. Nanlumo ako ng hindi ko iyon makita.
Kinatok ko ang pintong iyon, umaasang pagbubuksan ako pero hindi niya ako narinig.
Nag-angat ako ng tingin sa itaas. May liwanag na nanggagaling sa kwarto niya. Siguradong nakauwi na siya ng bahay.
"Sunflowerman! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ko.
Kinalampag ko ang pinto pero hindi niya iyon binuksan.
Muli akong nag-angat ng tingin sa taas. Nanlalambot na ako sa sobrang kalasingan. Pumulot ako ng bato.
"Ayaw mong buksan ha!"
Inihagis ko ang batong iyon pero hindi man lang iyon umabot sa kwarto niya.
"Hoy! Buksan mo na kung hindi ay makakatikim ka sa akin!"
Pakiramdam ko ay lumulutang na ako.
"Humanda ka sa akin Grae Ho! Hintayin mo ako diyan!" Bulong ko.
Pagewang gewang akong naglakad papunta sa malaking puno. Tinapik-tapik ko pa iyon ng malapitan ko.
"Pareng Rico Jay, paakyat ha. Huwag mo akong ilalaglag." Bulong ko sa punong iyon.
Sumampa ako sa mga sanga nito. Hindi ko alam kung papaano akong kakapit. Gumigewang na din ang paningin ko. Bababa na sana ako ng bigla akong malula. Hinigpitan ko ang kapit ko. Siguradong mababalian ako kapag nahulog ako sa punong ito. Pinagpatuloy ko ang pag-akyat.
Konti na lang!
Tumalon ako ng marating ko ang pasilyo ng kwarto niya. Gusto kong magtatalon sa tuwa.
Ang galing ko talaga!
Pagewang-gewang akong naglakad palapit sa salaming pinto. Itinulak ko iyon. Napangiti ako ng bumukas iyon ng walang kahirap-hirap. Dahan-dahan akong naglakad sa kwarto niya. Liwanag ng lampshade na nasa ibabaw ng maliit na mesa ang tanglaw sa paligid.
Napabaling ako sa kama. Pakiramdam ko ay nananaginip na ako.
Gustung-gusto ko ng matulog.
Gumapang ako sa malambot na kamang iyon. Hinapit ko pa ng yakap ang malaking unan na nandoon bago ako iwanan ng gunita.
🌻🌻🌻
Grae's POV
Pagmulat ko ng mga mata ay mukha niya na kaagad ang nakita ko. Strange things happening to me lately. Bigla ko na lang siyang nakikita kung saan-saan.
Napangiti ako, nasa harap ko siya at mahimbing na natutulog. Halos magdikit ang aming mukha. Pero narealize kong hindi dapat siya ang nakikita ko ngayon kundi si Donna. Si Donna lang.
Muli akong pumikit. Inalala ko kung gaano ako kaswerte sa girlfriend ko. Napakasaya ko dahil okay na kami ulit. Siguro ay panahon na din para magseryoso ako. Sa buhay at sa kanya.
Dahan-dahan akong nagmulat. Si Gummybear pa din ang nakikita ko.
Mariin akong pumikit. Inisip ko si Donna. Ang maganda niyang mukha.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
عاطفيةIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...