Sunday. July 1, 2012, 4:47pm
Maggagabi na ng gawin ko yung sarili kong poster para sa poster making na project sa MAPEH. Nakakainis naman. Nagrereview pa naman ako para sa prelim sa Pre Calculus, singit naman tong poster na to. ( -_-)
Doodle here. Doodle derrr. Pinaglaruan ko lang yung poster ko eh. Para lang may maipasa. Tapos na. XD
Kukulayan ko na lang tapos, tapos na 'to. Yey. Oil pastel na lang gagamitin ko para gumanda yung poster ko. Ayy anak ng. Teka, saan ko na nga ba huling nalagay yun??
Hinanap ko sa mga collection ko ng oil pastel yung tanging isang set na pinakakaingat-ingatan ko noon pa man.
At nandito pa rin siya, ang 24 color oil pastel na may nakasulat na katagang, SORRY.
Lahat ng ala-ala, bumalik sakin. Lahat ng sakit, naramdaman ko ulit. Parang nandun ulit ako sa dati kong sarili, nandun ulit ako sa kinatatayuan ko bago pa dumating sa buhay ko ang oil pastel na yan, at tuluyan nang binago ang buhay ko.
*~*~*~*~*~*~*~*
Flashback...
"Uy, Paoline. Sasali kang poster making contest?"
"Sakin ka pa nagtanong. Siyempre, hindi." sabi ko habang nakapangalumbaba.
"Sabi ko nga." -_-
Hindi ko naman talaga hilig sumasali sa mga ganyang bagay. Ewan ko, di ko pa naman natatry sumali. Basta ayoko lang sumali. Period.
KRRIIINNNNNGGGG!!!
Tumunog na yung bell. Ibig sabihin, uwian na. Yay. Nagaayos na ako ng gamit para ready na paguwi nang tawagin ako ng kuya ko mula sa tapat ng classroom ko. Magkasama lang kasi kami sa iisang school.
"Ano kelangan mo?"
"May oil pastel ka?"
"Sakin ka pa nagtanong ng ganyan. Malamang wala. Anong gagawin ko dun, kakainin?"
"Pwede din. Nako naman. Kahit kelan talaga hindi ka maaasahan. Bakit ba kasi ayaw mong sumasali sa mga poster making contest? Di ka tumulad sakin, galing galing kong magdrawing. Oha." ang yabang talaga ng kuya ko. -_-
"Basta ayoko ko. Walang basagan ng trip."
"Try mo lang kasing magdrawing. Malay mo magustuhan mo din. At tsaka malay mo balang araw, kakainin mo rin yang sinabi mo."
"Wareber. Wala akong oil pastel kaya tantanan mo na ako. Korni mo eh." -_-
"Sa susunod dapat meron kang oil pastel kapag manghihiram ako ha!" anong klaseng kuya ba ang meron ako. Napakaautistic eh. -_- Kaya mahal na mahal ko 'to eh.
Anubayun. Papapuntahin pa akong bookstore para lang bumili ng oil pastel. Kailangan ko pang bumyahe ng 15 minutes para lang dun sa oil pastel na yun. Abnormal kuya ko eh. -_-
Sa bookstore..
"Ate, eto po bayad." iniabot ko sa cashier yung pera ko. Isang set lang ng 12 colors oil pastel ang binili ko pero ang haba ng ipinila ko. Makakasapak talaga ako ng kuya paguwi. -_-
Habang nagbabayad ako, nakita ko yung isa kong kaschoolmate na lalaki. Ano nga ba pangalan nito? Carlito? Carl Llander? Carolus Linnaeus? Ewan. Hindi ko na matandaan.
Paguwi ko mula sa byahe, siyempre sinapak ko muna yung kuya ko.
Simula noon, palagi na akong bumibili ng oil pastel dahil binubulabog niya ako kapag wala akong napahiram na oil pastel sakanya. Sa totoo lang, may collection na nga ako ng oil pastel eh. Kahit hindi ko siya ginagamit, pero may collection na ako. Siyempre, ang binibili ko lang yung 12 colors. Kasuwelo niya naman kung bibigyan ko siya ng 24 colors. Hah! In your dreams, kuya!
*later*
BINABASA MO ANG
Oil Pastel: True Story (One Shot)
Non-FictionJust another love story.This is true to life, somehow.