Tuwing sasapit ang ganitong panahon, hindi mawawala ang salitang regalo o pamasako. December is the month of giving and forgiving. Dito sa buwan na ito, makikita din ang iba't ibang anyo ng kapaskuhan lalao na sa larangan ng pagbibigayan.Ano nga ba ang meron sa pasko?Yan ang ilang katanungan ng iba, isa sa nakaugalian na ng mga Pinoy ang pagbibigayan tuwing sasapit ang kapaskuhan.Lahat siguro tayo ay pamilyar sa salitang "Wishlist". Ito ay ang gusto nating matanggap mula sa isang tao. Lahat tayo ay may iba't ibang pangangailangan o gustong hilingin para sa ating sarili. Ikaw ano ba ang Wishlist mo?Ngayong Pasko,may iba't iba tayong hilig at gusto.Yung iba gusto ng gadgets o yung iba pera na lang.
Marami tayong gusto na minsan iniisip natin impossibleng mangyari. May kilala tayong popular sa larangan ng pagbibigay ng regalo, bukambibig it ng mga bata na mahilig sa laruan o damit. Siya si Santa Claus, tuwing pasko lang daw siya makikita hila ng mga usa,ang kailangan lang ay medyas na nakasabit sa iyong pintuan.HOHOHO!Sambit ni Santa.Senyales na siya'y nandiyan na.Sino nga ba si Santa?Totoo kaya siya?Noong bata pa tayo, yun yung tanong natin tuwing sasapit ang Pasko, kung totoo nga ba siya.Siguro sa edad natin ngayon, hindi na tayo masyadong makaSanta.
Ngayong Pasko, hindi naman ito tungkol sa regalo o anumang materyal na bagay, hindi rin ito tungkol sa pagkain na nais mong ihain sa hapagkainan o lalo na sa iyong sarili dahil isa lang ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang araw na ito.
Si HESUS. Ang Kapanganakan ng isang tao na nagligtas sa sanlibutan.
Babalikan ko yung tanong kanina,Sino nga ba si Santa?
Marahil ang mga sagot ninyo ay ito...
Una, ang ating magulang o pamilya na laging nandiyan para suportahan tayo at alagaan tayo.
Pangalawa, ang kaibigan na nandiyan kapag kailangan natin ng maiiyakan o malalapitan pag tayo'y malungkot o may problema.
Pangatlo, ang ating karelasyon na nagsisilbing inspirasyon at kaagapay sa buhay.
Pero naisip ninyo ba na may mas higit pa...
Dahil hindi mo na siya kailangang humiling pa dahil alam Niya ang pangangailangan ng bawat isa, hindi mo na rin kailangan gumamit ng cellphone at magload para tawagin Sya.hindi mo na din kailangan humanap ng signal para makausap Sya.At higit sa lahat sa labis na pagmamahal Nya hindi ka Nya kayang tiisin kaya gumagamit siya ng instrumento para masolusyunan ang iyong dalahin.Maari mo din Syang maging inspirasyon para patuloy na lumaban sa buhay...
Hindi mo naman kailangan ng materyal na bagay.Hindi mo din kailangan mamrublema sa pagkain an inyong pagsasalu-saluhan,dahil kapag may HESUS ka sa buhay mo sarap ng buhay.Dagdagan pa ng mapagmahal at maaruga mo na Pamilya at tunay na Kaibigan at kaagapay sa buhay...
Ikaw, nahanap at nakilala mo na ba ang SECRET SANTA mo?
I will end up on this line,
"It doesn't matter if it's wrapped or not, but the most important is...it comes from the HEART."
-MART
Feliz Navidad!Merry Christmas!Maligayang Pasko!
May the LORD bless you more..!
-PrinceMART
BINABASA MO ANG
Secret Santa
RandomWho's the Real Santa? Do you want to know who? Read.Comment.Like.