CHAPTER 3: Can you ride me?
Di ko talaga mawari kung bakit kahit ilang beses akong saktan ni James ay hindi pa rin ako tumitigil sa paghabol ko sa kanya. Ganon talaga siguro pagmahal mo ang isang tao, di bale nang ikaw ang masaktan wag lang sya? Aishh okey lang yan Julianna mamahalin ka rin ni James balang araw! Aja!
.
.
James's Point of View
"Okey class, ang lesson natin ngayon ay tungkol sa pamilya. Para sa inyo class, ano ang pamilya para sa inyo?" tanong ni Mr. Sumilang, teacher naming sa Philosophy.
Pamilya? wala ata ako non e, tsk. Bata pa lang ako nung namatay si Papa dahil sa cardiac arrest. Biglaan non, kakatapos lang nyang mag-opera ng kanyang pasyente sa Baystate Medical Center. Isang tanyag na hospital dito sa Manila. Sobrang lungkot ko nung namatay si Papa. Dalawa kaming magkapatid, ako ang panganay at si Prince Ace naman ang bunso kong kapatid. Katatapos lang nung ilibing si papa noon sa puntod nya nang napagdesisyunan ni Mama na magtrabaho sa ibang bansa kasama si Ace. Ako? iniwan nya ako para mag-aral na nagging dahilan na din kung bakit di ako nakikipagsalimuha sa mga tao. Natuto akong mamuhay ng mag-isa. Walang kasama. Kaya piling ko walang nagmamahal saken, walang may pake sa akin. Lubos ko itong tinanggap.
Nagising na lamang ako ng tawagin ako ni Sir Sumilang. "Mr. Alcantara, I said ano para sayo ang isang pamilya? Ano ba iniisip mo dyan?" sabi nya.
"Ahh. Sir .. matatawag mo pong pamilya ang pamilya kapag ang isang lalaki at babae ay nakabuo ng isang anak, magiging nanay at tatay na sila. Aalagaan nila ang anak nila hanggang sa lumaki ito at tumayo sa sariling nitong paa." pagsisinungaling ko. Walang kwenta. Dahil wala naman ako non tsk.
"Magaling Mr. Alcantara." sabay nagpalakpakan ang mga kaklase ko.
Habang nagtuturo si Sir ay napansin kong tinitignan nananaman ako netong si Julia. Napangiti ako ng bahagya. "Ano yon?" sabi ko na lang sa kanya.
"Yung sinabi mo kanina kay Sir.." pinutol ko agad ang sasabihin nya. "Oo kasinungalingan lang yon para saken." Ani ko sa kanya.
"Hindi yon totoo James! Nandyan pa ang mama mo. Wag ka ngang nega.. tsaka nandito naman ako eh hehe." Kulit talaga ng babaeng toh. "Manahimik ka nga dyan." sabi ko na lang.
Nagbell na at ngayon ay recess na. Inutusan ako ni Mrs. Magsaysay na kolektahin ang assignments namin sa kanya at ilagay yon sa desk nya sa faculty. Habang naglalakad ako papuntang faculty ay nakita ko sa Sarah, may dalang malaking box na mukha naming nabibigatan kaya nilapitan ko na.
"Sarah ako na lang ang magbubuhat nyan. Saan mo ba ilalagay yan?" tanong ko.
"Ah basura naten ito sa room naten itatapon ko lang." sabi nya.
"Sige palit na lang muna tayo ng hawakan samahan na kitang itapon ito." pag-aya ko.
Nang natapon ko na ang box ay pinasalamatan nya ako sabay tumakbo paalis. Oo nga pala, umamin na pala sya saken na gusto nya ako tsk. Nagsasayang lang sya ng oras. Pero kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya dahil may iba akong gusto. Naglakad na ako papunta sa office ni Mrs. Magsaysay at inilagay doon ang assignments namin.
Julianna's Point of View
Alam ko nagsisinungaling itong si James kanina sa Philosophy subject namin. Oo alam ko na namatay na ang tatay nya. Tas ang nanay naman nya pati kapatid nya ay umalis papuntang Singapore at naiwan sya dito. Isa ako sa saksi nung pagiyak nya nung paalis na yung mama at kapatid nya. Ibinalin sya sa tita nya si James don sa appartment nya ngayon ngunit nung grade 4 pa lang kami ay kinailangang umalis ng tita nya don kaya naiwan magisa si James dun sa appartment. Buwan-buwan namang nagpapadala ng pera ang nanay nya kaya sa tingin ko ay okey naman sya.
Break time na kaya papunta na ako sa pwesto namin nung nakita ko si James na may hawak na papel. Yun yung mga assignments namin. Susundan ko na sana sya pero nakita nya si Sarah na may hawak na mukha namang magaan dahil yun yung basurahan namin. Kaya inexpect ko na hindi nya tutulungan si Sarah pero nabigo ako. Tinulungan nya ito at patago ko silang sinundan. Habang naglalakad sila ay nagtatawanan sila. Hala! maari kayang may namamagitan na sa kanila? No way! hindi pwede! Nung natapon na nya yung basura namin ay nag-usap lang lang sila saglit tapos biglang tumakbo si Sarah paalis. Kakainis talaga itong si Sarah eh. Di ko na sya sinundan bagkus ay pumunta na lang ako ng canteen.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naligo agad ako at nagalmusal. Hinanda ko na rin ang paborito ni James na tinapay at choco drink. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si James. Anghel ba sya? Shemay ang gwapo nyaaa. Wahhh! Nakasakay sya sa bike nya at parang may hinihintay sya.
"James eto almusal para sayo." sabi ko sa kanya.
"Diba sabi ko sayo wag mo na akong bibigyan nyan? ang kulit mo talaga." wala kang pake, love kita eh.
"Eh kung pwede na lang bang umangkas ako sayo?" pagmamakaawa ko.
"Ayoko nga." sabi nya.
"Dalii naaaa plssss." pagpapacute ko.
Umaandar na yung bike nya pero bigla syang huminto. "Ano? pipilitin pa ba kita?" tanong nya with smile? seryoso? ngumiti sya saken? omggg!
"ehh. ehh eto naa!" bigla akong tumakbo at umupo sa likod nyaa.
Habang nasa daanan kami ay di ko mapigilang kausapin sya. Dahil may naalala ako at excited na akong dumating ang araw na yon.
"Hmm James?" ani ko.
"Hmm?" sabi nya.
"Ano kasee ano.. " nahihiya akong tanunginn.
"Ano nga?" nakangiting sabi nya. Natutunaw akoo beshh.
"Diba birthday mo nextweek? Amhh ano gusto mong gift?" hays natanong ko na din.
"Wag ka ng magabala dyan. Di ako nagcecelebrate non." Sabi nya.
"Eh! Di pwede! reregaluhan pa din kita." pagpapacute ko.
"Bahala ka sa buhay mo." nakita ko syang ngumiti. Sabi ko na nga ba e may gusto din sakin etong si James eh . hahahahah assumera ako ng taon haha.
Sobrang saya ko ngayong araw dahil hinatid ako ni James papuntang school? Hays sana araw-araw ganon.
Nang malapit na kami sa school ay nakita namin si Liam na binugbog ng mga kalalakihan sa gilid ng tindahan. Medyo duguan na sya. Bakit di sya lumalaban?
_____________________________________________________________________________________________________________
Chapter 3 done!
Please Vote and Comment! Thankies!
BINABASA MO ANG
Crush ko,Crush ako?
FanfictionCrush ko, Crush ako? . . . "Just thinking about you brings a smile to face, a twinkle to my eye, and a skipped beat to my heart." . . . Hindi naman masama ang magkagusto sa isang tao, bagkus ay gawin mo na lamang itong isang inspirasyon sa buhay. . ...