Prologue
"Gal, maghiwalay na tayo, mabait ka naman sana kaso dahil sa kabaitan mo, natatakot ako."sabi saakin ni Sophie habang bakas sa mukha niya ang pagka seryoso sa lahat ng mga salitang binibitawan niya.
"Bakit ka naman matatakot Sophie, bakit?"tanong ko sakanya habang nangingiyak-ngiyak dahil na rin sa pagkabigla, di ko naman kasi talaga naiintindihan, tsaka bakit naman siya matatakot sa kabaitan ko? At ito pa isipin niyo, ano bang nakakatakot sa isang taong mabait?
"Gal, alam kong mabait kaya maraming babae ang nagkaka gusto sayo idagdag pa natin ang kagwapohan mo, natatakot lang talaga ako na baka isang araw dahil napakaraming babae ang umaaligid aligid sayo ay ipagpalit mo ako."sabi niya saakin na mas lalong nakapag pagulo ng isipan ko.
"S-sophie mahal kita, alam mo naman diba yun? Di kita ipagpapalit kailanman, isipin mo naman ang napakaraming taon na naging tayo, simula high school pa lang, tayo na, huw-"bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad naman siyang nagsalita.
"Gal, enough maghiwalay na lang tayo, alam kong isa kang ideal na lalaki na kahit sino mang babae ay magkakandarapa sayo pero wala, di ko kayang isipin na baka isang araw bigla ka na lang mawala sa piling ko,kaya habang maaga pa taposin na natin ito."sabi niya na habang nakita ko na nagbago na ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Makalipas ang ilang sandali ikinagulat ko ng gumuhit sa kanyang mukha ang isang ngiting nakakaloko.
"Sophie bakit ka nakangiti?"tanong ko sakanya habang naguguluhan na ako kung ano ba ang nang yayari, seryoso kasi ang usapan namin kaya masyado akong naguluhan ng makita ko ang isang mukhang di ko pa nakikita mula sakanya.
"Gal, magising ka nga, hindi ba halata?"sabi niya saakin na dahilan para isipin ko kung ano ba ang nangyayari at ano ba ang di halata?
"Ano ang di halata?"tanong ko sakanya kahit pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hininga at napaka tuyo na ng lalamunan ko.
Kahit nasa kalagayan pa rin ako na ganto naisip ko na lang na "Sophie, you got me this time, this is a prank right? Imposible naman na iwanan mo ako diba?"sabi ko sakanya habang binibigyan ko siya ng isang pilit na ngiti at pinakikiramdaman siya.
"Omg Gal, your so stupid!"nasaktan ako ng bigla niya iyon sabihin saakin at ito rin ang naging dahilan para ma realize ko na seryoso siya sa sinasabi niya.
Habang naghihintay ako sa susunod niyang sasabihin ramdam ko ang mga pawis na tumutulo mula sa aking kabilang pisngi, di ko na rin mapigilan na kabahan sa kung ano pa ang susunod niyang sasabihin.
"Hindi mo ba alam?Gal this is my sweet revenge sa lahat ng mga ginawa ng magulang mo saamin, O diba ang galing ko nagawa kong paikotin at saktan ang isang Gal Neill A. Salcedo na isang campus heartthrob, gwapo, mayaman at higit sa lahat isang Salcedo."sabi niya saakin habang tumatawa.
"Ano ba ang sinasabi mo?"tanong ko naman sakanya habang nangingilid na ang mga luha sa magkabilang gilid ng aking mga mata.
"Sadyang may mga bagay lang talaga Gal na mahirap intindihin, basta ang importante nasaktan ka ng dahil saakin." nakaramdam ako ng kirot at confusion ng marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin, hindi na ako makapag isip ng matino ngunit naisip ok na ang magulang ko naman ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa saakin, kaya dapat sa magulang ko siya magalit at hindi saakin.
"Sophie, diba sa magulang ko naman ikaw galit kaya labas na ako doon, kung gusto mo tulungan kitang kausapin sila at makipag ayos sainyo? But please, please lang huwag mo naman ako iwan, kaya kung kalimutan ang lahat ng mga sinabi mo saakin para maging maayos lang ang pagsasama natin."binigyan ko siya ng pilit gn ngiti habang sinasabi ko iyon sakanya pero hindi pa rin siya natitinag nababakas pa rin s mukha niya ang walang kagustuhan na bawiin ang lahat ng mga sinabi niya kaya sa oras na iyon naging disperado na ako, binabaan ko na ng pride ko at lumuhod na ako sa harap niya.
"Sorry Gal but all of it is just part of my revenge."ipinatong niya ang paa niya sa ulo ko habang naka luhod at nakayuko ako sa harap niya na ikinagulat ko naman. Habang inaapakan niya ako ang pakiramdam ko ay unti unti na niya rin akong pinapatay, hindi ko maisip na ang Sophie na kilala ko, na mahal ko ay gagawin ang ganitong bagay saakin.
Noong oras na iyon hindi na ako nakapag salita at makalipas ang ilang segundo ay inalis na niya ang pagkakaapak ng paa niya sa ulo ko. Agad ko naman inaangat pataas ang ulo ko para makita ang mukha niya ngunit bago ko pa man makita ng lubusan ang mukha niya narinig ko na lang na sinabi niya ang mga katagang
"Bye my love, bye Gal Neill A. Salcedo."
Habang papaalis na si Sophie sa lugar kung saan kami nag-usap, patuloy ko pa rin naririnig ang mga salitang huli niyang sinabi sa isip ko. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay tuluyan nang tumulo ang lahat ng mga luha sa aking mga mata at naramdaman ko ang sakit ng lahat ng mga sinabi at ginawa niya saakin.
~~~~~~~~~~~~~
A/N: Thank you guyssssss sa pagbabasa!!!!! Please vote my story and comment, your comment will be deeply, deeply, deeply appreciated!!! Tumatanggap po ako ng mga harsh o violent reaction sa mga hindi o mali sa story, kasi naniniwala ako na knowing our mistake will help us make a better version of ourselves in the near future. Aahaaaha THANK YOU PO ULIT SA PAGBABASA!
Thank you po pala!!!!
Cover Made By: flaneur-
BINABASA MO ANG
Taming The Girl Who Broke My Heart [On Hold]
Teen FictionAko nga pala si Gal Neill A. Salcedo, isa akong lalaking niloko, pinaikot-ikot at sinaktan ng babaeng pinakama mahal ko. Halos ilang taon na kaming dalawa ni Sophie. Simula noong high school, kaming dalawa na pero ang di ko lang alam lahat lang pala...