Kabanata II

3 0 0
                                    

Kabanata II

⚜⚜⚜

Napaatras ako ng maramdaman ulit ang pagwawala ng aking puso at ang panlalambot ng mga tuhod. Mabuti na lamang at nasa likuran ko si Caper kung kaya hindi ako nabuwal sa aking pagkakatayo.

Ang gwapong mukha ng aking kaharap ay nagsusungit na naman. Hindi ko tuloy alam kung ano nga ba ang gusto kong makita, ang mukha niyang nakangiti o itong nagsusungit.

" Ides, huwag mo namang takutin si Maika ng ganyan," si Caper na nanatili sa aking likuran.

Nakita ko ang pangungunot ng noo nito ng bumaling kay Caper. Tila naguguluhan sa kung anong sinasabi nang kanyang pinsan.

" I don't know what you're talking about. I'm not scaring her. Ang tagal niyo kasing pumasok. I told mom that the girl from the neighborhood is here..." Paliwag nito na pinutol niya at itinuloy ng bumaling sa akin. " And she's waiting for you."

Muli ay tinalikuran niya kaming dalawa at nauna sa paglalakad. Parang may kung anong ibinagsak sa akin. ' The girl from the neighborhood', iyan ang palaging tawag niya sa akin. Ni kahit kailan ay hindi niya ako tinawag sa aking pangalan kahit na alam naman nito.

" He's really rude. Hindi ko nga alam kung bakit naging pinsan ko iyan at kung paano kami naging close," komento nitong si Caper habang naiiling.

Nang makarating kami sa living room nila ay nadatnan naming naroon si Tita Anastasia at ang asawa nitong si Tito Gernan- ang mga magulang ni Ides. Lumapit kami ni Caper sa kinaroroonan nila. Nagtaas ng tingin si Tita Anastasia at ng makita kaming papalapit ay agaran siyang tumayo.

" Maika, Iha," nakangiti niyang sambit sa akin ng makita ako.

" Good afternoon po, Tita," magalang na bati ko sa may- bahay. Mahigpit kong hinawakan ang nakapulupot sa aking tuwalya ng niyakap ako ni Tita Anastasia. Humiwalay siya sa pagkakayakap at sinuri ako.

" You're soaking wet, Maika. Naligo ka ulit sa ulan." Hindi iyon tanong, sa tinagal- tagal na ng panahong nakilala ako ng nanay ni Ides ay alam na nito ang hilig ko sa pagligo sa ulan.

Hilaw akong napangiti. " Opo. Unang ulan po kasi ng Mayo..." nahihiya kong paliwanag.

" Oh, I see. Mabuti na lang at naririto ka. I brought you clothes from our trip," nakangiti nitong sambit habang kinukuha ang paperbag na nasa ibabaw ng babasagin na center table. " Change your clothes at baka magkasakit ka pa niyan."

Nahihiya man ay kinuha ko na rin ang pasalubong na ibinibigay niya sa akin. Mabait si Tita Anastasia, kita naman siguro sa kung papaano niya ako ituring, hindi lang sa akin pati na rin sa aking pamilya, at sa lahat nang tao. Kilala rin siyang matulungin. Actually, she founded a charitable organization na tumutulong sa mga bata at matatandang may sakit sa puso. May halos limang taon na rin ata ang charity'ng iyon at talaga namang marami na ang natulungan.

Tinawag ni Tita Anastasia ang kanilang kasambahay. Galing sa kusina ay lumabas ang isang babaeng may katandaan na. Kilala ko ang matandang ito-- si Nanay Sella. Ang pinakamatagal na kasambahay na naninilbihan sa kanilang pamilya. Sa tuwing nakikita ko si Nanay Sella, naalala ko ang aking lola na yumaon na. Mabait rin ito at napaka maalaga.

" Bakit po, Ma'am?" tanong nito ng makarating sa aming kinaroroonan.

" Nay Sella, maaari po bang pakisamahan itong si Maika patungo sa banyo? Basang- basa ho kasi. Baka sipunin pa kapag hindi nakapagpalit."

" Maraming salamat po, Tita Anastasia," pagpapasalamat ko.

Bumaling siya sa akin at sinuklian ako ng matamis na ngiti. " Your welcome, Maika. Para na rin kitang anak," aniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Rainy Day in AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon