Pagkauwi ko, nasa isip ko parin yung nangyari samin ni Eugene. Nakakain na ako't lahat, iyon parin ang nasa isip ko. Hanggang sa pagligo ko, iniisip ko parin iyon. Hinahawak-hawakan ko pa nga yung part ng balikat ko kung saan hinalikan ni Eugene eh. At feel na feel ko pa talaga yung halik na iyon, in fairness. Magdamag akong hindi nakatulog, kakahintay na baka magtext siya sakin. At para libangin ang sarili ko, nag-facebook ako't hinanap kung may fb acct ba siya. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras na tignan kung may fb ba siya, dahil naging abala ako sa training namin. so ayun, tinype ko na ang name niya.
Laking gulat ko, dahil may fb pala siya. At ang masakit pa dun, may kasama siyang girl sa profile picture niya. Binuksan ko parin ang profile niya kahit masakit sakin ang nakita ko. Malay ko ba, baka kapatid niya yon or something. Pero tama nga ang hinala ko, girlfriend niya iyon. Okay lang naman ang peg ni girl. Hindi sobrang ganda, pero hindi rin naman panget. Simple lang naman yung itsura ng girlfriend niya. Syempre, at dahil gusto kong maging updated sa buhya niya, inadd ko siya as a friend sa fb. Let's just see if icconfirm ba niya ang request ko.
Masakit man sakin ang nakita ko na yon, kailangan kong tanggapin na may mahal siyang iba. Kaya pala nasabi niya ang mga linyang 'As much as I want to, but I can't', eh dahil may girlfriend na pala siya. Pero does it mean na may gusto na rin siya sakin? Kaso pinigilan lang niya ang nararamdaman niya, dahil may girlfriend na siya? Hhhhmmm.
Anyway, dumating na ang 2nd phase of training namin with a new trainer, of course. Sa ibang building na rin kami nag ttraining dahil, dun mismo kami magwwork after training. Bale yung bagong trainer namin, cutie siya pero bakla naman so hindi talaga kami magiging talo. Haha! Well, hindi ko na ieellaborate yung buong training namin, kasi wala namang Eugene na involve eh. So basically, naipasa ko naman ang 2nd phase ng training namin, pati na rin yung 3rd phase. At sa 20 days of training na iyon, hindi na talaga nagparamdam sakin si Eugene at hindi rin niya inaccept ang request ko sa facebook. Kung baga, The guy that got away na talaga ang drama niya. Kaya hindi na ako umasa at nag-move on nalang sa buhay. Sabi na nga ba eh, hindi talaga totoo ang fairytales at happy endings. :( Well, life goes on. And I should be thankful na pasado ako sa trainings ko, at I'm ready to face the real world na talaga of being a call center advisor. Siguro if heaven permits, pupuntahan ko ulit siya one day at ipapakita ko sa kanya kung gaano ako naging successful. At isa siya sa mga dahilan ng pagiging successful ko. Pero bago dumating ang oras na iyon, syempre dapat ayusin ko muna sarili ko diba? Kaya nagsimula akong mag gym at mag-diet at after 3 months palang, kitang kita na agad ang result ng aking pagpayat. And I truly love it!!! :)
BINABASA MO ANG
The Guy That Got Away
RomantikItago nalang natin ang mga bida sa pangalang Jen at Eugene. Hindi sila tauhan sa Ghost Fighter at lalong hindi ito tungkol sa lalaking naglahong parang bula dahil nabuntis nya si girl. Hindi iyon ang ibig sabihin ng "The Guy That Got Away" sa story...