KABANATA X - ARRANGE MARRIAGE

1K 55 32
                                    

  HAPPY READING !





****







MABILIS nilang narating ang bahay nang walang imikan.  Habang nasa biyahe sila kanina at sobrang tahimik lang nila. Hindi kaya ay napansin ni Donny ang nararamdaman niya kay Tony ?




Ikiniling niya ang ulo. Tiningnan niya ang lalaki na seryosong nakatingin sa daan. Tss! Sa hitsura nito ay wala siyang nakikita na may alam ito. Ibinalik niya ang paningin sa labas ng bintana.






Nang makalabas na siya sa kotse nito ay iniisip niya pa din ang sinabi ni Tony kay Zarah. Na kaibigan lang sila.








Eh, ano naman kung kaibigan lang ang pagpapakilala ni Tony sa akin sa Zarah na iyon ? Eh, totoo naman talaga an magkaibigan lang sila diba ?






Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kung ano-ano nalang ang iniisip niya. Ngumiti siya ng mapakla. Tss! As if naman, magiging kanya si Tony.












Naputol ang pag iisip niya ng hawakan ni Donny ang mga balikat niya. Napatingin siya dito. Nang malaman na nasa loob na pala siya ng bahay ng mga Pangilinan ay doon na siya bumalik sa katinuan.







"Maupo ka muna, ipagluluto kita ng dinner. Halatang gutom ka na yata." ngumiti ito sa kanya. Sasagot pa sana siya pero umalis na ito papuntang kusina.








She exhale deeply and look at the clouds outside the window na nasa harapan niya. "Ano na kayang ginagawa nila ?"





"Sinong 'nila' ?" tanong ni Donny na nagpabalik sa kanya sa katinuan.




"Ahh .. eh .."





"Si Tony ba at iyong babaeng kasama niya ?" ngumiti ito ng mapakla. "Am I too late, ha, Kisses ?"





"Anong ibig mong sabihin, Donny ?"






He just smile bitterly and said, "Just kidding."







Itinaas niya ang ulo para makita ang binata. His eyes was so serious and it make her uneasy. Naninibago talaga siya kay Donny.





"May nangyari ba sa France na hindi mo sinasabi ?" kunot noong tanong niya. "You're different, Donny."







  "Wala namang nangyari." Ngumiti ito at dinala sa kanya ang hinandang pagkain nito. "Why ? Mas lalo ba akong gumwapo ?"









Napangiti siya. "Gwapo your face. Kahit kailan hindi ka naging gwapo sa paningin ko, Donny. Nanibago lang talaga ako sayo, parang nag iba ka simula ng umuwi ka galing Pransya."






"Im still the Donny you knew, Kisses. Walang nagbago, may mga bagay lang talaga akong na realize dahil sa paglayo ko."







"Hmmmm ... mabuti naman kung ganoon." tiningnan niya ang hawak nitong pagkain. "Ikaw ba ang nagluto niyan ? Bat ang bilis yata ?"













"Isa sa natutunan ko sa France ay kung paano magluto ng mabilisan. Bawat segundo ay napaka importante sa akin, hindi pwedeng wala akong magawa sa bawat oras." sagot nito at nagsimula ng kumain. "Mabuti nalang at mabilis akong natuto. Salamat sa inspirasyon ko."





"Ahh, si Liza ? By the way, kamusta na pala siya ? Nag ko-communicate pa ba kayo ?"





"Honestly, I don't care about her anymore. Pagka sakay ko ng eroplano ay bigla akong nagsisi. Nagpa dalos-dalos ako sa mga desisyon ko which affect me so much." seryoso itong tumingin sa kanya. "Ikaw ang naging inspirasyon ko kisses, hindi si Liza."





MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon