Ano kaya kung ang matagal mo ng crush, meron nang girlfriend? At ang girlfriend niya ay ang bestfriend mo! Will you still be able to hold unto your feelings? or will you set him free to make your best friend happy?
Hi! I'm Yuni Cheon, isang simpleng babae, na may simpleng pamilya na may complicated na buhay. Ewan ko kung anong nangyayari sa buhay ko. Matanong nga kita, Do you believe in MAGIC? Do you believe in CHANCES? Do you believe in. . . DESTINY?
=♥·♥·♥·♥=
Yuni's POV
"Argh! ang manhid mo, nakakabwisit ka!" sigaw ko, kasi nabwibwisit na talaga ako eh. I tried to give him clues that show how I love him.
Pero wala talaga siyang nararamdaman para sakin. He's such an ignorant!! parang gusto kong. . . "SUMIGAA-"
"Ano bang problema mo!? nakikita mo namang may natutulog diba!" sigaw ni Zelo, ang manhid na lalake na matagal ko nang gusto.
"Eh ikaw! anong problema mo sa pinagdadaanan ko! bumalik ka na nga sa pinangalingan mo!" sigaw ko ulit.
Haay konting-konti nalang talaga mawawala na ako sa sarili. Pero kahit na ignorant at manhid siya, gusto ko parin siya. Gusto ko parin na magbigay ng hints para malaman niya na gusto ko siya.
It's really sad to say na hindi ko na magagawa yun. . . dahil. . .meron na siyang girlfriend, at sa dinamidami ng babae sa mundo ang bestfriend ko pang si Victoria Lee ang naging girlfriend niya! Iisipin kasi ng iba na malandi ako kung itutuloy ko pa yun.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, should I still hold unto my feelings? or should I set him free to make my bestfriend happy?
Stars really give me hope, sometimes I make a wish, sometimes I just stare at their stunning beauty which really inspires me a lot. Kahit na sinasabi ng iba na nababaliw na daw ako, tinutuloy ko parin yung ginagawa ko. Stars, sana tulungan niyo ako sa complicated kong buhay.
Hindi lang naman si Zelo ang lalaking pwede kong magustuhan diba? Malay mo may magustuhan ako na may gusto rin sakin.
=♥·♥·♥·♥=
Zelo's POV
Nakakabadtrip talaga yung babaeng yan. Biruin mo!? alam na nga niyang may mga taong natutulog, sisigaw parin siya.
Pero ba't ganun? Parang naisip ko lang na sigawan rin siya para lang makita ang dmaganda niyang mukha, marinig ang malaanghel na boses niya at para makausap siya.
Hay naku Zelo ano bang sinasabi mo! May taong nagmamahal at nagpapasaya na sayo diba, bat ka pa maghahanap ng iba.
Anong namang klaseng buhay to! Naging girlfriend ko ang taong hindi ko naman gusto, I only took her for granted. Kasi yun ang gusto nang parents ko.
Kung hindi ko kasi magiging girlfriend si Victoria, walang magiging back-up na pera kung sakaling malulugi ang SNC Corporation, ang kompanya nila mommy at daddy.
Ginawa ko lang to dahil gusto kong maging masaya ang mga magulang ko.
I don't love VICTORIA!!! I love Victoria's bestfriend!
Pagadating naman sa school, sinasabi ni Yuni na hindi raw matatawag na DESTINY ang araw-araw na nangyayari sa amin, sinasabi niya na nagkataon lang daw, nagkataon ba yung pareho kami ng school, pareho ng year level, pareho ng section, seatmates at kung may group activity lagi kaming magkagroup.
Sa tingin mo nagkataon lang ba talaga yun?
Pero kung ako yung tatanungin mo hindi lang basta nagkataon lang, sa tigin ko destiny na talaga yun, kasi kung hindi talaga kami MTB (meant to be), hindi kami paglalapitin ng mundo.

BINABASA MO ANG
In Love With My Bestfriend's Boyfriend
Teen FictionAno kaya kung ang matagal mo ng crush, meron nang girlfriend? At ang girlfriend niya ay ang bestfriend mo! Will you still be able to hold unto your feelings? or will you set him free to make your best friend happy? Hi! I'm Yuni Cheon, isang simpleng...