| Two |

77 0 0
                                    

Nagtitipid ako para lang may maipambili ng oil pastel. Kasi nga bibili na ako ng first ever 16 color oil pastel. Ohaa! Naguupgrade na ang lola niyo! Lumelevel up na.

Pagkatapos kong bumili sa bookstore ay bumalik ako ng school. Tutal nadaanan ko naman ang CR, at sasabog na ang pantog ko dahil full tank na, pumasok na ako sa loob. Nilagay ko muna yung plastic na dala dala ko sa may ibabaw ng drum sa may tabi ng cr. Naghugas ako ng kamay tapos lumabas na. Kukunin ko na sana yung plastic ko nang biglang umikot sakin yung kaklase kong lalaki kasi hinahabol siya nung isa ko pang kaklase na palagi kong nakikita ko sa bookstore. Eh kasi magkatabi yung cr ng boys at ng girls. Kakalabas lang siguro nila ng CR. Napatigil na lang ako dahil naweweirduhan ako sa kanilang dalawa. Para lang akong poste dun na pinaiikutan ng dalawang makulit na bata.

PLOK!

WHAT..

THE...

EEEFFFFFF!!!

WAAAHHHHH!! YUNG OIL PASTEL KOOO!” sabi ko habang kinukuha ko yung oil pastel kong nahulog sa drum ng tubig. Natabig kasi ni Carl yung drum kaya nahulog yung plastic ng oil pastel ko. AAHHHH!! BADTRIP NAMAN EEHHH!

Siya naman, clueless sa kung anong ginawa niya. Nakakamot lang sa ulo. Sipain ko to eh. -_-

3

2

1

“Hala! Sorry Pao! Sorry talaga!” ay sige. Ngayon niya lang nagets kung anong nagawa niya. Slow amp. Badtrip. -_-

 Waaahhh. Kawawa naman yung oil pastel, nabasa ng tubig. Hindi na to pwede pang gamitin. Edi itatapon ko na lang. Grabe. Yung itsura ko mangiyak-ngiyak. Salamat ah. Salamat sa paghulog ng oil pastel ko sa tubig. Like, hello. Magkano ang 16 colors na pastel. At first ever 16 colors ko yun! SALAMAT. LAMUNIN MO YANG PASASALAMAT KO LOKO. Badtrip ka. -_-

“Sorry sorry. Tss.” Well sa totoo lang kasalanan ko din. Kung di ba naman ako tanga, nilagay ko sa ibabaw ng drum. Pero, kahit na ba! Kung hindi sila dun naghabulan edi hindi yun mahuhulog!

“Kung gusto mo papalitan ko na lang! Oo! Papalitan ko na lang!” natataranta niya pang habol sakin.

“Bahala na.” Umalis na ako dun bago ko pa isalaksak sa mukha niya yung nabasang oil pastel. Nakakabadtrip talaga.

*later*

Author's note:

Pinaghiwahiwalay ko yung chapter kasi dapat talaga nasa iisang chapters lang yung buong story kaso nga lang mahaba kaya I cut it. :D

Oil Pastel: True Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon