[6]

961 17 5
                                    

Chapter 6

I've never really felt like this before, yung bang parang nasa cloud 9 ka? I feel so happy, maybe because I know that somebody out there can love me. Me, of all people me! 

Sympre when Daniel asked me to stay by his side, I promised him that I will. Sobrang kinilig ako sa kanya alam niyo yun? Iba talaga pag may nagco-confess sayo although first time ko palang yun kung hindi natin isasama yung kay Khalil (remember first day ko? sabi niya crush niya si leila.). 

One month na din simula nung sinabi niya yun at masaya kami ni Daniel, mas naging open ako sa kanya, at ganun din naman siya pero I still think that he's mysterious. Pero laging sweet si Daniel sa akin, hindi ko na nga dinadala ang kotse ko kasi siya yung laging sumusundo at humahatid sa akin pauwi. 

Sa one month na din yun naging mas close ako ay Khalil, lagi kaming nagkukulitan, alam niyo minsan iniisip ko na those three people they bring out the best in me, nag-iba ako, I was no longer the prim and proper Leila, I was the carefree Kath, naging masiyahin ako. 

Siguro eto ang gusto ni mommy all along, yung paglabas ko sa shell ko. To be the person I want to be, to be free from everything. 

Nagpunta muna ako sa rooftop dahil si Daniel busy siya with football and si Khalil naman sa band niya, malapit na din kasi ang upcoming foundation day ng St John at almost lahat ng students busy with stuffs ako naman dahil bago ako at walang orgs walang ginagawa. 

Si Enrique he's the SC President so malamang busy siya. Pero mas naging cold si Enrique at mas lagi na kaming nagtatalo, well small things ang pinagtatalunan namin pero he's more different para bang mas naging ewan serious and cold? Nakakatakot talaga siya but sometimes I worry about him. Hindi talaga kasi siya palangiti.

Boogsh... 

Nagulat ako kasi may narinig ako sa likod ko ng para bang may something, pumunta ako dun sa may likod ng pader at I saw Enrique, sinusuntok niya yung pader kawawang pader.

"Unfair naman yan." sabi ko at nagulat siya sa presence ko. Lumapit ako sa kanya "Unfair kasi ikaw lang yung sumusuntok pero ikaw parin yung nasasaktan." sabi ko at kinuha ko yung right hand niyang may dugo na. 

"Tss." 

Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung kamay niya, malambot ang kamay niya sympre mayaman eh. Binalot ko sa kamay niya yung panyo ko para hindi mainfect yung sugat. 

"Ayan. Punta tayo sa clinic para malagyan ng disinfectant." Pag-aaya ko sa kanya. 

Umupo lang siya, sumandal sa pader at pumikit "I'm tired." sabi niya "Pagod na ako sa mga expectations nila sa akin." 

Umupo nalang din ako "Alam mo naranasan ko na yan, dahil ang taas ng expectations nila sayo you want everything to be smooth and perfect. Nakakapagod at minsan nakakalungkot kasi dahil ginagawa mo ang lahat wala ng natitirang oras para sa sarili mo." 

Ganun din naman ako eh dati. I know Enrique and I have so many similarities. They expect too highly of us dahil anak kaming ng mga mayayaman dapat laging perfect pero minsan napakahirap. 

"Thank you Kathryn." sabi niya

"Alam mo Enrique sometimes you need to get out of your bubble to be happy kung napapagod ka na have time for yourself don't take it out on the poor walls and you're only hurting yourself more." I smiled at him. 

Tumayo na ako "Tara let's go to the clinic." Pag-aaya ko ulit sa kanya "Tas let's go eat an ice cream on our way to our class." I smiled again. 

Sometimes little things can make things a bit lighter. 

Tumayo na siya at naglakad na din kami, pumunta muna kami sa clinic para sa sugat niya, nilagyan ko ito ng bandage at bumili kami ng ice cream sa cafeteria, nag-uusap kami, hindi naman pala talaga siya cold eh there's a part of him that's funny. 

Nasa may tapat na kami ng room namin nang makita ko si Daniel na may nakapulupot na kamay sa kanyang braso at nagtatawanan pa sila papasok sa room. 

Bakit parang naiinis ako at nasasaktan at the same time? 

Pumasok ako sa room at pumunta sa pwesto namin, Daniel didn't even notice me. Naka-upo yung girl sa pwesto ko, habang ako eto nakatayo lang at hindi napapansin ni Daniel. 

"Julia diyan nakaupo si Kathryn." biglang nagsalita si Enrique sa likod ko so kilala nila yung babae at Julia ang pangalan niya.

Napatayo naman yung girl at tinignan ako at nanlaki ang mga mata niya. This I get a lot. 

"Pwede naman siyang umupo sa iba, I want to be with you guys. Didn't you miss me?" sabi ni Julia. 

Tas umupo na ulit siya at nag-usap ulit ni Daniel talagang hindi niya ako papansinin? 

Nasasaktan ako Daniel. 

"Sige dun nalang ako sa may harap, I want to focus din naman ngayon sa lesson ni Sir." I said at naglakad na ako papunta sa harapan. 

"Kath." hindi ko nalang pinansin si Daniel. 

All through the day kasama niya si Julia, ni hindi nga niya ako pinakilala dun eh. Kaya alone ako for today, dahil kasama nila si Julia. 

Nakikita kong masaya si Daniel pag kasama niya si Julia, so dahil ba nandiyan siya parang hangin lang ako? 

Uwian na at naglakad na ako, paano ako uuwi nito? Si Daniel ang naghahatid sa akin pauwi eh. Naramdaman ko naman na may humawak sa akin tinignan ko at si Daniel kasama parin si Julia. 

"Tara na Kath." Pag-aaya niya. 

Pero nauna na akong maglakad, bakit ako sasama sa kanya? Ano gusto niyang pakita sa akin na masaya siya kasama si Julia? Hindi ba niya alam na nasasaktan ako? 

Hindi ko alam pero parang automatic ata talaga sa utak ko na pag uwian dito ako sa parking lot eh, kaya nung nakarating ako sa parking lot eh naglakad nalang ulit ako pabalik, hinawakan ulit ako ni Daniel.

"Ano ba Kath?" parang naiinis na sabi niya. 

"Uuwi na ako." sabi ko. 

"Tara na hatid na nga kita!" 

"Dan una na ako ah?" paalam naman ni Julia at umalis na

"Anong problema Kath? Kanina ka pa umiiwas." 

Hindi ba obvious? 

"WALA."

Tinigan niya lang ako "OU NA NAGSESELOS AKO MASAMA?" napaamin ako bigla.

Teka nagseselos ako? 

"Nagseselos ako kasi parang walang lang ako sayo. Hindi mo nga ako nakita kanina eh." pagrereklamo ko. Niyakap lang niya ako at tumawa siya "Bakit ka natatawa?" tanong ko

"Eh kasi naman po best friend ko lang po si Julia. At ikaw ang mahal ko.”  sabi niya. 

Ngumiti ako sa sinabi niya "Talaga?"

"Opo so bakit ka nagseselos?"

"Kasi mahal kita." 

*tbc*

haha sorry kung hindi ok haha umamin na si kath. hahaha wala lang.. so anong meron kay Julia best friend lang ba talaga? anyway i dunno kung kailan ang next update. try k next week.

updated: july 10, 2012. happy birthday. :)

Just a Spoonful of Love [Part One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon