"Ba't kasama mo yung lalaki na 'yon?" Tanong niya bago i-start ng sasakyan at iharurot paalis.Kumalabog ng mabilis ang dibdib ko ng mabilis. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-seatbelt ako pero hindi iyon naging sapat para pahintuin ang paghampas ng katawan ko sa upuan tuwing pumepreno siya.
"Joachim, magdahan-dahan ka nga!" Nabigla ako at napasigaw. Napapapikit na lang ako dahil sa takot tuwing nag-oovertake siya.
Mabuti na lang at dis-oras na ng gabi kaya iilan na lang ang sasakyan na nadadaanan namin. Pero kahit na, kinakabahan pa rin ako.
Mukhang mainit ang ulo niya at galit na galit. Hindi ako kinakabahan ako dahil sa baka nga galit siya sa akin, kinakabahan ako dahil sa bilis ng pagmamaneho niya.
We're running, I think, 180 kilometers per hour or above. Hindi ko na alam ang eksaktong bilis namin pero sigurado ako na lagpas din sa 180 beats per minute ang kalabog ng dibdib ko.
Just a few munites, tanaw ko na ang building nung condo unit niya. Nakaramdam ako ng ginhawa. Buti na lang at nakauwi kami ng ligtas.
"Bakit ka lumagpas? Saan ka pupunta? Joachim!" Pasigaw na tanong ko habang mahigpit na nakakapit sa inuupuan ko.
Umirap siya. "Basta," sabi pa niya. Mukha siyang halimaw na inagawan ng pagkain dahil sa galit niya.
Maya-maya pa nang matanaw ko ang isang lugar na matagal-tagal ko nang hindi napupuntahan-yung apartment ko. It looks like an abandoned house. Patay ang mga ilaw nito at halatang walang tao.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Bumaba lang siya bitbit ang isang plastic na may laman na pagkain yata mula sa isang fastfood chain. Anong bang gusto mangyari ng taong 'to?
"Joachim, ano ba?! Ayaw mo namam magsalita. Kung dahil 'to doon sa nakita mo kanina, magpapaliwanag ako." Pagmamakaawa ko.
Binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin saka lumakad palapit sa pinto ng apartment ko. Sumunod naman ako sa kanya.
Padabog niyang hinampas ang pader para pindutin yung switch ng mga ilaw. Dumiretso rin siya sa kwarto para buksan din yung ilaw at aircon.
"Ano bang problema mo?" Hindi na ako nakapagpigil kaya napasigaw na ako.
"Sigurado ka? Ako? Ako ang may problema? You better ask yourself," sarcastic na sabi niya. Hindi siha nakatingin sa akin na para bang hangin ang kausap niya na aaminin kong mas masakit.
Ayaw niya akong kausapin ng matino at ayaw din niya akong tignan. Tumitingin siya sa akin, minsan, para irapan ako.
"Aalis na ako. Matulog ka na d'yan." Walang ganang pagpapaalam niya. Itinuro naman niya yung pagkain na inilapag niya sa center table sa sala. "Ayan ang pagkain kung sakaling magutom ka."
Ugh! Hindi ko na kaya 'to! "Joachim, sandali!" Sumigaw ako bago tumakbo palabas at habulin siya. Hindi ko ugali maghabol but this is just some serious matter. I don't even know why he's mad.
"Iiwan mo talaga ako dito, Joachim?"
Natawa siya. "Tawagan mo yung lalaki na 'yon. Magharutan kayo d'yan magdamag." Sabi niya sabay dukot ng kung ano sa bulsa niya at inilagay sa palad ko. Condoms? Anong gagawin ko dito?
"So, 'yun nga ang ikinagagalit mo? Joachim, wala kaming ginagawang masama. Sinamahan niya lang ako ns hintayin ka kanina dahil umuulan. Isa la, doon din siya nagtatrabaho at kanina ko lang nalaman iyon."
"I'm tired of these damn reasons, Evie. Tawagan mo na siya dahil-" huminto siya at ni-head to foot ako. "Baka nangangati ka na. Mahirap pigilan ang tawag ng laman, nakakamatay."
Para na akong maiiyak na hindi ko maipaliwanag. Bakit ba pinagpipilitan niya na may ginagawa kaming mali ni Enzo?
"Ano ba kasing ikinagagalit mo? Joachim, please? Magsalita ka! Sabihin mo yung problema mo kasi ako, wala akong nakikitang mali sa ginawa naming paghintay sa'yo kanina."
"Evie, hindi iyon, hindi iyon ang ikinagagalit ko. Wala ka kasing alam. Hindi mo alam."
Naiyak na ako. "Hindi ko alam, J-Joachim. Ipaalam mo sa akin. Sabihin mo. Ano?!" Humagulgol na ako sa harap niya.
Hatinggabi na pero wala kaming pakialam kung sino man ang makarinig sa amin. Wala akong pakialam kahit na nagbukas na ng ilaw dahil mukhang nagising na yung mga katabi kong apartment.
Wala akong pakialam.
"Sige, Evie, ipalaalam ko sa'yo." He said without even looking at me. Unti-untj na ring tumataas ang boses niya. "Nung gabing pinuntahan kita sa bar at naabutan kitang may kahalikan. Evie, kilala mo ba kung sino 'yon?"
Umiling ako at unti-unting nabuo ang mga ideya sa utak ko.
"Siya 'yon, Evie, siya!" Galit nangalit niyang sigaw. "Ngayon alam mo na kung bakit ako galit? Huh?"
Iyon na lang ang sinabi niya bago tuluyang umalis. Tuluyan na ring bumuhos ang mga luha ko and I felt very sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam.
That night, I drowned myself in tears. I cried the same way I did when Joachim broke up with me, the same way I did when my Mom died, I cried the same way I did when I felt so alone.
BINABASA MO ANG
Slavery In His Condo (COMPLETED)
Narrativa generale[RATED SPG] Reese Evie Mercado lost everything after her Mom's death. Mag-isa na lang siya dahil sanggol pa lang siya nang iwan sila ng ama niya. What's worse? Her boyfriend, Joachim Villamor, broke up with her kaya patong-patong na luha, lungkot, s...