Isang gabi sa isang barangay sa Lagro, Nabulaho ang gabi ng isang malakas na sigaw galing sa bahay ni
aling upeng, isang parlorista, dali-daling pinuntahan ni manang flor ang kanyang kaibigan at katabingbahay
lang din, si manang flor ay nag mamay ari ng isang sari-sari store na katabi lang ng parlor ni aling upeng.
Patarantang kumatok si manang flor, habang dinig sa labas ang mga hiyaw ni aling upeng, di na nakatiis
at buong pwersang itinulak ni manang flor ang pintuan sa kagustuhang sumaklolo sa kaibigang
naghuhumiyaw.
Sa pag bukas ng pinto, nabigla sya sa kanyang nakita, si aling upeng ay namimilipit na nakahandusay sa
sahig, dali-daling lumapit si manang flor upang sumaklolo sa kaibigan. tinanong kung anong nangyayari
sa kanya, at sumagot si aling upeng na halos habol ang hininga, at sinabing sukdulan ang sakit ng
kanyang tiyan, dahil dito tarantang kumuha ng unan at mainit na tupig sa "thermos" si manang flor para
mapagaan ang pakiramdan ng kanyang kaibigang si aling upeng. Napansin nyang may eficacent oil sa
"dresser" ni aling upeng at kinuha ito para pahiran ang sikmura, tiyan at puson ng namimilipit na kaibigan,
sa paulit -ulit na paghagod tila naaampat ang sakit sa tiyan ni aling upeng at itoy nakatulog.
Kinaumagahan bago mag bukas ng parlor si aling upeng ay sumaglit ito sa tindahan ng kaibigan, habang
naabutan nya itong naghahanda ng almusal, nagpiprito si manang flor ng tuyo pa mares sa niluto nyang
champorado. Pagkakita kay aling upeng, natuwa ito at kinamusta kung ano nang pakiramdam nito,
nagpasalamat si aling upeng kay manang flor sa pag asikasong ginawa nito nung nanakit ang kanyang
tiyan, at sinabing maayos na ang kanyang lagay, at masaya nilang pinagsaluhan ang almusal.
kinagabihan, habang winawalis ni aling upeng ang mga buhok na pinagupitan ng kanyang mga kostumer,
napayukod ito, at nararamdaman na namang pahilab sa sakit ang kanyang tiyan. Pinilit nyang dumungaw
sa kanyang bintana at tawagin si manang flor na katabi lang ng tindahan nito ang kanyang parlor. Nadinig
ito ni manang flor at mabilis na tinungo ang kanyang parlor. Ipinaalam nya sa kaibigan ang pag sumpong
ng pananakit ng kanyang tiyan, Di maiwasang di mag alala ni manang flor para sa kaibigan kaya
iminungkahing magpatingin sila sa isang "faith healer" na kilala at sikat sa Fairview.
Alas otcho ng gabi nang maratinng nila ang bahay ng 'faith healer' sa fairview, pinahiga sya sa isang
papag at nilislis ang kanyang 'blouse' hanggang sikmura. diniin, tinapik, hinagod at habang sinasambit
ang orasyon. Maya-maya pa'y kinausap sya ng 'faith healer' at sinaaad sa kanya ang sanhi ng labis na
pananakit ng kanyang tiyan. Sya raw ay hinahawa ng pag ka aswang, at puno raw ng laway ng aswang
ang kanyang sikmura. Kinilabutan ang magkaibigan sa narinig, at di napigilang yumakap ni manang flor sa
kanyang kaibigang si aling upeng, upang pakalmahin ito. Nung umpisa parang ang hirap paniwalaan ang
mga bagay na sinabi ng 'faith healer' sa kanya, kinalaunan nakumbinsi rin si aling upeng na sundin ang
mga bilin nito, para kontrahin ang pang aaswang sa kanya. sabi nga, wala namang mawawala kung
BINABASA MO ANG
laway ng aswang
HorrorMarami na kayong nabasang kwento, tungkol sa aswang, pero ang kaibahan ng istoryang ito ay base ito sa mga totoong pangyayari.....