Dedicated to Gypsy_Danger
'Don't stop when you're tired. Stop when you are done'
-Unknown=====
Nagdaan ang araw ay hindi parin bumabalik ang supreme mula sa kanilang misyon habang si Kyla ay bumabalik na ang kanyang dating lakas.
Mas marami nang nalaman si Charm sa pagkontrol at paggamit ng kapangyarihan. Dahil nadin sa tulong ni Kyla.
Paminsan-minsan ay dinadalaw ni Carla si Kyla at sinasabihan ng kanyang mga nalalaman tungkol sa itim na elemento.
Nagbabasa ng libro si Kyla ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin siya sa pumasok. Napangiti di Kyla ng makita si Shiro at may dalang mga prutas.
"Kamusta kana Wifey?" tanong ni Shiro at tinabihan si Kyla sa kama.
"Okay na ako, tsaka bumabalik na din ang dati kong lakas." sabi ni Kyla.
"Alam mo bang bukas nalang ang ating parusa?" tanong ni Shiro. Napatingin si Kyla sakanya.
" Talaga? Bakit naman ang dali?" tanong ni Kyla.
"Sabi ni Dad para daw wala nang distraction sa mga training mo" sabi ni Shiro.
Pero pakiramdam ni Kyla ay may hindi sinasabi si Shiro.
"Hubby ano yun?" tanong ni Kyla. Nagulat si Shiro dahil tinawag siya ni Kyla ng 'Hubby'.
"A-ahh wala yun wifey aalis na muna ako titignan ko na muna si Baby" sabi ni Shiro at tinungo ang crib at kinarga ang baby.
Napabuntong hininga si Kyla dulot ng paghihinayang.
Pinagpatuloy na niyang magbasa at inalis ang kaba at takot sa kanyang dibdib patungkol sa hindi sinasabi sakanya ni Shiro.
*
"Alam kong ginagawa mo lang siyang panakipbutas pare but she deserves to know" saad ng lalaki sa kanyang kaharap sa Cafeteria.
"Yun na nga eh hindi ko masabi" saad ng lalaking kanyang kinakausap.
"Pero halatang naaapektuhan siya sayo kaya dapat tigilan mo na ito babalik pa siya at alam kong masasaktan lang siya dahil sa ginagawa mo" komento naman ng babaeng kanina pa kumakain.
"Tandaan mo dude isang linggo nalang at babalik na siya pano na na iyan?" tanong uli ng babae.
"Mukhang wala akong magagawa, pero paano kung wala talaga siyang nararamdaman saakin?" tanong ng lalake.
"Who knows? Baka meron o baka wala" saad ng lalaki niyang kausap at umalis mula sa cafeteria.
"Well, in the end its still up to you" saad ng babae at umalis na rin. Walang gana niyang tinignan ang pagkain tsaka napabuntong hininga dulot ng paghihinayang.
'Bakit kailangan pang maging ganito?' tanong ng lalake tsaka umalis na din.
*
Pinatawag ni Mr. Stone ang kanyang anak para sa isang mahalagang misyon na dapat ay agad na matupad.
"Oh son sit down" bati ng kanyang ama kay Shiro.
BINABASA MO ANG
MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019
FantasyImpressive Rank Achieved: 188 in academy -(5/11/18) Impressive Rank Achieved-673 out of 971 stories in academy (1/11/19) Impressive rank achieved : 92 out of 238 stories in new Magicea. A world with purpose A world hidden from Fate A world full of...