16. Orphanage

15.9K 389 15
                                    

DINALA ni Caleb si Serena sa isang children's orphanage sa Tagaytay nang mag-day off siya. Inilabas niya ang asawa. Naramdaman niya ang panginginig nito nang alalayan niya itong makababa ng sasakyan.

Ngumiti si Caleb. Sa isip niya, nanginig ang asawa dahil natuwa ito. Excited ito.

"Bakit mo ako dinala rito?" May takot sa boses ni Serena. Nagkamali pala si Caleb. Takot pala ang dahilan ng panginginig ng asawa.

"Mahilig ka sa mga bata 'di ba?"

"And how the hell did you think of that? Hindi mo pa ako kilalang-kilala!" Nanlilisik ang mata ni Serena.

Kumawala sa pagkakahawak ni Caleb si Serena. Naglakad ito pabalik sa kotse. "Serena, bumalik ka rito!"

Hindi sumunod ang babae. Napilitan si Caleb na sundan ito. "Serena, ano ba ang problema?"

Hindi sumasagot ang babae. Pero nang makita niya ang mukha nito, doon niya nasigurado na may problema nga ito. Maputla ito.

"Serena..."

"Ayaw kong pumunta rito. Hindi mo dapat ako dinala rito!"

"I'm sorry, then."

"Gusto ko ng umalis." Basag ang boses ni Serena. Pakiramdam ni Caleb ay mababasag rin ang puso niya. Mararamdaman sa boses ni Serena na malapit na itong umiyak.

Sumunod si Caleb. Pero mukhang ikinagulat naman iyon ni Serena. Ngitian niya ito nang makapasok sila sa kotse. "Hindi na ako naging pabebe dahil mukhang paiyak ka na. I'm sorry. Mukhang pinasama ko ang loob mo. Akala ko ay mag-e-enjoy ka kung dadalhin kita sa ganitong lugar."

Yumuko si Serena. "'Sorry rin. Nagulat kasi talaga ako. Ayoko sa mga ganitong lugar. Ayoko sa mga bata."

Tinaasan ng isang kilay ni Caleb ang asawa. "Hindi iyon ang unang nakita ko sa 'yo."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Bago pa man tayo ikinasal ay nakita na kita, Serena. Nakita ko ang pagtulong mo sa mga bata sa kalsada. Sigurado ako na ikaw ang babaeng iyon. And on that moment, I knew I've saw the woman whom I want to be my wife and the mother of my children. Gusto na kita noong una pa lang tayo na magkita."

"M-mother of your children?"

Tumango si Caleb. "I want to have a family. Gusto kong magkaroon ng maraming anak. And I expect and intend that to be with you."

"N-no..."

Lalong naguluhan si Caleb. Pero inintindi pa rin niya ang lahat. Mukhang nagkamali talaga siya ng pag-aakala kay Serena. Bukod pa roon, mali rin siya sa tantiya sa edad nito. Mas bata pa ito kaysa sa inaakala niya. Malaking responsibilidad ang gusto niyang ibigay rito.

"But don't worry, hindi naman ako nagmamadali." Pagbawi na lang ni Caleb.

"P-pero paano kung hindi na mangyari ang gusto mo?"

Inilagay ni Caleb ang hintuturo niya sa bibig ni Serena. "Hush. I have a huge feeling that this marriage will really work. Hindi ako papayag na hindi..."

Tinitigan siya ni Serena. Nasa mata nito ang pag-aalinlangan. Pero walang salita na lumabas sa bibig nito.

Hindi na rin nagsalita si Caleb. Alam niya na kailangan nilang mag-usap ng asawa. Ramdam niyang may tinatago ito. Pero makakaya ba niyang komprontahin ito kung ganoong mukhang ikasasama iyon ng loob ng asawa? Nasasaktan siya kapag nakikitang nasasaktan ito. Sa tingin niya, kailangan niya nang matinding paghahanda para roon.

"H-hindi ako ang nakita mong babae noon. Hindi ako mabait." Malayo-layo na rin ang nada-drive ni Caleb nang magsalita ulit ang asawa.

"Ayaw kong maniwala. Hindi peke ang saya na nakikita ko sa mukha mo noon. Hindi rin ako maloloko ng ningning sa mata mo. Masaya ka nang tulungan mo ang mga bata na iyon."

"Spur-of-the-moment thing lang iyon. Naawa lang ako sa mga bata."

Ngumiti si Caleb. Itinigil niya ang sasakyan. "I know you are not as bad as you let others sees you."

"You don't know me completely, Caleb."

"Nararamdaman ko na mabait kang tao. Hindi kita susukuan."

Tinitigan siya ni Serena. "How can I be married with someone like you? Napakabait mo para sa isang kagaya ko."

"Siguro ay dahil mabait ka rin at hindi mo lang gusto na i-recognize iyon."

Nagkibit-balikat si Serena. "Ni hindi ko nga inisip na magpapakasal ako, eh."

"Seryoso? Kahit minsan ay ni hindi mo naisip na magkakaroon ka ng asawa? Kahit ang itsura niya? Ang pakiramdam na magkaroon at bumuo ng sarili mong pamilya?"

"Ayaw kong isipin. Feeling ko kasi, magiging disaster lang ang lahat. Hindi na naman siguro bago sa iyo na karamihan sa circles natin ay arranged marriage. Marami akong kaibigan na ipinagkasundo ng kanilang mga magulang sa taong hindi nila mahal. Hindi sila masaya. Ayaw ko na magaya sa kanila."

"Ibig sabihin lang noon, kung gusto mo man na maikasal, iyon ay sa taong mahal mo."

"Siguro," wika ni Serena. Ngayon ay nagkaroon na ng kulay ang mukha nito. May ningning na rin sa mata nito. Ngumiti na rin ito. "It's good to marry a man who makes my heart race and my blood rush---"

Hindi naituloy ni Serena ang sasabihin nang unti-unti ay inilapit ni Caleb ang sarili rito. Ibinaba niya ang ulo niya patungo sa labi nito.

"Like this, you mean?"

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon