True Love Waits

121 2 0
                                    

Tick..tock..tick..tock...

Tunog ng isang orasan  na nagbabatid ng paggalw ng minuto,segundo,oras at paglipas ng araw.Mabilis ang pagppalit ng petsa,buwan at taon.Sa sobrang bilis iniisip mo na napag-iiwanan ka na ng panahon.Sa  mga araw,buwan at taong nagdaan labis kang nanghinyang.At sa panghihinayang mo ay naisip mong wala ng pag-asa na makahanap ng taong magmamahal sayo.Nawalan ka na din ng tiwala at kumpiyansang may darating para sayo.

may mga nangyayari sa buhay na sa una ay mahirap unawain o intindihin,kaya't kailangan ng malawak na pag-iisip,malinis na puso at higit sa lahat may mabuting hangarin.Hindi lahat nadadaan sa suyo,lambing at awa.Dapat may paninindigan sa salita at sa gawa.May mga pangakong hindi mapapako.Walng bahid ng kasinungalingan,panloloko at alinlangan.

Sa mga nangyayari sa iyo hindi mo alam kung anong gaagwin mo.Labis kang naguguluhan dahil sa tagal mo ng naghihintay ni isa wala pang dumarating.At ika'y naapektuhan sa mga tukso ng taong nasa paligid mo.

Usaping pag-ibig ba kamo?

Ako ang tanungin mo at mas maganda kung basahin mo ang blog na ito...

May mga bagay talagang naiisip natin na komplikado.Mahirap alamin at ipaliwanag.mga nararamdaman na walang kasiguraduhan pero hindi iyan ang dapat na maging sukatan.Ang mas maganda buksan ang iyong isipan at pakinggan ang binubulong ng iyong puso.

Ikaw ba ay natatagalan na sa paghihintay sa taong magmamahal sayo?Naiinip sa pagbabantay sa labas ng pintuan?hindi mo kailangan gawin yan,ang mabuti pa ay mag-isip ng positibo.Hindi mo naman kailngan madaliin ang pagkakaroon ng kasintahan o mas masarap pakinggan kung "partner in life".Hayaan mong dumating ito sa tamang oras,tamang lugar at tamang panahon.Lahat tayo ay may sariling karanasan pagdating sa usaping pag-ibig pero gusto kong malaman ninyo na lahat tayo ay mayroong taong nilaan para sa atin,hindi natin alam kung kailan sila darating sa buhay natin at magbibigay kulay nito.Ang lagi lang tandaan matuto tayong maghintay.Dahil may mga bagay na kagaya nito na hindi dinadaan sa mabilisan.Matuto tayong maghintay dahil lahat ay nasa mabuting kamay.Kung si GOD ang magiging tagapangalaga ng puso mo,hindi ka magsisisi kapag may isang espesyal na tao na inilaan para sa'yo.Dahil para sa Kanya lahat atyo ay dumaraan sa isang proseso,kung saan masusubok kung karapat-dapat talaga tayo.Hindi kailangang gumawa ng paraan para mapabilis ang mag bagay kundi matuto tayong maghintay.

It takes time ika nga..Hindi yan dapat madaliin..Matuto din na magtiwala sa Kanya.Lahat ay may rason at purpose kung bakit ito nangyayari sa buhay mo.Hindi dahil hindi ka N'ya mahal kaya hanggang ngayon zero pa din ang lovelife mo.Kundi hindi pa ito ang tamang oras para sa usaping pag-ibig.

Tiwala ang kailangan at ang pasensya sa paghihintay.hayaan mong si GOD ang pumili ng tamang taong magmamahal sa'yo.

Habang wala pang taong para talaga sa'yo,mas maganda kung i-enjoy mo muna ang buhay single.If you're still single right now,hayaan mo ang pamilya mo,kaibigan at mahal sa buhay at higit sa lahat si GOD na nagmamahal sa iyo.

Ngayong araw ng mga puso,single ka man o hindi..Let's share hugs..Let's share laughs..And share LOVE...

Happy Valentine's Day!GOD bless!

-PrinceMART 

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon